47

48 2 2
                                    

Kristel's POV

Abala akong maghanap ng maisusuot nang biglang pumasok si mama.

"Kris, isuot mo 'to." kumunot ang noo ko sa isang black tube dress.

"Mama, saan po ba tayo pupunta?" papa told me to get dressed and compose myself. Wala na siyang iba pang sinabi sa akin maliban sa makikipagkita kami sa isang family friend.

"Malalaman mo din anak, for now. Wear this, ako ang bumili niyan para sa'yo." kahit na marami ang tanong sa aking isipan ay isinantabi ko na lamang. Nagconcentrate ako sa pag aayos ng itsura habang tahimik na nanonood si mama.

Today is Heet's day off and If I were asked, I'd be more delightful to join him right now. But my mother and father are all in formal attire and it's making me wonder where the hell are we going.

Isinukbit ko na ang silver na sling bag sa balikat matapos isuot ang stilletos. Nakangiti naman akong nilapitan ni mama.

"You're beautiful.." tinitigan ko muna si mama, kakaiba ang kinikilos niya at hindi ko maiwasang mag taka.

"Thank you mama.."

Sabay kaming lumabas ng kwarto, akala ko kasabay ko sila papa at mama sa sasakyan pero hindi.

"Mauuna na kami anak, they are already waiting there." hinalikan ako sa noo ni papa bago niya iginaya si mama sa isang itim na sasakyan na sinusundan ng dalawa pang sasakyan na kinapapalooban ng mga bodyguards.

Wala pang sampong minuto ay tinawag na ako ng isang kasambahay upang sabihin na narito na ang sundo ko.

I'am in complete wonder, what's happening? Are we going to some sort of party? Or gathering?

Nagsalubong ang kilay ko at natahimik nang makita ang isang lalaking naglalakad palapit sa akin. He's wearing a black tuxedo and his usual poker face. Pakiramdam ko hindi ko na kakayanin ang malubhang pagtataka, para akong nasa ibang lugar at wala man lang gustong kumausap sa akin.

"Mith, tell me what's happening." umigting ang panga niya, my bodyguard is also different. Nakakapanibago. I can sense a desperate aura, even his eyes are perturbing as he looked at me.

Bumuntong hininga siya bago ako hinarap ng buong buo, walang kahit na anong emosyon sa mukha kundi determinasyon.

"Listen to me. I want you to cooperate." unti unting tumigas ang ekspresyon ko. I could feel my heart thumping with unusual rhythm. I have a bad feeling about this!

"I'am not Mith."

****

Lutang ako habang nasa loob ng itim na limousine na pagmamay ari ng mga Johanson.

"Kris..." muli na naman akong napabuntong hininga. This is too much. Masyadong madami ang nalaman ko at pakiramdam ko sasabog na ang utak ko.

"I know you're shocked. But please, cooperate."

Walang emosyon ko siyang binalingan. How could he take all of these?

"Why don't you just stop all of these and tell them you're already a father?" nag iwas siya ng tingin at bumuntong hininga.

"If I just can, Kris. If I just can. Please, just a little favor. Cooperate and we'll talk about this again." pakiusap niya. Halatang halata mo sa tono niya ang pagod at pagiging hindi komportable.

"You should have told me about this earlier, Theon!"

"I don't know what to do anymore, can you just cooperate?" ramdam ko ang pagpipigil niya ng inis.

Art of Pretending Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon