56

8 0 0
                                    

Third person's POV

Prente ang paglalakad ni Theon habang patungo sa opisina ng kanyang ama. Bahagya pa itong nakangiti sapagkat kagagaling lamang niya sa kanyang mag-ina. Ang saya na kanyang nararamdaman sa tuwing nakikita ang dalawang taong importante sa buhay niya ay hindi malalampasan nino man.

"Good morning, attorney.." tinanguan lamang niya ang kasambahay na bumati. Matagal tagal na rin simula ng siya ay pumunta sa mansyon na iyon, hindi niya nanaising kuwestyunin siya palagi ng kanyang ama sa kung saan ito nagpupunta kaya nananatili na lamang ito sa kanyang penthouse.

Tuwid ang tayo at muling nanumbalik ang matigas niyang ekspresyon nang sa wakas ay marating niya ang pintuan sa opisina ng kanyang ama. Tatlong katok ay binuksan niya ito.

Yumuko ng medyo may katagalan si Theon. "Father.." usal nito bago nag-angat ng paningin.

Hindi makita ni Theon ang kasalukuyang ekspresyon ng kanyang ama sapagkat nakatalikod itong nakaupo sa kanyang swivel chair. Umigting ang kanyang panga at sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam siya ng kakaibang takot. Takot na hindi makapa kung saan nagmumula.

Tumikhim si Theon nang lumipas ang ilang minuto ay hindi pa rin ito humaharap.

"Son," nanlamig ang kamay ni Theon. Ang tono na iyon ay matagal na niyang hindi naririnig. Isang tinig sa kanyang ama na kinatatakutan niya. Tinig ng pinaghalong galit at pagbabanta.

What's happening?

Mabilis na sinakop ang isipan niya ng iba't ibang maaaring dahilan kung bakit siya tinawag ng kanyang ama sa ganoong paraan. Nang sa wakas ay humarap ito, kita sa mata niya ang pagkadismaya sa kanyang nag-iisang buhay na anak.

Marahas itong tumayo kahit pa bahagyang hirap. Nagtatagis ang bagang at wala nang kasing talas pa ang tingin.

"What's the meaning of these?!" nagliparan ang mga papel sa lamesa gawa ng pabagsak na paglapag ng ama roon ng isang brown envelope. Hindi pa man niya iyon nabubuksan ay agadang nanginig ang kanyang buong sistema.

No.. please

Anito sa isipan. Mayroon nang namumuong ideya sa kanya ngunit pilit niyang iwinawasiwas. Kalmado niyang binuksan ang laman ng envelope sa kabila ng nag-aapoy na tingin sa kanya ng ama.

Nagkakarerahan na ang tibok ng kanyang puso, ngunit animong isang putok nang bulkan ang naganap nang makita niya ang laman ng envelope. Nanlaki ang mata at tila naninigas ang buo nitong katawan matapos makita ang napakadaming litrato kung saan siya at si Avila ang laman.

"Fathe--"

"Disappointment!"

Umigting ang panga ni Theon kasabay ng pagkuyom ng kanyang mga kamao. Nakakarindi ang ingay na ginawa ng paghagis ng ama nito sa isang vase.

"You are a disappointment!" ulit pa niya sa mga salitang halos pumatay sa kanyang pagkatao. Mga salitang nanunuot hanggang sa kanyang buto. Mga salitang hindi na niya nanaisin pang marinig. Mga salitang hindi niya kinakaya mula sa kanyang ama.

Bullshit..

"I didn't allowed you to come back in the Philippines for this!" sigaw ng kanyang ama. "How long are you going to be like this, huh? This is embarrassing for the Herrano Family! Do not be a disgrace to our family! Everyone is expecting you!" nanatili ang tingin nito sa sahig.

"We can still lead the firm even though we're not together, father." sinubukan niyang maging malumanay hangga't kaya, oo at mabilis maubos ang kanyang pasensya ngunit hindi lamang basta basta ang kanyang kaharap. Ito ang ama niya.

Art of Pretending Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon