2
"Kids saan ang gusto niyo pumunta"? Tanung ko sa mga bata pagkarating namin sa mall.
"Mommy kain muna tayo gutum na ako" reklamo ni Xyza tiningnan ko si Zain nasa kabila nakahawak rin sa isang kamay ko.
"Pati rin ako mom, hindi pa tayo naglunch sa bahay pagkaalis natin" oo nga no. Gutum narin ako.
"Okay tara, gutum na rin si mommy eh" ng narinig ko ang tiyan ni Xyza nagugutum nga ang anak ko.
Tumawa si Zain.
Pumasok kami sa fastfood. At syempre dahil mga bata lang naman sila. Madami sa kanila ang magutum. Nag order ako ng spaghetti, kanin, at fried chicken dinagdagan ko rin ng ibang ulam. Pagkatapos ko nagbayad umupo kami sa isang mesa na pang apat.
Habang naghihintay kami sa pagkain.
Tahimik lang ang mga bata nagmamasid sa mga tao labas pasok dito sa loob.
"Kids pagkatapos natin dito saan tayo pupunta"? Tanung ko sa mga bata.
"Ako mommy gusto ko sa playhouse. Matagal na din kasi hindi tayo nakapunta doon" palihim ko tiningnan si Zain. Nakasandal sa likod ng upuan.
"How about you Zain"? Tanung ko sa kanya para malungkot.
"Same mom" sagut niya.
"So anung gusto niyo sa birthday niyo? Gusto niyo ng party? Clown? Games?" Palipat ko tiningnan si Xyza ng palihim nakatingin sa malayo.
"For me mom, wag na okay lang naman sakin kung walang party" sagut ni Zain.
"Me mom i want my dad" medyo nagulat ako sa sagut ni Xyza. Hindi ko inasahan yun.
Sinundan ko ng tingin si Zain. "Me too mom" sagut din Zain.
Hindi ako nakasagut sa gusto nila., maya maya dumating na ang pagkain inorder ko. Pinakain ko sila ng nauna. Nagugutum nga sila dahil nilantakan pa naman ang mga pagkain binili ko.
"Kids slowly lang" nagkalat sa mukha ni Xyza ang sauce sa spag kaya tinanggal ko gamit sa tissue.
Pati rin si Zain.
"Mom, bakit hindi ka kumain? I thought nagugutum ka na"? Ngumiti nalang ako.
"Busug pa si mommy, " sagut ko.
Pagkatapos nilang kumain lumabas na kami sa fastfood.
"Hawak lang kayo kay mommy okay" tumango naman ang dalawa. Hindi naman kasi sila makulit kagaya sa ibang bata na makulit.
Si Xyza wearing a maong short, pink shirt na may design na barbie at nakaboots na color white. May bag din siya maliit kagaya sa kanya.
Habang si Zain nakasuot ng maong pants and kids shirt na color white. At nakashoes ng rubber.
Napahinto kami ng may nakabangga sakin.
"Sorry" ako na humingi ng paumanhin ng naalala ko familiar ang hitsura niya.
Hindi ko matandaan kung saan ko nakikita siya. Pagkarating namin sa playhouse agad naglaro si Zain at Xyza. At ako dito sa tabi hinintay sila. At nakatingin sa kanila naglalaro.
Napaisip ako sa gusto ng mga bata. Hindi pa panahon para malalaman nila ang totoo. At lalo siya.
Isa alam ko wala na siya dito sa Pilipinas. Hanggang kaya ko itago sa kanila gagawin ko.
"Mommy umiiyak ka ba"? Napatingin ako sa nagsalita ang dalawang bata nasa harapan ko.
"Mommy meron bang umaway sayo? Gusto mo awayin din namin sila for you"! Saka niyakap ako sa dalawang bata.
BINABASA MO ANG
WIFE TEARS 2 ( Completed )
Teen FictionBASAHIN MUNA ANG BOOK 1. #1 book 2 thank you HR [ #66 Teenfiction ] Nagkita, nagkabalikan, nagmahalan. pero sa huli pinili ni Lynin ang lumayo at mapalaki ng mag isa ang niya. Sa ginawa niyang decision anu ang magiging kahihitnan nito? magkabalikan...