Chapter 56
"Mommy,"
"Mommy,Mommy"
"Sandali lang baby, saan ka pupunta.. wait wag kang papasok diyan baby Xy,"
Nilingun niya ako at ngumiti. "Mommy" pinasok niya ang liwanag.. "sandali lang baby" patuloy lang siya sa paglalakad at pinasok ang puting liwanag at tuluyan na siyang nawala.
"Xyzaaaa! No baby waaaagggg mo iwan si mommy"
"Ly, Ly gising, Ly, nanaginip ka"
Dahan dahan ko minulat ang mata ko. Inikot ko ang paningin ko sa paligid. Nakita ko si Jace nasa gilid ko nakatayo.
Bumangun ako kaagad. "Ly hindi ka pwede bumangun sayo" pigil niya sakin. Nagsimula ng mangilid ang luha ko ng maalala ko nakita si Xyza.
"No. Hindi pwede Jace, puntahan ko yung anak ko nangangailangan sakin yun." Bumaba ako sa hugaan ng pigilin niya ulit ako.
"Hindi pwede Xy hindi ka pwede gumalaw" kumunot yung noo ko. Tinanggal ko ang kamay niya nakahawak sa kamay ko.
"Hindi mo ba ako narinig Jace! Kailangan ako ng anak ko ngayun kaya pwede ba padaanin mo ako!"
"Hindi ka nga pwede umalis"
"Bakit hindi ako pwede umalis Jace?importante pa ba yan kaysa nararamdaman ko ngayun?"
Niyakap niya ako. "Ssshhh tama na yan.. panaginip lang yun. Pahinga ka muna" mas lalo uminit yung ulo ko sa sinabi niya.
"Bakit ba? Bakit pinipigilan mo ako na umalis? Hindi yun basta basta na panaginip Jace! Hindi mo pa naiintindihan ang nararamdaman ko ngayun dahil wala ka pang anak. Saan ang cellphone ko?" Matigas kung sabi sa kanya.
"I'm sorry" may kinuha siyang cellphone sa bulsa niya at binigay sakin.
"Tawagan mo sila sa bahay niyo para makasiguro ka" tiningnan ko muna si Jace sa mata niya. Saka nagdial sa number sa bahay. Nagring ito ng tatlong beses. Maya maya may sumagut.
"Hello,"
"Hello Lora si Ate Ly mo ito. Kamusra si Xyza? Nakalabas na ba siya?"
Kinabahan ako bigla ng hindi makasagut si Lora sa tanung ko. "Ate puntahan mo nalang sa hospital doon parin sa dati" mas lalong bumilis yung kaba ko sa sinabi niya.
"Ba-bakit? Ma-may nangyayari ba? Oo si-sige pupunta na ako ngayun" pinatay ko kaagad ang tawag at tinanggal ang dextrose nasa kamay ko. Dali dali akong pumunta sa banyo para magbihis.
"Wait saan ka pupunta? Di ba sabi ko sayo hindi ka pwede umalis baka mapano ka sa daan?"
Kumunot yung noo ko sa sinabi niya. "Wala ka ng pakialam kung saan ako pupunta" hindi ko rin alam paano ako nagkaroon ng damit dito sa hospital. Sumunod narin siya sakin at pinagdrive niya ako. Kotse naman niya ang ginamit. Pagkarating namin sa hospital. Dumiretso ako sa e.r...
Kinakaban ako sa nakita ko. Si Zac nakaupo sa nahelirang upuan. Sila mommy at daddy na magulang ni Zac at si Lora.
"Zac?"
Napaangat siya ng tingin sakin agad akong tumakbo papunta sa pwesto niya tinawag ko siya. Kumunot yung dalawang kilay niya ng makita sino ang kasama ko.
"Zac anung nangyayari bakit kayo nandito at bakit nandito kayong lahat?"
Agad niya akong hinila palapit sa kanya.
"Lynin? My god sayo saan ka ba pumunta? Hinanap ka namin ng dalawang araw" napalingun ako kay mommy.
Nilipat ko ang tingin ko kay Zac. "Zac kamusta si Xyza? Di ba nakalabas na siya? Bakit kayo nandito lahat?" Hinawakan ni Zac ang dalawang kamay ko.
BINABASA MO ANG
WIFE TEARS 2 ( Completed )
Teen FictionBASAHIN MUNA ANG BOOK 1. #1 book 2 thank you HR [ #66 Teenfiction ] Nagkita, nagkabalikan, nagmahalan. pero sa huli pinili ni Lynin ang lumayo at mapalaki ng mag isa ang niya. Sa ginawa niyang decision anu ang magiging kahihitnan nito? magkabalikan...