8
"Ate mauna na akong matulog" tumango ako nagpaalam kasi si Lora medyo malalim na rin ang gabi. Ang dalawang bata tulog na.
"Ate Nin okay ka lang"? Tumango ako saka ngumiti.
"Napag isip isip ko kasi ang sinabi ni Nicole Lor" sagut ko sa kanya.
"Maganda naman ang naisip ni Nicole ate Nin. Pero ikaw parin ang magdecision niyan. Ikaw lang nakakaalam" sagut niya.
Tinigil ko muna ang pagtrabaho ko.
"Pwede mo naman sila ipakilala sa isa't isa ate, hmmn friends. Kung pwede mo na sabihin sa kanila ang totoo sabihin mo na" sagut ni Lora.
May point din naman si Lora.
"Pero natatakot kasi ako Lor sa posibleng mangyayari baka sa huli ang mga bata lang ang nasasaktan" sagut ko sa kanya.
"Sa tingin ko ate Nin, sa ngayun isipin mo ang mga bata, kasi Si Kambal nagtatanung na sila sakin. " sagut niya.
"Okay pag isipan ko sige. Matulog ka na goodnight. " saka pumasok na siya sa kwarto.
Napapikit ako.
Kinabukasan maaga akong nagising para maghanda sa breakfast namin. Habang tulog pa sila.
Si Lora naman may inutus ako sa kanya sa palengke.
Napatingin ako sa may pintuan ng may tumawag sakin.
Anung meron? Agad ako pumunta sa pintuan at ng mabuksan ko laking gulat ko sa kasama ng kapitbahay namin.
"Nin, may naghanap sayo. Sinamahan ko nalang siya dito sa bahay mo" sabi ni manang Tilda.
"Alis na ako" saka umalis na siya.
Anu bang gagawin ko? Nakatayo lang siya sa harapan ko nakangiti.
Hindi ko kasi inasahan ang araw na ito ang bilis naman.
"Morning" bati niyang nakangiti.
"Mo-morning din" nauutal kung sagut sa kanya.
"Anung ginawa mo dito? Umalis ka na! Ayoko ko makita ka nila hindi pa panahon" tinulak ko siya palabas sa gate.
"Gusto ko lang naman makita sila Ly yun lang. Wag mo naman sila ipagkait sakin. Kung hindi pa ngayun kailan pa Ly"? Umiwas ako ng tingin sa kanya.
"Don't worry hindi ko sila bibiglain" dagdag niya.
Binitiwan niya pagkahawak sa braso ko.
"Si-sige. Pasok ka" binuksan ko ang pinto ng malaki para makapsok siya.
"Malaki pala itong bahay mo," dumiretso ako sa kusina para tapusin ang ginawa ko at siya inikot ng mata niya ang buong paligid sa bahay.
"Coffee"? Tumango naman siya.
Pinagtimpla ko siya ng coffee pagkatapos niya ikotin ang bahay.
"Kayo lang dito"? Tumango ako sa tanung niya.
"Ate Nin"? Si Lora dumating na pala.
"Ate Nin? Pwede umuwi ako muna mamaya? Nahospital kasi yung kapatid ko" tumango ako.
"Okay. Kailan ang alis mo"? Tanung ko.
Binigay ko ang coffee kay Zac.
"Thanks" pasalamat niya.
"Ngayun pagkatapos sa breakfast" sagut niya.
"Okay. Mag iingat ka" sagut ko.
Agad siya pumasok sa kwarto niya.
BINABASA MO ANG
WIFE TEARS 2 ( Completed )
Teen FictionBASAHIN MUNA ANG BOOK 1. #1 book 2 thank you HR [ #66 Teenfiction ] Nagkita, nagkabalikan, nagmahalan. pero sa huli pinili ni Lynin ang lumayo at mapalaki ng mag isa ang niya. Sa ginawa niyang decision anu ang magiging kahihitnan nito? magkabalikan...