Lynin 50

5.6K 154 14
                                    

Chapter 50 

Habang dumadaan ang mga araw at nadagdagan ang mga araw mas lalong nagiging mabigat ang mga araw na dumating. Dahil sa araw na dumating kinakabaha  ako sa posibleng mangyayari at hindi pa handa sa mangyayaring ganun.

Hanggang ngayun hindi parin kami nagkibuan ni Zac nagpapansinan lang kami sa harap ng mga bata pero pagdating saming dalawa nahuhulog kami na parang stranger. Halos araw araw ko dinadala ko ang problema. 

"Wala ka pa bang nakita Ly na magiging donor ni Xyza?"

Umiling ako at ngumiti ng pilit. "Hindi ko alam Laine kung makakita pa ba ako na magdonate ng donor kay Xyza kahit bayaran ko pa hindi naman magmatch" 

Bumuntung hininga si Laine. "I'm sorry Ly wala din akong mahanap. Kung meron man hindi parin nagmamatch sa anak mo. Sorry" 

Tumango ako bilang sagut sa paghingi ng despensa ni Laine "okay lang naiintindihan ko" 

"Kay Jace pwede ka magpatulong i'm sure tutulong yun sa problema mo"  biglang sabi ni Karry.

"Hindi pwede Karry dahil mas lalo lang kami mag aaway ni Zac niyan." 

"Speaking of your husband. Kamusta na kayo simula nung nag away kayo? Don't tell me hindi parin kayo nagpapansinan ni Zac?"    Napangiti ako ng pilit dahil hanggang ngayun hindi parin kami okay ni Zac.

"Pinabayaan ko nalang siya kung anung gusto niya. Ang importante sakin si Xyza ang anak ko"  ininom ko ang wine nasa baso ko.

"Pero seryoso ba talaga yung sinabi niya na makipaghiwalay siya sayo? O baka may iba na siya? Di ba sabi hindi na siya umuwi minsan hating gabi na o madaling araw?"  

Pinanlakihan ni Ellaine ng mata si Karry. "Enough Karry instead tulungan mo si Lynin sa problema niya dinadagdagan mo pa" saway ni Ellaine sa kanya.

"Chillax gurl. Syempre naghahanap din ako ng way para matulungan si Ly. Ang sakin lang naman kasi yung nararamdaman ni Ly ngayun plus yun pang pagkaseloso ni Zac. Na wala sa lugar."  

"Mali pala hindi seloso kundi nagmamahal siya patay. You know what Ly kung pwede lang maibalik ang panahon dati sabihin ko talaga sayo na ayaw ko kay Zac. Mas bet ko pa si Jace para sayo"   napailing iling nalang ako sa sinabi ni Karry.

"Kung pwede lang Kar, pero hindi na eh, andito na tayo"  tumango naman siya.

"So anung balak mo Ly? Kung makipaghiwalay si Zac sayo? Pwede niyo naman siguro maayus yan?" 

Maayus pa ba ang relasyon namin? Siguro hindi na ako aasa pa.

"Di ba Ly sabi mo hindi mo alam saan si Zac nakatira ngayun? Teka lang may nabanggit si NJ sakin.  - - - "  parang nag iisip pa siya.

"Alam ko na. Sa rooftop ng building ng office niya may pad doon baka doon siya nakatira or sa condo niya" 

Kumuha siya ng chips sa bowl. "Tama Ly puntahan mo para din naman sa mga anak mo ang gagawin mo." 

Napayuko ako at pinikit ko ang mata ko. Hindi ko alam may ganung bahay pala siya? Kaya ba inalis na niya ang damit ni Mitch sa kwarto namin para mailipat sa ibang bahay niya? Ayoko na. Tama na ang ganito at mas lalong ayoko na malalaman kung anu pa ang mga asset's niya na nilihim sakin.

"Wag na kakayanin ko ito, para sa mga anak namin" 

Kinalabit ako ni Karry kaya napalingun ako sa kanya. "Bakit?"  Nguso lang niya ang tinuro. Kaya lang hindi ko makuha ang ibig sabihin niya. Kinalabit niya si Ellaine sa gilid ng seryoso. Kumunot ang noo ni Ellaine nakatingin kay Karry. Nguso din niya ang ginamit. Andito kami ngayun sa club tinawagan ako kanina ni Karry.

WIFE TEARS 2   ( Completed ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon