Lynin - 38 What?

6K 145 3
                                    

Chapter 38

"So tell me Ly, about this?"

Bigla akong kinabahan. Nakita na niya ang dapat malaman pero paano ko sasabihin sa kanya?.  Seryoso parin siya nakatingin sakin na naghihintay sa sagut ko.

"Hon, Ly!"

Napapikit ako. "I'm sorry, pero hindi mo na kailangan"   sabay tayo ko at papalabas sa kwarto namin ng bigla niya akong hinila palapit sa kanya. Mas lalong lumakas yung kaba ko.

"Yan ba ang dahilan kung bakit gusto ka makipaghiwalay sakin?" 

Tiningnan ko yung kamay niya na mahigpit nakahawak sa braso ko.

"Nope". Kaba kung sagut sa kanya.

"Then what Ly? Kung hindi yan ang dahilan!"? 

Mas lalong kinabahan ako ng husto. Palakad lakad ulit naman siya sa harapan ko habang nakapahilamos sa mukha niya ang kamay niya.

"Anu Lynin sabihin mo sakin o hindi? Karapatan ko malaman kung anung nangyayari sayo sa apat na buwan. Ly apat na buwan ka nawala ni balita pagkatapos umuwi ka. Bumalik ka ng may ganyan? Tahi yan galing sa isang operasyon di ba?"

Bumuga ako ng hangin alam ko na mas lalong magagalit siya nito. At pinikit ko muna ang mata ko.

"Inoperahan ako last month. Tumor malapit sa utak ko"   kinabahan kung sagut sa kanya na kinalingun niya sakin ng dahan dahan.

"What? What did you say?" 

Lumapit siya sakit sakin at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"An-Anung sabi mo inoperahan ka last month? With out my permission?"  

Tumango ako at tinanggal niya ang kamay sa magkabilang balikat. At napahawak siya sa sintido ng ulo niya.

Napaupo siya sa gilid ng kama at tinukod ang dalawang kamay sa mukha niya. "Bakit hindi mo sinabi sakin na may sakit ka Ly?"

Mahinahon na yung boses niya.

"Dahil panahon yun sa pag aaway natin tungkol kay Kyle"  natahimik siya sa sagut ko.

"Ly, asawa mo ako, i'm you're husband. Pero sa ginawa mo pakiramdam ko wala akong kwentang asawa sayo dahil hinayaan kita. Hindi mo man lang naisip anung mararamdaman ko kung malaman ko ang totoo.? Paano kung may nangyari sayo sa operation? Anu ang magiging resulta? Magiging tanga ako, pati ang mga bata? What if kung fail ang ginawa nila sayo? Mas pinaibabaw mo ang galit kaysa samin ng mga anak mo"    

Nakikita ko sa mata niya may namumuong luha at nasasaktan.

"Kung sinabi mo sakin ang totoo Zac hindi mahuhulog sa ganito ang lahat"  nakayuko kung sagut sa kanya.

Hindi na niya ako sinagut. Tumayo siya at lumabas sa kwarto. Alam ko na masasaktan kayo sa ginawa ko pero mas ako ang nasasaktan sa ginawa mo sakin Zac. Ginawa mo akong tanga.

Dumating ang mga bata at si Zac hindi pa nakabalik.

"Mommy, tulog na kami"  tumango lang ako. Alam ko kasi pagud sila sa pamamasyal.

"Okay goodnight baby"  saka hinalikan ko ang pisngi nila at pumasok na sa kwarto.

Natapos na ang pinanunuod kung movie pero hanggang ngayun hindi pa nakabalik si Zac. Balang araw maiintindihan mo kung bakit ginawa ko yun Zac. Humiga ako dito sa sofa hanggang sa hinila ako ng antok.

Nagising ako ng may tunog sa makina ng kotse huminto pero hindi sa kanyang kotse. Agad akong bumangun  at tiningnan sino dumating. Isang babae akay akay si Zac. Binuksan ko ang gate. "Ako na"  kinuha ko si Zac at inakay ko papasok sa loob kahit mabigat.

WIFE TEARS 2   ( Completed ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon