Chapter 45
"ANU BANG PUMASOK SA ISIP MO? PARA PUMUNTA DOON SA GANUNG LUGAR LY HA?!"
Habang palakad lakad siya sa harapan ko.
"Sa tingin mo magustuhan yan ng mga anak mo kung malaman nila!"
Napaupo siya sa gilid ng kama at hinilamos niya ang kamay niya mukha niya. Namumula sa galit.
"Sa tingin mo anu?"
Humarap siya sakin na nakakunot noo. "Dahil nasasaktan na ako ng husto Zac. Hindi ko na kaya na umasa sa pagmamahal mo pagkatapos iba ang mahal mo. Ayoko na Zac suko na ako" nararamdaman ko nalang may pumatak na tubig sa kamay ko hindi ko na mapigilan yung luha ko.
"What? Anung pinagsasabi mo? Anung hindi kita mahal? At saan mo na yan nakuha ha?!"
Inangat ko ulit ang tingin ko sa kanya. "Saan ko nakuha? Doon sa kwarto mo. Ah mali dito sa kwarto mo, doon sa secreat room mo." Tinanggal ko ang pagkawak niya sa braso ko.
Naningkit yung mata niya sa sinabi ko. "Binuksan mo yun!?" Diin niya ulit pagkawak sa braso ko.
"Aksidente ko siya nabuksan. Wag kang mag alala wala akong kinuha o ginalaw sa gamit niyo diyan sa secreat room" tiningnan ko siya ng deritso sa mata. Umiiwas siya ng tingin sakin.
"Akala ko okay na lahat. Akala ko wala ng problema dumating, sinubukan ko lahat tanggapin ang nasa sayo Zac kahit kabaliktaran na hindi mo pa ako kayang mahalin. Pero yun nga nagpa uto ako sayo. Dahil sinabi mo sakin mahal mo ako? Pero hanggang kailan ko yan paniwalaan Zac na mahal moko kung ang gamit at memories niyong dalawa andito sa kwarto? Kasama ko? Kahit patay na yung tao wala parin aking mapala sayo dahil hanggang ngayun siya parin ang mahal mo. Kung totoong mahal mo ako dapat wala na yan dito sa pamamahay mo!"
".., lahat lang pala puro akala ko"
Pinabayaan ko ng sunod sunod pumatak ang luha ko.
Tahimik lang siya habang palakad lakad sa harapan ko. Huminto siya at hinarap ako "So-sorry Ly kung nasaktan kita" napangiti ako ng mapait.
"So totoo nga na mahal mo pa siya hanggang ngayun? Sa bagay madali sabihin na mahal mo ang isang tao kahit hindi totoo. Ilang sorry ba nanggaling sayo? Sa tingin mo ba ganun kadali yun Zac?"
Lalapit sana siya sakin agad akong tumayo. "Diyan ka lang" pigil ko sa kanya.
"Sorry kung nasaktan kita ulit Ly." Napailing iling ako.
"Matatanggap ko lang ang sorry mo kung alisin mo yan dito sa pamamahay mo. Kung totoong mahal mo ako"
Bigla niya akong nilingun at hinawakan ng mahigpit ang braso ko. "Sino ka para utusan moko ng ganyan. At hindi yan mangyayari ang gusto mo. At walang makagalaw niyan naiintindihan mo!"
Pinanlakihan niya ako ng mata. Ang sakit lang. Parang sinaksak ng ilang beses yung puso ko sa sinabi niya.
"Kung ganun siya ang pinili mo. Okay naiintindihan ko na"
Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa kama. "Hindi ko yan ipatapun dahil memories namin yan." Ang masakit pinamukha niya pa sakin na mas mahal pa niya ang memories nila.
"Okay. Simula ngayun magkalimutan na tayo. Nasa isang bahay tayo pero hindi bilang mag asawa kundi para sa pamilya. Kalimutan mo rin na nakilala mo ako."
Tinungo ko ang maleta ko at kumuha ng damit para magbihis. Sa banyo pagkatapos lumabas na ako sa banyo. Nasa gilid parin siya ng kama nakaupo.
"Pwede ba Ly pag usapan natin to?"
BINABASA MO ANG
WIFE TEARS 2 ( Completed )
Novela JuvenilBASAHIN MUNA ANG BOOK 1. #1 book 2 thank you HR [ #66 Teenfiction ] Nagkita, nagkabalikan, nagmahalan. pero sa huli pinili ni Lynin ang lumayo at mapalaki ng mag isa ang niya. Sa ginawa niyang decision anu ang magiging kahihitnan nito? magkabalikan...