Chapter 15
Nagising ako dahil sa subrang sakit ng ulo ko. At pakiramdam ko parang nasusuka ako.
Agad ako lumabas at tinakbo ang kusina at puwesto sa may lababo.
Ng bigla akong nagsusuka hindi ko alam kung bakit. Nilalabas niya lahat ng pagkain nasa tiyan ko. Sunod sunod ang pagsusuka ko.
Zac pov
Napabangun ako ng may narinig akong nagsusuka. Sa umpisa kala ko sa labas pero parang hindi eh sunod sunod talaga.
Ng binuksan ko ang pinto dito sa kwarto ng mga bata nakita si Lynin nasa lababo nagsusuka. Hinugasan niya ang bibig niya. At umupo akmang uupo siya sa upuan babalik naman siya ulit sa lababo at nagsusuka naman.
Tiningnan ko lang siya mula dito sa kinatatayuan ko.
Ng matapos na siya uupo na sana ng muntik na siya naout balance. Napahawak siya sa likod ng upuan. Wala pang isang minuto tumayo ulit siya at pumunta sa lababo at nagsusuka.
Kumuha siya ng isang baso sa drawer at nilagyan ng mainit ng tubig.
Dahan dahan siya umupo sa upuan. At nilagay niya sa mesa ang ulo niya. May luha lumabas sa mga mata niya.
"God tama na please hindi ko na kaya" dali dali siyang tumayo at pumunta sa labao at magsusuka ulit. Ng matapos na siyA. Kumuha siya ng maliit na rice cooker at nilagyan niya ng bigas na maliit at tubig. Nilagay niya sa shellane.
May sakit bang itong babae na ito? Napaangat ako ng tingin 1:30 am pa.
Umupo siya ulit sa upuan dahan dahan.
Siguro mga after minutes naluto na siguro ang lugaw niya kaya pinatay niya ang apoy at kumuha siya ng maliit na bowl. Nilagay niya sa tray.
Ng muntik na ulit siya na out balance. Agad ko siya nilapitan at kinuha ang dala niya.
Napangiti siya. "Ako na kaya ko naman ang sarili ko" sabay agaw niya sa tray.
Hinatid ko siya sa kwarto niya.
"Kaya ko naman ito. Dapat hindi mo na ginawa ito" reklamo niya.
Ng napahawak ako sa kamay niya.
Parang napapaso ako sa kamay niya. "Wait" nakita ko sa hitsura niya nanghihina siya dahil sa mga pinagsusuka niya kanina.
Napahawak ako sa noo niya. Ang init niya.
"Teka kainin mo itong lugaw para may laman ang tiyan mo at makainom kana ng gamot mo" pinigil niya ang kamay ko.
"Bakit naman ako iinom ng gamot? Wala naman akong sakit. Siguro kaparusahan na itong nangyayari sakin. Kung bukas hindi na ako magigising. Alagaan mo ang mga bata huh wag mong pabayaan sila. At sorry. I'm sorry Zac" napatingin ako sa gilid ng mata niya may luha lumabas sunod sunod ang patak.
"Pwede ba Ly wag ka ng magmatigas ang ulo mo. Uminom ka ng gamot mo sige na para mawala na sakit mo at makapagpahinga ka na" bigla akong kinabahan sa mga sinasabi niya.
Napatingin lang ako sa kanya. Walang ingay yung iyak niya pero yung luha niya walang tigil sa pagdaloy sa pisngi niya.
"Ssh, wag kang magsalita ng ganyan. Please Ly wag mokong takutin" tumingin lang siya sakin.
Kinuha niya ang bowl sa kamay ko at nagsimula na siya kumain.
"Pwede ko hubarin ang shirt mo Ly anu lalagyan ko ng gamot ang likod mo"? Tanung ko sa kanya. Tumango naman siya.
Agad ko hinubad ang shirt niya at nilagyan ko ng lenement ang likod niya.
Pagkatapos hinanap ko siya ng damit at pinasuot ko sa kanya.
Pagkatapos iniwan ko siya sa kwarto niya.
Hu!! Anu ba pinag gawa ko? Maya maya narinig ko ang pagsusuka niya ulit.
Anu ba kasi kinain niya? Nag aapoy pa siya sa lagnat niya.
Lynin pov
Nagulat ako kanina ng bigla niya kinuha ang tray na dala ko.
Pagkatapos ko kumain uminom muna ako ng gamot at humiga na sa kama ko.
Nakapagdesisyon na ako pipirmahan ko na ang annulment papers pinagawa niya.
Nagising ako kinaumagahan. Medyo bumuti na kaunti yung pakiramdam ko pero nahihilo parin ako.
Pagkalabas ko sa kwarto nakita ko si Lora nasa kusina kagigising lang niya.
"Ate Nin? Anung nangyayari"? Bakit pala anu hitsura ko.
"Bakit Lor anung hitsura ko"? Tanung ko sa kanya.
"Parang wala kang tulog kagabi Ate? May sakit ka" umiling ako.
"Don't worry kaunti lang ito" sagut ko sa kanya.
"Ate pwede ako makaalis mamaya anu kasi yung bunso namin nasa hospital" tumango ako at ngumiti.
"Sige" saka bumalik na ako sa kwarto ng mahilo ulit ako.
Mabuti nalang nakahawak ako sa likod ng upuan.
Nagbihis muna ako ng pambahay tsaka lumabas para magtimpla ng kape.
Kailangan ko matapos yung trabaho ko dahil kung hindi lagut ako. Sayang din yun. Oras ang bayad sa 2 hours ko pagtrabaho may pera na ako.
"Anung gagawin mo"? Palapit siya sakin.
"Magtrabaho" sabay bukas ko sa computer.
"Hindi naman siguro lingid sayo na wala kang alam na may sakit ka hindi ba"? Hindi ko siya tiningnan.
"Alam kung may sakit ako pero sayang yun pera na yun. Kasya na yun sa pang araw araw na gastusin" sagut ko sa kanya.
"Isa pa malayo sa bituka ang sakit ko. Kung mamatay wala tayong magawa kaysa sa magtiis sa sakit na walang gamot. Sana matanggal sa mga gamot pero hindi eh" natahimik siya sa sagut ko.
Binuksan ko ang computer ko. Pinigil niya ang kamay ko saka tumingin sakin.
"Gusto mo talaga mag alala ako sayo"? Sinara niya ang laptop ko.
"Ly please. Nanghihina ka pa hindi ka pa pwede magtrabaho".
"Gusto mo mag alala ang mga bata sayo? Please magpahinga ka. Ako na ang bahala" sabi niya.
Anu pa ba magagawa ko.
BINABASA MO ANG
WIFE TEARS 2 ( Completed )
Teen FictionBASAHIN MUNA ANG BOOK 1. #1 book 2 thank you HR [ #66 Teenfiction ] Nagkita, nagkabalikan, nagmahalan. pero sa huli pinili ni Lynin ang lumayo at mapalaki ng mag isa ang niya. Sa ginawa niyang decision anu ang magiging kahihitnan nito? magkabalikan...