Lynin 31 -

5.8K 163 9
                                    

Chapter 31

Ng matapos na ang lahat sa pagliligpit sa mga ulam naiwan pumasok na ako sa kwarto. Si Zac nasa kama na siya nagbabasa ng libro niya at ang ulo nakasandal sa headboard.

"Hon tapos na kayo?" Tumango ako at kumuha ng towel para gamiti ko sa pagliligo.

Tinitigan ko si Zac habang nagbabasa sa libro niya. May alam kaya siya? What if tinatago lang niya sakin? Pero what if totoo nga? Aaahh iwan hindi ko na alam ang gagawin ko nalilito na ako na kinabahan. Pumasok ako sa banyo para maligo pagkatapos lumabas na ako. Hindi parin natutulog si Zac nagbabasa parin ng libro niya.

Lumabas ako pumunta ng kusina pagkatapos ko sinuklay ang buhok ko. Nakita ko si Tina nasa lababo katatapos lang niya nagtootbrush kaya nilapitan ko siya. Baka sakali may alam siya sa buhay ni Kyle.

"Tina?"

Lumingun siya sakin at naghugas ng kamay pagkatapos nagpunas ng kamay. "Ate Nin may ipag utos ka?" Umiling ako sa tanung niya.

"Alam mo ba kung anung buhay si Kyle meron? Bakit galit ang parent's ni Zac sa kanya. Pati narin si Zac?" Tanung ko sa kanya. Tumalikod siya sa lababo at ngayun pareho kami nakatayo sa harap ng lababo.

"Hindi ko alam ate e, kasi dumating ako sa bahay nila tapos na pinanganak si Kyle." Sagut niya.

"Ganun ba? Yung tungkol sa magulang ni Zac?" Baka kasi may alam siya.

"Nagtataka lang kasi ako kanina, last week nung dumating kami sa bahay nila ayaw nila na pumupunta si Kyle sa kanila. At kanina nanibago ako dahil mabait na sila kay Kyle" dagdag ko. Kibit balikat lang siya sa sinabi ko.

"Sa totoo lang kasi ate Nin. Hindi ko rin alam. Pinsan ko ang nagpapasok sakin doon sa bahay na pinagyrabahuan niya sinabi niya magbantay daw ng bata. Pero alam mo ate Nin naawa ako kay Kyle simula ng maliit pa siya" kumunot yung ko sa sinabi ni Tina.

"Nung dumating ako mga three weeks pa si Kyle bata pa siya nun. Hindi siya inasikaso ng ina niya. Pagkatapos umuuwi ng madaling araw" si Mitch yun. Sorry kung nabanggit ko siya. Sabi ko sa isip ko.

"Dahil alam ko paano mag alaga ng bata. Diretso kung inalagaan si Kyle. Akala ko nga may sakit siya dahil subrang liit niya parang walang alaga? Ganun pagkatapos ang haba ng kuko niya. Minsan naisip ko kung anak ba ni ma'am Mitch si Kyle. Hala sorry kung nabanggit ko ang patay na. Minsan naiisip ko kung anak din ba ni sir Zac si Kyle kasi wala naman siyang pakialam. Ng dumating ang magulang ni sir sa bahay. Nagulat sila kung bakit may bata daw kasi wala naman daw silang nabalitaan na may anak si sir Zac. " natahimik ako sa sinabi ni Tina at the same time naawa ako kay Kyle.

"Sige ipagpatuloy mo" dagdag ko.

"Ang narinig ko lang dati na sigurado ba daw si sir Zac na anak niya si Kyle? Dahil kung hindi daw. Baka sa iba daw ang bata pagkatapos kay sir lang pinaangkin dahil ayaw makipaghiwalay ni Micth kay sir." Dagdag niya.

"Habang lumaki si Kyle napapansin ko na wala siyang pakialam pagkatapos panay umiinom lang siya. Kahit lumapit si Kyle kay sir. Muntik na nga mabunggo ang ulo ni Kyle. Sa nangyaring yun natauhan si sir Zac at dahil umiyak si Kyle si sir na nagpatahan sa kanya" dagdag niya.

"Ang first birthday niya?" Tanung ko.

"Sa totoo lang Ate Nin. Walang party si Kyle ngayun lang siya nagkaparty sa birthday niya" dagdag ni Tina.

"How about Mitch"?

"Lumayas, pinaalis? Iwan kasi hindi na siya umuuwi simula nung narinig ko na sinabi ni Zac na hindi niya matatanggap si Kyle kung hindi niya nakikita ang mag ina niya" natahimik ako.

"Nako Ate Nin sorry ang daldal ko na sige ho matulog na ako" tumango lang ako.

"Goodnight" sabi ko.

Ang terror ni Zac kay Kyle. "Tina wait. Wala bang nabanggit si Mitch o si Zac tungkol sa pagkatao ni Kyle?" Tanung ko ulit.

"Wala akong narinig ate" saka pumasok na siya.

Sino ang makakatulong sakin nito?. Napaisip ako pati si Mitch walang pakialam kay Kyle?. Bakit naman? Kung anak niya si Kyle.

Teka lang, si Lorenzo ba nagsabi kay Zac na dito kami nakatira? Magkakilala ba sila?.

Kung si Jad kasi hindi naman yun nakapunta dito dahil hindi na kami nagkita.





( hintay lang ang continue nito mamaya, advance post ko lang ito dahil sa signal. )


"Ate Nin hindi ka pa natulog?" Si Lora lumabas sa kwarto nila. Ngumiti lang ako.

"Napaisip lang kasi ako Lor kung anak ba talaga ni Zac si Kyle"

Huminto siya at hinarap ako. "Tanungin mo si Kuya Zac kung anak ba niya talaga si Kyle" sagut niya.

"Pero what if sabihin niya anak niya talaga? I mean aaminin niya kahit hindi naman dapat" sagut ko.

"Sa bagay Ate, hmmn yung mga friends mo wala bang alam?" Tanung niya.

"Sige tanungin ko sila kung may alam sila" sagut ko sa kanya saka pumasok siya sa banyo.

"Hon matagal ka pa diyan?" Si Zac nakadungaw sa pinto. Saka lumabas at lumapit sakin. Nilagay niya sa balikat ko ang isang kamay niya.

"Let's go na. Kanina pa kita hinintay" sabay hawak niya sa kamay ko. Kaya napatayo ako.

Sabay kaming pumasok sa kwarto. "Zac can i ask?" Diretsahan kung tanung sa kanya. Nauna na siyang humiga sa kamay. Tinanggal ko ang robe ko at umakyat sa kama para humiga.

"Anu yung tanung mo hon?" Tinitigan ko muna siya sa mata niya. Naghihintay sa sagut ko. May sagut ba talaga?.

"Zac?" Hindi nalang siguro baka yun parin ang sagut niya.

"Hmmn, oo nga pala hon aalis ako bukas may urgent meeting ako sa Manila" tumagilid ako paharap sa kanya. Kinuha niya ang ulo ko at nilagay braso niya. Ngayun magkaharap na kaming dalawa.

"Mga ilang araw ka sa manil?" Tanung ko sa kanya.

"Siguro four or three days, mamimiss kita hon" saka hinalikan ang buhok ko.

"Anu kasi tungkol kay Kyle ang tanung ko" lumuwag yung pagkayakap niya sakin.

Tumihayad siya. "What about Kyle?" Tanung niya.

"Hon mag umpisa ba naman tayo?" Tinanggal ko ang kamay niya sa ulo ko.

"Anu tatanungin mo naman kung anak ko si Kyle? Paano kung sasabihin ko na Oo?" Inis niyang sagut mukhang siya pa ang may ganang magalit ah.

"Bakit yan ang tono ng sagut mo? Nagtatanung lang naman ako ah, kung anak mo si Zac edi anak mo fine!. Nagtatanung lang ako dahil naawa ako sa bata" saka tinalikuran ko na siya.


WIFE TEARS 2   ( Completed ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon