Lynin 47

5.2K 145 11
                                    

Chapter 47

Ellaine pov 

"Anu? Bakit hindi mo pingilan ang yaang bunganga ng kaibigan mo. Alam mo Rusty kung magkagulo si Ly at Zac si NJ talaga ang masisi niyan. Haist kahit kailan yang kaibigan mo" 

"Babe, relax masyado kang affected ah. Okay lang naman yun hindi naman nagagalit si Zac pero syempre yun ang dapat kasi mali niya naman sa umpisa babe. At alam nating yang lahat. Para makapag isip isip din si Zac kung anu ang halaga para sa kanya. Nagmamahal siya ng katauhan ni Mitch hindi sa asawa niya"  

Napaisip ako sa sinabi ni Rusty. Tama naman siya. "Diyan natin masusukat kung mahal nga siya ni Zac"  napatango ako. Ako sabay naman.

"Pero ang mga bata?" 

"Sa tingin ko walang problema ang mga bata. Mabait naman yun."








♡ Lynin pov ♡

"Ate Ly hindi ka ba papasok sa kwarto niyo? Tulog na ang kambal."  Tumango lang ako sa sinabi ni Lora.

"Te Ly may problema ba? Kanina ka pa palakad lakad diyan?"

Huminto ako at tiningnan si Lora. "Lor,"  bumuntung hininga muna ako.

"Nakuha ko na ang result sa laboratory"  kinuha ko ang envelope at binigay sa kanya.

"Talaga ate Ly? Mabuti naman kung ganun pero anung result okay lang ba si Xyza?"  Napatitig ako sa kanya dahil alam ko masasaktan din siya dahil siya nag alaga sa kambal tinulungan niya ako.

"Ito basahin mo" 

Kinuha niya dahan dahan ang laman sa brown envelope. "Tingnan mo sa baba ang result"   agad niya binaba ang tingin niya.

"Te Ly? Totoo ba to o biro lang?"  Napatingin siya sa taas. "Bata pa siya para sa ganyan na sakit. Naawa ako kay Xyza"   niyakap ko siya dahil napaiyak siya.

"Anung sabi ni Kuya Zac alam na ba niya ito?" 

Umiling ako sa tanung niya. "Dapat sabihin mo sa kanya Te Ly karapatan niya malaman ang dahilan"  tumango lang ako at ngumiti.

"Matulog ka na. Mamaya tawagin ka na nu'n. Goodnight Lor"  saka umakyat ako taas. Dahan dahan ko binuksan ang pinto. Inuna ko muna ang ulo ko kung natutulog na ba siya. Madilim ang kwarto tanging lampside sa working table niya ang ilaw at ang wall light. Busy pa siya sa ginagawa niya kaya pumasok ako pagkatapos sinara ko ang pinto at dumiretso ako sa banyo.

PagkatPos ko naligo lumabas na ako. Hindi parin siya natutulog nasa trabaho siya parin.

"Where have you been? Buong hapun ka nawala sa office at ngayun ka lang bumalik. Saan ka galing?" Seryoso at may galit na tono sa boses niya sa pagtatanung.

Tinitigan ko muna siya sa likod. Nakatalikod siya nakaharap sa laptop niya. Bumuntung hininga muna ako.

"Zac kailangan natin mag usap"  biglang sabi ko sa kanya.

"Hindi mo ba nakikita busy pa ako may tinatapos lang"  may pagkataas ang boses niya.

"Kung tungkol ito sa away natin Ly. Not now okay"  

Uminit yung ulo ko sa sagut niya. Anung kala niya makipag usap ako tungkol doon?. Maghunos dili siya.

"Hindi tungkol satin. Tungkol kay Xyza sa anak mong babae"   tumahimik siya ng ilang saglit.

"Tungkol sa records nila sa papasukan? Kunin naman natin yun"

Sadyang nagbingi bingihan ba talaga siya?. "Basahin mo ito?" 

WIFE TEARS 2   ( Completed ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon