Lynin 30 - unexpected visitor's

5.9K 143 16
                                    

Chapter 30

Napahinto ako ng marinig ko ang pinag usapan sa dalawang kaibigan ko si Ellaine at Karry.

"Pero Laine what if malalaman ni Ly ang"  nakatingin siya kay Ellaine habang naghihintay sa sagut nito.

"Tumigil ka Karry, ayoko pag usapan yan dito baka may nakakarinig satin. Tsaka ayoko masasaktan si Ly ulit. Masaya na siya ngayun Karry hindi mo nakikita?" Inis na sagut ni Ellaine sa kanya.

"Laine natatakot lang ako para kay Ly" dagdag ni Karry. Anung meron? May hindi ba ako nalalaman? Kanino at sino?.

"Te Ly may naghanap sayo sa labas" kakapasok lang ni Lora. Kaya lumabas na ako at hinanap sa labas ng gate ang sinabi ni Lora.

Nakita ko sa unahan nag uusap sila Zac, sir Rusty at NJ parang seryoso ang pinag usapan nila.

"Ly"

Napalingun ako sa tumawag sakin. Sa likod ng puting kotse. Gulat ko ng makita sino tumawag sakin. Nakangiti siyang lumapit sakin. "Kuya Cyrus?"

"Kuya kamusta?" Agad ko siyang niyakap. Namimiss ko si Kuya ng subra kahit hindi kami masyado nagkikita. Pagkatapos sa paglibing at paghuli ni Ate Dona bumalik ulit siya sa canada.

Niyakap niya din ako pagkatapos bumitaw kaming dalawa at hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at tumingin sa mata ko nakangiti. Ang gwapo parin ni Kuya.

Kaya nga nung maliit pa ako secret admirer niya ako. Ang gwapo niya kasi lalo na kung nakangiti siya, dagdag mo pa ang messy na buhok niya, matangos na ilong at matataas na pilik mata. Plus paano siya magdala ng damit niya. Kahit simple lang na damit kapag siya nagsusuot nagiging mukhang mahal ang damit.

"Okay lang naman ako Ly. Pasensiya kana kung hindi kita nasabihan na darating ako" sabay haplos niya sa buhok ko.

"Kuya naman, wag mo ng ganyanin ang buhok ko tsaka hindi na ako bata" reklamo ko sa kanya na agad naman niya tinanggal ang kamay niya.

Ngumisi siya. "Oo nga naman nakalimutan ko Mrs ka na pala. By the way may gusto makipag usap sayo"  kumunot yung noo ko sa huli niyang sinabi at tumingin sa gilid ng kotse.

"Ly"

Gulat ko ng lumabas siya galing sa loob ng kotse. Si-si Ate Dona?.

"A-ate Dona anung ginawa mo dito?" Palipat lipat yung tingin ko sa kanilang dalawa ni Kuya Cyrus at sa kanya.

"Relax bunso. Andito siya para makipag usap, tsaka wag kang magagalit. Ikaw ang sinadya niya dito"  sabi ni kuya.

"Don't worry bunso may scort naman siya na mga police" dagdag ni Kuya. 

"Mommy"

Napalingun kami sa maliit na bata tumawag sakin. Si Kyle tsaka lumapit samin. "Mommy,"

Tumingin siya sa dalawang nasa gilid ko. "Mommy sino sila?" Nakahawak siya sa dulo ng damit ko.

"Sino siya Ly?"

Lumuhod ako para magpantay kami. "Baby, sila si tito Cyrus mo at siya si Tita Dona mo, mga kapatid ko sila"  sagut ko Kyle. Tumayo ako at tiningnan sila Kuya at Ate.

"Kuya si Kyle anak ni Zac"  pakilala ko sa kanila sa bata.

"Parang may kamukha siya" napatingin ako sa komento ni ate Dona.

"Parang hindi naman. Hi little boy"  saka nakipagshake hand si Kuya kay Kyle.

"Mommy pasok na po ako"" saka umalis na at pumasok na sa loob ang bata.

WIFE TEARS 2   ( Completed ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon