Chapter 13
Iniwan namin ang kambal kay Lora.
Papunta kami ngayun sa probinsiya kung saan lugar ng totoong mga magulang ko. At kasama ko si Zac. Ayoko sana pumayag sumama siya kaya lang nagpumilit.
Nasa labas lang ako nakatingin habang siya ang nagdrive. Mahirap daw pagmalayo pagkatapos wala akong kasama sa byahe baka mapano daw ako.
"Ehemn"
Narinig ko mula sa kanya.
"Malalim yata ang iniisip mo? Iniisip mo ba kung paano mo ako mapigilan sa gagawin ko na mailayo ang mga bata sayo"?
Napakunot noo ako napalingun sa kanya.
Nung isang gabi pa kami nito hindi magkasundo dahil sa kagustuhan niya.
"Anu?" Tanung niya.
Ng bigla nagring ang phone ko. Kinuha ko kaagad ito ng makita ko sino ang tumawag.
Si Jake pala kaya agad ko sinagut ang tawag ni Jake.
"Yes"!
Sagut ko sa tawag ni Jake.
"Hi Ly how are you? Missed you." Napangiti ako sa sinabi niya.
"Miss you too, hindi pa nasa byahe pa kasi ako ngayun" sagut ko sa kanya.
"Ganun? Bakit hindi mo sinabi para masamahan kita? Sino kasama mo babae ba or lalaki"? Lihim akong nakatingin kay Zac. Anung problema nito nakasimangut. ?
"Babae yung kasama ko friend ko, don't worry about me " sagut ko sa kanya.
"Busy ka rin naman kaya hindi ko na sinabi sayo. Tsaka mag iingat ako okay" dagdag ko.
"Sige love tinatawag na ako ingat ka. Love you" paalam niya.
"Okay ingat din love you" sagut ko saka binaba na niya ang phone niya.
Tiningnan ko ulit si Zac nakasimangut parin.
"Yung tungkol sa tanung mo kanina. Hindi ko ibibigay sayo ang mga bata. Isa pa ginawa ko ito para din naman sa kanila." Sagut ko sa kanya.
"Okay. Sige ipagpatuloy mo lang ang gusto mo Ly dahil sa oras ng kasal mo sisiguruhin ko sayo na iiyak ka at hindi mo na makikita ang mga bata kahit kailan" pagbabanta niya sakin.
Napaayus ako ng upo at binigyan ko ng masamang tingin si Zac.
"Anung ibig mong sasabihin? Ilalayo mo sakin ang mga anak ko?" Napangisi siya sa tanung ko.
"Alam mo ang ibig sabihin ko once na ituloy mo ang balak na magpakasal kay Jake. Isa pa? Ly anak ko rin naman sila pero bakit sa iba ang gusto mo"? - Zac.
"Ginawa ko ang dapat gawin para makilala namin ang isa't isa Ly. Pero bakit ni hindi mo ako pagbibigyan ng pagkakataon"? Tinigil niya ang kotse sa tabi.
Saka tumingin siya sakin.
"Ly ako ang ama nila. Ako ang mas may karapatan sa kanila. Hindi yung gago mong boyfriend Ly. " binalik niya ang tingin niya sa gilid.
"Pinahanap kita simula ng mawala ka. Dahil nag alala ako sayo Ly. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana dahil nalaman ko nalang sa iba na buntis ka sa pagkawala mo. Masakit para sakin ang ginawa mo Ly. Pero kung hindi mo na ako mahal at iba na ang nasa puso mo. Okay tatanggapin ko basta para sa bata lang. " natahimik ako sa sinabi niya.
"Alam mo ang dahilan kung bakit ginawa ko yun Zac" pinahid niya ang luha niya saka sa labas tumingin.
"Ginawa ko yun dahil nalaman ko ang pinagbuntis ni Mitch dati ay anak mo. Kaya para sa ikatahimik ng lahat lumayo ako sayo dahil yun lang ang paraan" sagut ko.
"Paraan? Pero hindi mo naisip ang nararamdaman ko Ly"? Tanung niya.
"I'm sorry" hingi ko ng paumahin sa kanya.
Pinaandar na niya ang kotse. After a minute nakarating na kami sa probinsiya.
Medyo malayo din. Huminto kami sa tapat ng isang bahay. Pangalawang beses ko na ito pagpunta dito. At ang bahay tinuluyan namin ay ang bahay ng mga magulang ko. Mabuti nga hindi nasira. Simple lang siya.
Puro kawayan ang sahig sa taas at ang sa baba lupa lang siya. Sa likod andoon ang kusina.
Napatingin ako kay Zac. Simula ng makarating kami dito hindi niya ako kinikibo. Nagmasid masid lang siya sa paligid.
Tsaka umiiwas siya ng tingin sakin.
Nagluto muna ako ng lunch namin ng matapos na ako nagluto. Hindi niya parin ako kinikibo. Ni tanung, kahit isa wala siyang tanung.
"Kain ka na Zac handa na ang mesa" anyaya ko sa kanya.
Lumabas siya dito sa loob. At tinungo ang malaking kahoy.
I'm sorry Zac, pero ito lang ang paraan ko para hindi na ako masasaktan muli.
Pagkatapos sa lunch tinungo namin ang puntod ng mga magulang ko. Nilisan ko at nagdasal kami pagkatapos nagsindi ng kandila. Ng matapos na kami at hapun na umuwi na kami.
Habang nasa byahe.
"I'm sorry Zac ito lang ang tamang paraan para hindi na masasaktan muli. " bigla niya pinabilis ang kotse.
"Sorry? Sarili mo lang inisip Ly, hindi mo din naiisip nasasaktan din ako" sagut niya.
"I guess panahon na siguro para kalimutan ka. Isa lang ang gusto ko sana ipakilala moko sa mga bata Ly. Yan lang" natahimik ako.
Nilagay niya sa may bintana ang kamay niya at nilagay sa bibig niya ang kamay.
Hininto niya saglit ang kotse sa tabi. May kinuha siya.
"Yes attorney, may ipapagawa ako sayo" saka lumingun sakin. Kinabahan ako.
"Attorney ihanda mo ang annulment papers ko. Pagbalik ko diyan okay" saka binaba na niya ang phone niya.
Medyo nagulat ako sa pinagawa niya sa lawyer.
Saka pinaandar na niya ang kotse. "Hintayin mo nalang ang papers at wag mong kalimutan pagpirma" sabi niya.
Pagkarating namin sa bahay. "Pa-pasok ka muna" ..
"Mommy" napatingin kami sa dalawang bata sumalubong samin.
"Hi baby" sagut ko.
"Hi tito Zac, " kaway sa bata.
"Hi baby." Lumabas si Zac sa kotse.
"Ah baby. Aalis muna si tito Zac ha?" Paalam niya kay Xy.
Saan siya pupunta.
""Bakit? Saan kayo pupunta? Hindi ka ba pupunta sa birthday namin ni Zain"? Tanung ni Xy.
"Try ko lang baby okay. May aasikasuhin lang si tito" sagut niya.
"But why? Hindi ba pwede pagkatapos ng birthday namin"? Tanung ni Zain.
"Hindi eh. Pero subukan ko makapunta sa birthday niyo okay" saka tumayo na siya.
Dumiretso na siya pumasok sa kotse.
Galit ba siya sakin?
Pagkaalis niya pumasok ako ng diretso sa loob ng bahay. Bakit ang bigat ng pakiramdam ko.
Akala ko okay na ang lahat pero bakit ganito?.
Hindi ako kumain, wala naman akong gana kumain.
"Mommy kailan babalik si tito Zac"? Pumasok dito sa kwarto ko si Xy at umupo sa tabi ko.
"Bakit namimiss mo na siya"?
Tumango naman ang bata.
Siguro panahon na para sabihin ko sa kanila ang totoo.
"Xy tawagin mo si Zain sabihin mo may sasabihin si mommy" agad naman bumaba ang bata sa kama ko.
"Okay mommy" saka lumabas na.
BINABASA MO ANG
WIFE TEARS 2 ( Completed )
Teen FictionBASAHIN MUNA ANG BOOK 1. #1 book 2 thank you HR [ #66 Teenfiction ] Nagkita, nagkabalikan, nagmahalan. pero sa huli pinili ni Lynin ang lumayo at mapalaki ng mag isa ang niya. Sa ginawa niyang decision anu ang magiging kahihitnan nito? magkabalikan...