Lynin - 52

6.4K 132 3
                                    

Chapter 52

Pagkababa ko nakita ko ang kambal naglalaro sa may sala.

"Good morning"  bati ko sa kanila. Ang ibang katulong naman busy sa paglilinis.

"Morning din Ma'am Ly"  bati nila sakin.

"Morning din mom" sabay sagut ng kambal. Nilapitan ko sila at umupo sa sofa.

"Mommy nasa kusina si daddy nagluluto"   biglang sabi ni baby Xyza.napangiti ako habang nakatingin sa kanila naglalaro. "Okay. Pero bakit ang aga niyo yata naglalaro?"  Tanung ko sa dalawa na hindi parin nakatingin sakin.

"Boring kasi mom"  sagut ni Zain. Tumayo ako. "Punta muna ako sa kusina"  paalam ko sa dalawa. Pagkarating ko sa kusina nakikita ko nag apron si Zac habang nakatalikod busy sa pagluluto. "Ma'am Ly andiyan pala kayo magandang umaga"  tumango ako sa pagbati ng isang katulong at ngumiti. Nilalapitan ko sila.

"Anung niluluto niyo?"

NagkatinginAn sila at tumingin kay Zac paglingun ni Zac sakin ngumiti siya. "Good morning hon"  bati niya sabay halik sa pisngi ko. Lumapit ako sa kanya at tiningnan ko kung anung niluluto niya.

"Anu yan?" 

Tanung ko sa kanya na busy parin sa pag aasikaso ng niluluto niya.

"Soup"  sagut niyang habang busy sa pagtikim.

"Hon can you please this? Hindi ko kasi alam kung magugustuhan ito ng mga bata lalo na ikaw"  kumunot yung noo ko at kinuha ang maliit na kutsarita sa gilid ng takip at kumuha ako sa kumukulong niluluto niya.

"Hmmn delicious hon and i'm sure magugustuhan ito ng mga masarap kaya"  

Nilingun niya ako. "Really? Sana pasado ito sayo"  tumango ako sa tanung niya.

"So manang ihanda na yan kakain na kami"   tinanggal ni Zac at apron niya at  nilagay sa tabi. Hinawakan niya ang magkabilang balita ko sa likod pagkarating namin sa dinning agad umupo ang mga bata.

"Daddy anung niluluto mo?"  Tanung ni Xyza na nakahawak sa kutsara at tinidor niya. Napabuntung hininga ako dahil sa kalagayan niya ngayun. Bumaba na ang timbang niya at pumapayat na siya.

Pagkarating sa soup sa mesa agad tumayo si Zac para paglagyan ang bowl ni Zain at Xyza. "Daddy, bakit ikaw gumagawa niyan? Di ba dapat si mommy?"  Napatingin ako kay Zac na tumingin sakin at tumingin ulit kay Xyza nakangito.

"Bakit baby ayaw mo ba si daddy naman mag alaga sa inyo? Gusto ko lang makabawi sa inyo. Hindi niyo ba namimiss ang luto ni daddy for you?" 

May halong tampo ang tanung ni Zac kay Xyza. Nag isip naman ang bata. "Kaunti lang daddy. Pero hindi ka na ba talaga aalis?" Tanung ni Xyza ulit.

"Stop asking Xyza. Kakain na tayo i'm hungry"  pigil sa kanya ni Zain.

Napapangiti ako habang tinitingnan sila kumakain. Parang kailan lang kami lang tatlo kumakain dito sa dinning pro ngayun nagiging apat ulit kami. Pagkatapos sa breakfast umakyat ulit ako sa taas para ligpitin ang mga kalat nila. Inuna ko ang kwarto ni Zain. Napapailing ako pagkabukas sa pinto.

"Zain Clyde!?"

Sigaw ko sa kanya. Agad naman siya lumabas sa kwarto ni Xyza. "Yes mom"  bored niyang sagut.

"Anu itong nakikita ko? Di ba sabi ko sainyo kung magkalat kayo dapat kayo magligpit. At bakit iniwan ito nakahandusay dito?!"

Nakakairita paglalaki nga naman ang anak nagsimula naman ang tamad. "Mom si ate Lora nalang magligpit niyan"  hinarap ko siya.

WIFE TEARS 2   ( Completed ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon