Lynin - 59

5.1K 126 16
                                    

Chapter 59

Karry pov

"Kayong dalawa magsabi nga kayo samin ng totoo"  -

Naawa na kasi ako masyado sa kaibigan ko. Nagsalubong ang dalawang kilay ni Rusty.

"Tungkol saan naman mahal?"  Nilingun ko si NJ

"Heh! Alam niyo ibig kung sabihin"

"Relax lang Karry ang puso mo"  sabi ni ellaine.

"Ellaine naman hindi ka ba naawa sa kaibigan natin. Katatapos lang ng libing ng anak niya na babae at ito naman ang sakit niya! Nako nako talaga lang pag ako ang napangasawa diyan sa kaibigan niyo pramise isusumpa ko siya sa puno ng mansanitas"   nakakainis na eh.

Napatingin ako kay ng narinig ko bumuntung hininga siya. "Oo totoo yung narinig niyo na may anak siya kay Lizelle"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Rusty. "But how babe? So ngayun nahulog si Lynin na siya tumatanggap sa karma na ginawa ni Zac ganun?"

"Parang ganun na nga. Ang akala kasi namin dati walang nangyayari sa kanila. Ito na eh wala na tayong magawa dito." Rusty

"Kawawa naman si Ly"  nakanguso kung sabi. Haaayyy!! Siguro pag ako yun hindi ko na yun kakayanin.

"Sa tingin mo Pre magbabago pa ba si Zac? Kawawa na si Lynin. Kung pwede lang hiwalayan niya nalang si Zac" - NJ

"Kung pwede lang kung ganun kadali na paghiwalayin sila. Pero hindi eh. Buhay nila yun support nalang natin sila kahit anung mangyayari beside's hindi iiwan ni Zac si Ly ngayun alam na niya may gusto si Jace sa kay Ly" Rusty

Narinig kung bummuntung hininga si Ellaine kaya napatingin ako sa kanya. "Something wrong babe?"  Umiling siya sa tanung ni Rusty.

"Wala naman. Naawa lang ako sa kanya. Dahil matindi yung dinadanas niya ngayun. Wala pa siyang pamilya na matatawag kundi ang sarili na pamilya niya ngayun. Pagkatapos andito naman siya sa process sa sakit"  Ellaine

"Ganun naman talaga magmahal, minsan may kapalit at minsan sinusubukan ka kung gaano niyo kamahal ang isa't isa. Sa sitwasyon nila Zac at Ly ngayun malalagpasan nila ito dahil mabait si Ly hindi marunong kumikimkim ng galit kahit puro na sakit ang naranasan niya dahil yun sa pagmamahal ni Zac sa kanya" Rusty

"Eh yung si Ate Dona niya. Di ba nasa bahay nila yun ngayun? Nako nako wala din akong tiwala doon"   yup wala akong tiwala doon. Basta may radar ako na may gagawin siya.

"Mahal hindi ba pwede pagbigyan ng second chance si Dona? Si Ly nga nagawa pa. Tayo pa kaya?"   Ningusuan ko lang si NJ at sinampal sa braso niya na mahina lang.

"Hindi naman siguro Karry. Sa tingin ko mabait na yung ate niya ngayun." Ellaine.

"Ah basta. Kung may gagawin yun na kalokohan ipasa niyo yun sakin. Ako ang puputol sa sungay niya"  

------------

Lynin pov 

"Daddy"

Napalingun ako sa tinawag ni Zain at agad siya tumakbo papunta sa pinto.

Si Zac pala kararating lang. Kaagad niya kinarga si Zain. "Kamusta naman ang little big bro ko?"  Ginulo niya ang buhok ni Zain at binaba.

"Okay lang dad."  Bumalik ulit sa laro si Zain. Tiningnan ako ng Zac at ngumiti. "Hi hon"  sabay halik niya sa pisngi ko.

"Pwede ba tayo mag usap?" 

"Hmmn tungkol saan?"  Hinawakan niya ang kamay ko. At nilingun si Zain naglalaro sa mga laruan niya. "Big bro akyat lang kami ni mommy may pag uusap lang kami" kibit balikat lang ang sagut ni Zain saka hinila niya paakyat sa taas at pumasok kami sa kwarto namin. Narinig ko sinara niya ang pinto.

Umupo ako sa paanan ng kama at tiningnan siya. "Zac anung pag uusapan natin may problema ba?"

Inangat niya ang tingin sakin. "I'm sorry"  umpisa niya. Napakunot yung noo ko.

"Sorry?? For what? Wala ka naman nagawa sakin. Kung tungkol ito sa pag aaway natin dati okay lang yun tanggap ko na yun. Past is past na di ba?"  Umupo ako sa tabi niya.

"May dapat kang malaman"  habang nakayuko siya. Inangat niya ulit ang tingin sakin.

"Hon" ? Pigil niya sa sasabihin niya sakin.

"Hmmmn! Are you okay?"  Hinaplos ko ang likod niya baka kasi dahil dito gumaan ang pakiramdam niya.

"Hon--- anu ba ang dapat mong sabihin? May problema ba?"  

Nilingun niya ako. "Ma-may anak ako" napaatras ang ulo ko at kunut noo tiningnan ko siya.

"Oo naman si Zain at si Xy-xyza" hininaan ko ang boses ko.

"Hon, hindi si Zain. I mean ma-may anak sa labas"  bigla akong kinabahan sa sinabi ni Zac. Napatayo ako at napaatras ng kaunti sa kanya.

Napangiti ako. "Hindi totoo yan? Nagbibiro ka alam ko nagbibiro ka lang"  palakad lakad ako sa gilid ng kama habang nakahawak sa ulo ko. 

"Ho-hon hindi ako nagbibiro. Kanina ko lang din nalaman kay Jace"   mas lalo kumunot yung noo ko tiningnan si Zac. Nakaupo parin.

"Si Jace? Bakit nabanggit si Jace? Bakit nasali ang pangalan niya? Magkakilala kayo? Tapatin mo nga ako Zac?!"  

"Magkaano anu kayo ni Jace at bakit magkakilala kayo?"  Napahinto ako ng may naisip. "Oo nga pala sa mundo niyo walang tao na hindi nakilala sa inyo so bakit ba ako nagtaka!" 

"Hon, si Jace kapatid niya yung ina sa bata. Totoo ang sinabi ko sayo hindi ako nagbibiro! May anak ako sa labas" 

"So kung ganun pinaglaruan niyo lang ako? Ganun ba?"  Nagsimula ng nangingilid ang luha ko at sumikip yung dibdib ko sa sakit. Pakiramdam ko hindi ako makahinga...

"Hindi ka namin pinaglaruan hon! Ang akala ko wala ng issue ang ganito kasi matagal na. Hindi ko alam na sa nangyayari samin magbunga pala yun. I'm sorry hon. I'm sorry"  

"Matagal? Ganun? Zac anu pa ba ang dapat kung gawin para mapagkatiwalaan yang mga sinasabu mo? Ilang beses mo na ba ako sinaktan Zac? Mahal mo ba talaga ako? Ilang anak mo pa ang nasa labas Zac na ipakilala sakin?"

"Sorry? Bakit Zac makukuha ba sa Sorry ang sakit na ginawa mo? Kalilibing pa ni Xyza tapos ito naman tayo."

Yumuko ako at nilagay ko ang ulo ko sa tuhod ko at humagulhul na umiiyak. Ang sakit lang. "I'm sorry hon"  

Nararamdaman kung niyakap niya ako kaya pabagsak ko tinanggal ang kamay niya.

Tumayo ako dahil pakiramdam ko hihimatayin na ako sa sakit.

"Aaaaaaaaaahhhhhhhh!!!!!!" Tinabig ko ang flower nasa gilid niya dahilan para mabasag.

"Hon sorry na. Tama na! Hindi ko kaya makikita ka!"

Tinapun ko lahat sa wall ang pwedeng mabasag. "Sorry? Nawawala ba ang sakit sa sorry mo na yan?!"

"Wala na tayong magawa hon andito na eh" 

Hinarap ko siya. "Nakasiguro ka ba na anak mo siya?"  Pinahid ko yung luha ko. Tumango siya. "Oo hon. Simula maliit pa alam na niya ako ang ama niya. Alam ko hindi ka pa handa ngayun. Hon pero sana tanggapin mo si Katrina"

Ngumisi ako sa sinabi niya. "Una si Kyle pinaikot ikot moko sa kanya ngayun pamangkin naman ni Jace."

"Hon hindi kita pinaikot ikot kay Kyle dati"

"Hindi? Talaga? Wag na Zac. Mas maganda maghiwalay na siguro tayo"  saka kumuha ako ng bag at maliit na gamit. Pagkatapos sinara ko ang bag.

"Saan ka pupunta aalis ka? Lynin hindi solution ang pag alis mo! Akin na yan"  agad ko nilayo sa kanya ang bag.

"Kung hindi ako lalayo sayo Zac anung mangyayari? Durug na durug na yung katawan ko at puso sa ginawa mo sakin."  Saka kinuha ko sa drawer ang susi sa kotse ko.

At iniwan ko siya nakatayo doon? Saka sinara ko ang pinto.












WIFE TEARS 2   ( Completed ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon