PS2: Deal

74 12 4
                                    


Buong maghapon akong asar sa lalaking yun at naapektuhan ang mga iba ko pang klase, hindi na nga matalino, hindi pa makapag-focus ng maayos! Nakaka-asar talaga. Gusto ko syang tirisin ng pinong-pino. Nakaka-yamot!

Driver ko ang sumundo sakin dahil may importanteng kausap daw si Papa ngayon sa kanyang office.

Nang makauwi ako ay dumiretsyo na agad ako sa kwarto dahil sa sobrang badtrip ko.

Triny kong magsulat pero hindi ko ma-enjoy kaya naman hindi ko na pinagpatuloy at natulog nalang ako.

Nagising lang ako ng may pumasok sa kwarto ko.

"Hi Cous.. bakit daw hindi mo pinuntahan si Tito sa office nya. Kaya hindi nya tuloy alam na naka-uwi kana pala." Tanong nya sakin at umupo sa kama ko.

"Nakakabadtrip lang.. pano kasi may bagong student sa Calculus namin, alam mo naman diba Heather na isa sa mundo ko yung upuan ko! Dun sya umupo! At ayaw nyang umalis. Sinaggest ko na umupo sya dun sa likod ni Peter, ayaw nya! Bakit hindi nalang daw ako dun! Tapos hinigit pa nya yung...." Tuloy tuloy na pagsusumbong ko.

"Ihh! Kakaganyan mo, magkakatuluyan kayo nyan!" At humagalpak na sya sa katatawa.

Higitin ko kaya buhok nito! Chos!

"Never! Never ever ever! Magkaibang magkaiba sila ni Kuys Juls at si Kuya Juls lang ang gusto ko, yung ugali nya, sya lang! Si Kuya Juls hindi nambabastos ng babae yun. Misteryoso din yun hindi kagaya ng hambog na yun, masyadong madaldal, kalalaking tao. Nakakayamot!" Hindi nakaimik si Heather dahil sa sunod-sunod kong pagsasalita. Nakasagot lang sya ng matapos ako mag-kwento.

"E hindi mo na nga nakikita si Kuya Julian e! Malabo yun, at kung magkita ulit kayo malamang may asawa na yun." Saka tumawa ulit.

Ganyan yan. Ganyan ka-nega! Madalas hindi supportive yang batang yan e.

"Salamat ha! Salamat talaga! Napagaan mo loob ko! Sobra!"

"Ow, your always welcome my dearest cousin!" Tumawa nanaman sya. Ang galeng!

Pagkatapos nya akong asarin ay umalis na rin sya sa kwarto ko.

Hindi naman ako agad nakatulog ulit kaya nagsulat nalang ako ng mga bagong scenes sa story ko.

Medyo gumaan yung pakiramdam ko. Pag talaga si Kuya Juls ang naiisip ko nawawala lahat ng bad essence sa katawan ko.

Kinabukasan ganang-gana ako sa pagpasok dahil hindi ko naman kaklase yung ugok na yun. Isang beses sa isang linggo lang kami magkaklase at madalas absent ako sa subject na yun. Ayaw ko kasi matawag ako ni Ma'am, kapag kasi pumapasok ako dun palagi nalang ako natatawag sa recitation! Napakadali pa naman ng calculus! Wala tuloy ako masagot! Kaya lagi lang akong napapahiya, pwera lang pag absent. Ligtas!

Naglalakad ako sa hallway ng... #@#@#@ napaka-swerte ko talaga! Whooo! Swerte! Akala ko liliko na si Sir Fennis! Oo Sir Fennis! Sya yung prof nung napasigaw at naihagis ko yung notebook ko habang nagkaklase sya dahil sa kilig scene na naisip ko.

Ayon na nga, akala ko liliko sya pero hindi! #@#@#@! Tago Madrigal! TAGO!

At sa kakatakbo ko pumasok nalang ako bigla sa isang room na naabutan kong hindi naka-lock. Whooo! Sinilip ko pa si Sir Fennis at nakita kong nakalampas na sya. (HAHA! Nag-eenjoy talaga akong banggitin apelyido ni Sr. Fennis e! Sr. Fennis!.. Sr. Fennis. Fennis.. Fennis! HAHAHA!) Habang nasa loob ako ng room na yon ay natatawa parin akong nakaharap sa pinto.

Lagi kong iniiwasan ang prof kong yun dahil lagi naman nya akong sinisita tuwing nakikita nya ako. At hindi naman ako makapagseryoso ng mukha tuwing magkakausap kami dahil paulit-ulit kong naririnig sa tenga ko ang apelyido nya.

Please, stay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon