Pangiti ngiti akong pumasok sa bahay.
Madilim na at ang tanging ilaw nalang ay ang nasa hagdan.
Wala ako sa sariling umakyat nang kaya nagulat ako at nag-aabang si Mama sa pinakatuktok ng hagdanan namin.
"Anong oras na. Magaalas dyis na ah. Hindi ba alam ng lalaking yun na dapat hanggang 7pm ka lang sa labas."
Seven?! Kelan pa naging 7pm ang 10 kong curfew?!
"M-ma. Diba po 10pm ang curfew k-"
"No. Pinayagan na kita magkaroon ng suitor kaya ngayon ako ang magde-desisyon kung hanggang kelan lang ang uwi mo. Don't be a stuborn, Mcxyn."
Wala pa akong sinasabi stuborn agad?
"Ayoko ng umuuwi ka ng ganitong oras na. Look at Heather, she's already at home by 5pm. Samantalang ikaw kung saan saan ka pa nag-iiikot with that boy. At naglalakad lang kayo?! Why the hell are you two walking?" mabigat nanaman ang usapang ito.
"Ma. Mula lang naman po sa gate kami lumalakad. Nagsasakay naman po kami ng jeep."
"WHAT?! JEEP?! That's dangerous."
I thought so! Hindi naman!
"Ma hind-"
WHAT THE! Lagi nalang ba talaga nya akong puputulin? Can I explain clearly and straight without her interrupting me?!
"No! Magpro-provide ulit ako ng driver sayo! Kapag may kung saan man kayong lakad dapat kasama mo ang driver!"
Saka nya ako tinalikuran at pumasok na sya sa kwarto nya.
NOOOOOO!
"MCXYNNNN!"
Napabalikwas ako sa kama ko ng may sumigaw sa labas ng pintuan ko. Nagkatumba tumba ako sa pagmamadali. Nalaglag na ang comforter ko sa sahig ng kwarto ko.
Pagbukas ko nakangiti syang tumambad sakin, ang dyosa kong pinsan.
"What? Why are you smiling?! Anong nangyari?! Where's the emergency?!"
Palingon lingon ako sa labas at bigla nalang nyang hinawakan ang pisngi ko ng dalawang kamay nya para matigil ako sa paglingon-lingon.
"Relax my dear cousin. We are going on a date! Oh my God! I feel so free and relax! Maagang natapos ang hell week namin! I'm free wherever I go! So let's do this! Where can we hangout?! Bar?! Resto or kaya mag-beach tayo!"
Nakakainis! Nagising ang katawang lupa ko tapos ngayon naeexcite ako sa mga sinasabi nya! E hindi pa nga nagsisimula aming hell week!
"Hindi pa nagsisimula ang exams namin Heath. Haaaay! Next week pa. Kaya hindi rin ako makakasama sayo ngayong weekends." Malungkot kong sabi ng makaupo ako ulit sa kama ko.
Nalaglag naman ang balikat ni Heather sa sinabi ko.
"Sayang naman. Wala pa naman si Tita this weekend nasa Batanes sya. Yung port natin dun. Nagka-abirya daw kasi. She'll come back next week."
Buti pa sya alam nya yung mga lakad ni Mommy. Samantalang ako. Galit lang nya at sermon ang alam ko.
"Mag-enjoy kana Heath. Next time nalang tayo mag-bonding. Pasensya na ah."
Huminga sya ng malalim na alam kong nabigo sya.
"Well I understand. Next time ah! Next time." Sabay ngiti nya sakin.
Ayokong nauupset ko itong maganda kong bestfriend/cousin.
Sya lang ang kaibigan ko. Bukod syempre kay KR.

BINABASA MO ANG
Please, stay.
Romance"Please, stay." Masarap pakinggan lalo na pag mula sa taong sobrang mahal mo at ayaw mong iwanan. Pero paano kung yung taong yun ay masyado nang nakakasakal? Will you still stay?