Pagpasok ko sa school nakita ko agad si KR sa may bench na tinatambayan ko.
May dala syang bulaklak.
Nikikilig nanaman ako!
"Uy." Sabi ko sa kanya pagkalapit sa tabi nya.
"Para sayo oh." Sabay abot sakin nung flowers. Ihhh!
"Thank you. Ang aga nito ah. Hmm. Kamusta pag-uwi mo? Nag-jeep ka?" tanong ko sa kanya na nakaupo at tinitingnan ako.
"Oo."
"May nakasakay ka nanamang mukang holdaper at pervert?"
Ngumiti sya ng tipid.
"Wala naman. Bakla lang na tingin ng tingin sakin.. mukang hihigitin na nga yung tshirt ko."
Ay oh. Ang yabang nanaman nya.
"Ganun ba. Buti hindi nya ginawa kundi pagsasabunutan ko sya pag nakita ko sya."
"E?" tanong nya. Nag-iintay na umoo ako. Feeling nanaman sya!
"Oo. Ako lang dapat humigit ng tshirt mo."
Nakita ko namang namula sya. Ang cute talaga ng lalaking to kapag namumula sya ngayon lang talaga ako nakakita ng moreno na nagblublush.
"Oo naman. Ikaw lang pwede gumawa nun." Hindi sya nakatingin habang sinasabi yun at lalo pang namula ang pisngi.
Namula rin tuloy ako. Juicecolored! Bakit ko ba kasi nasabi yun!
"O kinilig ka nanaman?"
Pinalo ko nanaman yung braso nya.
"Kapal mo."
"Gusto mo talagang sinasaktan ako ah." Natawa sya.
"Che!"
Natahimik nanaman sya bigla.
"May problema ka ba?"
"Anong.... anong sabi sayo ng.... Mama mo?".
Umiwas ako sa tingin nya, "Hmm. Wala naman. Tinanong lang nya kung boyfriend ba kita.. sabi ko... hindi."
"Ahh..." Malungkot na sabi nya.
"Pero sabi ko manliligaw kita."
Bigla nanaman syang napatingin sakin na ang amo ng mata at nagniningning.
"Talaga?... anong sabi nya?"
Tiningnan ko rin sya, "Wala... wag ka masyado kiligin." Tumawa ako ng madisappoint ko kung kinikilig man sya.
Nakita ko nanaman kasing namumula sya. Actually, lagi naman talagang mapula tong lalaking to e. Ang cute cute nya nga e. Nakakagigil.
Kinulong nanaman nya ako sa ilalim ng isang kili kili nya.. e mabango naman, baka nga yung ulo ko yung mabaho kaya hindi na ako nagreklamo.
Pangiti-ngiti ako habang nasa klase at nang matapos na ang klase namin yun ay nakita kong nasa labas ng room namin si KR.
Nung makita sya ng mga kaklase ko kulang nalang ay sumampa sa kanya at paghahalikan sya. Sumimangot naman ang iba sa akin at mayroon din namang tumukso.
"Sana Mcxyn magkapalit na lang tayo ng kapalaran." Sabi ng isa kong kaklase. Natawa ako at syempre naguumapaw nanaman ang kilig ko
Tumawa naman si KR nang marinig yun. Gwapong-gwapo nanaman sa sarili nya.
"O.. bakit ka nandito?" sita ko pero sa totoo lang gusto ko rin sumampa sa kanya ngayon. Chos!
"Diba nililigawan kita, ano bang ginagawa kapag nililigawan, diba sinusundo, hinahatid..."
BINABASA MO ANG
Please, stay.
Romance"Please, stay." Masarap pakinggan lalo na pag mula sa taong sobrang mahal mo at ayaw mong iwanan. Pero paano kung yung taong yun ay masyado nang nakakasakal? Will you still stay?