PS41: Sorry

14 4 0
                                    

Kinabukasan sabay kami ni KR pumasok at pagpasok na pagpasok palang namin sa school rinig na rinig na namin ang malakas na tunog na mula sa Soccer Field.

Bigla namang may humigit kay KR na ka-teamates nya at sinabing, "Tara Dude, may paprogram satin si President D." Wala nang nagawa si KR at napabitaw na sya sa pagkakahawak sa akin.

Grabe ah! May pa-party ang presidente ng school sa mga ogag na ito ah! Husay!

Buong maghapon lang sila KR nasa program ni hindi ko sya nakasabay nung lunch kaya ang resulta mag-isa lang ako. Gusto ko sanang sumilip sa field kaso siksik ang schedule ko kaya hindi ko rin nagawa.

Uwian na hindi ko pa rin sya nakasabay kaya napagdesisyunan ko nalang na magpasundo sa driver ko.
Gabi na nang tumawag si KR, actually hindi gabi kundi mag-uumaga na.

*Hello, Babe pasensya na ah. Nagkayayaan kasi mag-inom e.

*Inom?!

*Babe, kanina lang naman e. Nagcelebrate lang kami.

Celebrate? Hindi ba matatapos yang celebrate na yan? Buong maghapon na ah, kailangan umagahin pa talaga?

*O nasan ka na ngayon? Nakauwi ka na ba?

*Hindi pa Babe, humihiling pa sila ng isa pang round e.

Ano?! Anong oras na ah!

*Anong oras na KR mag-uumaga na oh! Mamaya lang sisikat na ang araw. May pasok ka pa. Anong round round ka dyan? Umuwi ka na!

Gusto ko syang sugurin doon at higitin para umuwi na pero hindi ko naman pwedeng gawin yun. Ayoko syang mapahiya.

Kinabukasan hindi ko nakasabay si KR pagpasok at hindi rin sya pumasok sa Calculus. Lunch ko na sya nakita at kasabay nya ang mga kateamates nya.

Lumapit naman ako sa kanila, dahil mukang nakalimot na ang isang ito na may girlfriend sya ah.

"KR, pwede ba kitang makausap?" Tumingin naman sya sa akin at nang titigan ko sya ng mabuti muka namang nagets nya ang gusto kong sabihin.

Pumunta kami sa isang table at hinawakan nya ang dalawang kamay ko na nasa mesa.

"Pasensya na Babe ah. Late kasi akong nagising e." Sabi nya at binigyan ako ng may mapupungay na matang tingin.

"Kaya ka late nagising kasi nag-inom ka pa ng nag-inom kagabi." Tinitigan ko sya ng mabuti.

Kumamot lang sya sa ulo nya. Nakakapikon na si KR ah.

"Promise babe babawi ako."

Tiningnan ko sya ng nanliliit ang mga mata.

Bumawi nga naman sya kinahapunan at inintay nya akong matapos ang last class ko.

"Babe, alam mo ba dahil sa program kahapon na-organize yung mga magiging games namin." Tiningnan ko agad sya habang naglalakad kami papunta sa apartment nya, napagdesisyunan ko kasing maglakad nalang muna kami para maka-usap ko sya ng maayos.

"Mga games? Saan nanaman yun?" Kunot noo kong tanong.

"Iba't-iba. Nationwide pa lang naman. Kapag tuloy-tuloy kaming nanalo, magkakaron na ulit kami ng chance makapaglaro sa iba't-ibang malalaking bansa, at kung talagang papalarin pwede kaming mapasama sa Olympics." Ngiting-ngiti sya habang kinukwento sa akin yun.

Masaya ako para sa kanya kaso pano naman kami magkakasama kung lagi nalang syang may game?

Palagi nalang pala syang nasa laro?

Please, stay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon