PS27: Oo

17 5 0
                                    

Lahat ng sama ng loob ko iniipon ko lang.

Tinatago ko lang sa isip ko lahat, sa puso ko.

Naiisip ko kasi may magbabago ba pag iniyak ko lahat?

Kapag sinabi ko ba sa Mama ko yung sama ng loob ko, magiging okay ba ang lahat saming dalawa?

Nakatambay ako ngayon dito sa bench na lagi kong tinatambayan noon. Huminga ako ng malalim at patayo na ako ng makita ko sa KR. May kung ano akong naramdaman na nagpakawala sa mga luha ko kaya tumakbo ako papunta sa kanya.

Niyakap ko sya ng sobrang higpit. Tapos umiyak na ako ng umiyak. Niyakap nya rin ako ng mas mahigpit pa, ang tagal kong umiyak sa dibdib nya. Sa kanya ko lang nailabas ang lahat ng sama ng loob ko.

Naupo kami pagkatapos kong umiyak, gumaan ang loob ko na maiiyak ko lahat ng sama ng loob ko lalong gumaan ang loob ko nang makita ko na ngayon si KR.

"Sorry kung hindi na ako nagpakita ulit sayo. Pagbalik ko kasi nakita ko kausap mo na ang mga magulang mo at mukang galit na galit na sila sayo. Sa totoo lang gusto kitang lapitan nun at pagaanin ang loob mo. Kaso baka kapag nakita nila ako, mas lalo silang magalit sayo. Tyaka sorry din kung hindi ako nagpakita sayo ng ilang buwan bigla kasing naging busy sa practice at sa laro."

Tumango-tango lang ako. Hindi ko naalala may laro nga pala sila after ng sembreak. Hindi dito sa school ginanap yung laro at masyado akong naging abala kay Heather kaya wala akong balita. Tapos hindi pa nagtetext at sumasagot sa tawag ang isang ito.

Nilapitan nya ako at sinilip mula sa pagkakayuko ko.

"Yun ba ang iniiyak mo? Sorry na." Maamo nyang sabi sakin.

Nginitian ko sya, "E bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?" Tanong ko.

"Mainit ang mata ng Mama mo sayo, magulo ang utak mo, bakit pa ako dadagdag diba?"

Inangat ko ang ulo ko at kinausap sya ng diretsyo.

"Lalo ka ngang nakadagdag sa alalahanin ko e. Pano, hindi ko alam kung bakit bigla ka nalang hindi bumalik. Tapos ilang buwan ka pang hindi manlang macontact. Baka nasagasaan kana o nakidnap o baka na--"

Naputol ang usapan namin ng halikan nya ako sa labi.

Nablangko ang utak ko sa loob ng ilang segundo. Para akong nasa langit.

#@#@! Nawala lahat ng sama ng loob ko! #@#@#@! Ano bang meron sa halik ng lalaking ito at lagi nalang akong nawawala sa sarili?

Ang inet inet na ng pisngi ko!

Pagkatapos noon ay natulala lang ako.

Sya naman ay nag-iwas ng tingin.

Hindi sya makatingin sakin, hindi rin ako makagalaw sa pwesto ko.

"Halika kana, may klase ka pa ihahatid na kita sa room mo." Hinawakan nya ang kamay ko at hinila ako sa pagkaka-upo.

Habang naglalakad kami papunta sa classroom ko, hindi parin ako makapagsalita. Hawak nya yung kanang kamay ko gamit ang kaliwang kamay nya at ang isang kamay nya ay nasa bulsa nya. Ako naman ay nakatungo lang at hawak ang tip ng backpack ko. Hindi pa rin kasi mawala ang pamumula ng pisngi ko.

Alam ko namang habang naglalakad kami, bukod sa pisngi ko, maiinit din ang mga mata ng mga tao dito sa amin lalo sakin.

Pagkarating namin sa room ko saka lang sya bumitaw.

"Sige, bye. Thanks." Pabulong kong sabi at agad na tumalikod sa kanya.

"Baby." Agad nyang sabi pagkatalikod ko.

Please, stay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon