PS17: Kaklase

20 6 0
                                        

Lunes nang umalis si KR dito sa Manila. At ngayon naman ang alis namin, tuesday.

Paglabas ko ng kwarto sakto ring labas ni Heather na naka-floral na sleeveless dress yung pagkaka-sleeveless nun ay strap lang. She's cute. White yung dress nya na may maliliit na pink and violet flowers tapos naka-simpleng sandals lang sya may dala syang malaking beach hat na kulay white with pink and violet flowers too at isang malaking black na maleta.

"Partner na partner ah? 2 weeks lang tayo dun. Bakit dala mo na yung buong clauset mo?"

Nakataas na kilay kong sita sa kanya.

Nginitian nya ako at umikot sa harapan ko bago nagsalita.

"Isn't it cute? Sinadya ko talaga 'to. Tyaka ano ka ba Mcxyn. 2 weeks is still 13 days. Ilang beses ka ba nagpapalit ng damit? Bukod sa pang-ligo ko dun. Ano ka ba?!"

Iniripan nya ako at sinilip ang bag na dala ko at ang simpleng one sided off shoulder ko na kulay baby blue na long sleeves at medyo maiksing maong shorts na dark blue naman na frayed na frayed. Ewan ko ba bakit ito nasuot ko. Sira na ata eto e!

"You sure yan lang dala mong damit Mcxy? Pang isang araw ko lang yan e."

Nakataas ang kilay nya sa handbag na dala ko. Medyo malaki din naman ito. OA talaga nitong pinsan kong 'to.

"Kasya sakin to ano ka ba!"

Nagkibit balikat lang sya at nauna na sa pagbaba sa hagdanan.

Nung ako naman ang nakababa, nakita namin nakapambahay lang si Mama sa baba na may dalang susi.

Nanlaki ang mata ko. Susi yun ng kotse nya.

"Oh Ma. Di ka papasok sa office?" tanong ko.

"I'll bring you two to the airport."

Oh mother gracious! Sigurista talaga 'to si Mama.

Buti nalang andun na si KR sa kanila at si.. oh my God! How 'bout that Savino? E hindi pa naman ata kilala ni Mama yun.

"Okay Tita. Let's go!"

Dire-diretsyo lang si Heather na lumabas ng pintuan papuntang parking lot ng bahay namin na para bang walang problema.

"Mcx?" Baling ni Mama sakin ng mapansing tulala ako.

Mygoodness! Ako ata makakapag-pahamak samin dahil sa sobrang obvious ko. Shame!

"Po? Ah. Umm. Tara na. Baka ma-late kami." Halos magkandadapa ako sa pagbaba.

Tahimik kami pareho ni Mama sa kotse samantalang si Heather ay walang tigil ang bibig. Mamaya madulas 'to talagang makakakita ng star 'to sa umaga!

Tyaka hindi ba 'to nag-aalala, mamaya makita ni Mama yung Savino nya.

"So Tita. Bakit mo kami hinatid sa airport? Pwede naman po na si Manong Dino nalang or si Tito. We'll be safe naman. Don't worry too much." Sabi ni Heather at sinisilip si Mama sa front mirror.

"Gusto ko lang makasigurado."

Pagkasabi sakin nun ni Mama ay sinilip nya ako sa front mirror nya.

"Ma.. I'll be okay."

"Yes nga Tita. You worry too much. Nag-research naman po ako about sa Oriental Mindoro especially sa Puerto Galera. It will be safe naman to go there."

"Pero wala kayong kilala dun. Hindi pa kayo member ng mga resort dun."

May kilala po ako. At kilala nyo din.

Kilalang-kilala.

"It's okay Tita. Time nanaman siguro na matuto kaming maging independent. Diba Mcx?" Ngumiti ako at tumango.

Please, stay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon