Inis na inis akong umuwi sa bahay.
"Cousin! Tingnan mo 'to."
Biglang higa ni Heather sa kama ko at tinabihan ako na nagsusulat ng kwento ko.
Buti pa si Kuya Juls! Hmp! Hindi sya ganun!
"Ano yun?" tanong ko sa kanya at may pinapakitang card sa akin.
"Eto oh. May nagbigay sakin ng calling card.. pwede daw ako magmodel.. she's also a model.. niyayaya nya ako kasi ang ganda ko daw.. imagine.. ang ganda ko pala."
WTF?! In the 20 years of her existense ngayon lang nya naisip na maganda sya? Samantalang ako.. simula ata bata ako alam ko nang maganda sya at jongets ako!
"Maganda ka naman talaga ano ka ba. O kelan ka daw pupunta? Sabihin mo yan kay Mama at Papa ah."
"Nasabi ko na kay Tito at gusto nya pumunta na agad ako doon. Ihahatid na nga daw nya ako." Natatawa pa sya habang sinasabi yun.
OA talaga si Papa kahit kailan.
"O.. okay yan sige... galingan mo."
Sumimangot syang tinitigan ako ng malapitan.
"Bakit mukang badtrip ka? Akala ko ba inspired ka?"
Hindi na! Naaasar na!
"What happenned?"
Lalo akong sumimangot nang maalala ang inasta ni KR kanina. "Tsk. Kanina kasi si KR pinakopya ako. Tapos nung magthathank you na ako bigla naman akong nilayasan tapos nung makita nya naman ako ayun nilayasan nanaman ako."
"Uh. Bakit naman ganun? Baka naman may ginawa kang kasalanan."
Uh! Anong kasalanan ko naman sa lalaking yun?
"Wala ah. Nataranta lang ako kanina kasi kinuha nya yung papel ko para sagutan, hindi ko namalayan na napagpalit na pala nya. Ayun kinuha ni Ma'am napasigaw ako. Tapos nung matapos ang klase bigla nalang lumabas hinahabol ko sya kasi dapat magthathankyou ako. Aba, tinatawag ko ayaw lumingon nagkandadapa tuloy ako tapos may tumulong sakin tinanong pa ko kung sino hinahanap ko at baka kilala nya, tapos bigla lumitaw sa likuran namin kung ano ano ng sinasabi...." tuloy-tuloy ang pagsusumbong ko kay Heather.
"Teka. Teka... ano bang sinabi ni KR?"
"Ewan ko dun! Kung ano ano ang sinasabi. Nagdududa sya kung talaga bang hinahanap ko sya o may nahanap na akong iba....-"
Bigla namang tumawa si Heather na parang tungaw! Kinunutan ko lang sya ng noo na nagtataka.
Ang ganda nito, may sayad lang.
"Hoy! Bakit ka ba tumatawa?" tinulak ko sya ng kaunti.
"Ikaw kasi, you're too innocent!" hindi na sya magkandamayaw sa pagtawa nya.
Pag kaya sinakal ko to titigil na to? Niyugyog ko na tong tangang to! Baka matuluyan e. Matuluyan kong masapak!
"Hoy! A'a to! Tawa ng tawa. Sabihin mo na yung nalalaman mo. Tanga na nga ginagawa mo pa lalong tanga!" tuloy pa rin ang pagyugyog ko sa kanya.
"Hahahaha! Eto na.. okay... I'll share you na yung secret! Hahahaha---"
Mabilaukan sana to ng sarili nyang laway! Letche!
"ANO NA NGA?!!!" Sumigaw na ako, ayoko kasi talaga ng binibitin ako!
"Hahahahahaha! Wait lang..." hindi pa rin sya matapos sa katatawa nya. High ata ang isang ito e.
"Ngayon na.. para kang tanga!" Tuloy tuloy parin ang pagyugyog ko sa kanya.
"He's... pfft! HAHAHAHAHA! He's-"

BINABASA MO ANG
Please, stay.
Romance"Please, stay." Masarap pakinggan lalo na pag mula sa taong sobrang mahal mo at ayaw mong iwanan. Pero paano kung yung taong yun ay masyado nang nakakasakal? Will you still stay?