PS25: Baby

24 4 0
                                    

"KR si Mama ang tumatawag." Kinakabahan kong sabi sa kanya.

Ang galing talagang ng timing ni Mama palagi! Sh*t!

"Sagutin mo. Kailangan nila malaman yung totoo."

Hindi ko kaya! Patay ako! Ano ba!

Huminga ako ng malalim. Kailangan kayanin. Malalaman din naman bakit pa patatagalin diba?

*Mm..Ma?

*Mcxyn! Ano kamusta? Kamusta kayo dyan? Ni hindi ka manlang tumatawag ah. Masyado ata kayong nawiwili ni Heather dyan."

Gusto ko nalang maputol kusa ang linya. Sana may dala nalang akong signal jammer!

*Uh. Ma. Umm. Ah, may... may kailangan kasi akong... ano.. kailangan... an-

*Ano? Kailangan ano? Pera?

*No. Umm.

Tiningnan ko si KR na nag-aabang din kung sasabihin ko.

*Ma nasa ospital kami, naka-admit si Heather kasi nag-try sya mag-suicide at comatose sya Ma. I'm sorry. I'm sorry po talaga. Hindi ko po alam na mangyayari yon. Hindi-

Dire-diretsyo kong sabi na walang hingahan.

*What?! Are you okay, Mcxyn? Okay don't panic. Okay? Were flying there right awa,y okay? Wala kang kasalanan, okay. Stay there at hahanap agad kami ng flight papunta dyan.

*O-okay po.

Pinutol na ni Mama ang tawag.

"Bakit ganun? Bakit hindi sya nagalit?" nagtatakang tanong ko kay KR.

"Syempre nag-aalala yun sa inyo." Inakbayan nya ako.

"Wag ka na masyado mag-alala." Dugtong pa nya.

Pagdating dito ni Mama at pag nakwento ko na ng maayos, patay na.

Tumawag ulit si Mama para ipaalam saking nakasakay na sila ni Papa ng eroplano. Papahatid nalang sila sa isang sasakyan para makapunta dito sa ospital.

"Ibibili muna kita ng pagkain ah." Sabi ni KR sakin.

Hinawakan ko yung kamay nya bago sya umalis. Tinitigan ko yung mata nya. Hindi ko nanaman maintindihan ang sinasabi ng mata nya pero muka iyong malungkot.

Ang gwapo talaga ng isang 'to e.

Matagal bago nakabalik si KR kaya naman nakarating na sila Mama dito.

"Mcxyn!" Agad na salubong sakin ni Mama sabay yakap nya sakin.

Nakakapanibago 'to ah.

"Kamusta ka? Naaksidente ba kayo?"

Hindi nya naintindihan ang sinabi ko sa telepono.

"Anak ano bang nangyari?" Seryosong tanong ni Papa sa akin.

Natatakot akong mag-kwento. Asan ba si KR? Sya lang nagpapalakas ng loob ko. Ay naku! Hindi nga pala nila alam na magkasama kami dito, at kapag nalaman malilintikan ako. Baka paglayuin nanaman kami.

Pero kailangan ko sabihin yung tungkol kay Savino kasi yun naman talagang isang yun ang may kasalanan dito e.

"Mama, Papa kasi po. Umm." Huminga muna ako ng malalim.

"Nag-try po magsuicide si Heather, kasama po namin yung boyfriend ni Heather dito."

"Ano?! Boyfriend? Kelan pa?! Nasaan sya?!" Agad na sabi ni Mama.

"Pagkarating po namin sa airport kasama na po namin si Savino, yung boyfriend nya. Hanggang dito po. Lagi po silang magkasama kaya naiilang po ako kaya hindi ko po sila laging nakakasama nagkaroon po ako ng ibang kaibigan dito sila po yung nakakasama ko." Kwento ko.

"So ibig mong sabihin hinayaan mo silang magkasama sa iisang kwarto lang?!"

Hindi pa ako nakakapagpaliwanag ay pinutol na ni Mama ang pagsasalita ko, "O-opo. Kasi-"

"My God, Mcxyn! Bakit mo naman pinabayaan yung pinsan mo."

"Nagkikita naman po kami tuwing gabi, lagi ko naman po syang sinisilip kung okay lang po sya." Pagpapaliwanag ko.

Napaupo lang si Mama at napahawak sa ulo nya.

"I'm sorry po. I'm sorry po talaga. Hindi ko po alam na mangyayari 'to. Sorry po talaga."

Niyakap lang ako ni Papa. Wala na syang ibang sinabi.

Nakipag-usap pa si Mama sa doktor pagkatapos nyang mahimasmasan sa sama ng loob sakin.

"Wag mo isipin kasalanan mo. Si Heather ang may gawa nyan sa sarili nya. Hindi mo naman sinabing mag-suicide sya. Tyaka hindi naman ikaw ang boyfriend nya kaya wag mong sisihin ang sarili mo." Sabi ng Papa ko habang naka-upo kami doon.

Hindi ko alam kung bakit hindi na bumalik si KR.

"May inaabangan ka ba?" Tanong ni Papa sakin ng makita nya akong palingon-lingon sa mga taong dadating.

"Si--"

Natigil kami ng dumating si Mama na bagsak ang muka.

"Buntis si Heather." Agad na bungad nya pagkalapit sa amin.

"Kaya lalong delikado yung lagay nila pareho dahil imbis na makakuha ng nutrients yung baby sa mga dapat kainin ni Heather ay puro gamot ang nakukuha nya."

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Kung may mas lalala pa sa sitwasyon o mas malala pang balita sabihin nyo na, ibigay nyo na! Dali na! Juskoooooo!

Mapapatay ko ata ang Savino na iyon!

"Dadalhin natin sya sa Manila para mas matingnan sya dun ng maayos at mas malapit sa bahay."

"Po?" Walang kaabog-abog kong sabi.

Tiningnan lang ako ni Mama ng seryoso. Kaya hindi na ako nakapalag.

Nang sumunod na linggo saka kami nakabalik ng Manila ni hindi na ulit nagpakita si KR sakin.

Nasan kaya pumunta si KR? Ano kaya nangyari sa kanya? Kinokontak ko sya pero hindi sya sumasagot.

Three months na akong nagpabalik balik dito sa ospital dahil ako ang taga bantay ni Heather. Awa naman ng Diyos okay lang ang baby ni Heather kahit na hanggang ngayon wala pang sustansyang natatanggap yung baby nya.

"Hi Heather. Andito nako. Ummm." Sinasabi ko yun habang nag-aayos ako ng bulaklak na bigay sa kanya ng iba nyang mga kaklase.

"Heath ang tagal mo na dyan. Gising ka na dyan oh. Tyaka kailangan na ng baby mo kumain ng masustanysa hindi yung pagkain na sinasaksak lang dyan sa dextrose mo. Kawawa naman baby mo sige ka. Papayat yan."

Tinry ko padin ng triny na kontakin si KR pero hindi sya sumasagot. Kahit sa school hindi ko sya nakikita.

Ano nanaman kayang nangyari doon?

Di kaya napahamak yun? Nabangga o..

Niyugyog ko yung ulo ko sa pag-iwas sa mga naiisip kong negative.

Naisip kong tawagan ulit ang numero ni Savino pero patay na ito.
Ano bang meron sa mga lalaki ngayon at hindi sumasagot ng tawag at text?!

Mukang hindi na ang number na iyon ang gamit ng damuhong yun. Kahit sa facebook wala na akong makitang Savino Declave.

"Hay nako, Heath. Bakit kasi sa dinami dami ng pwedeng maging tatay ng baby mo, yun pang bumbay na yon."

"Mabuti nalang at hindi nadamay ang baby mo nung uminom ka ng kung ano ano. Ano kaya talagang nangyari sa inyo? Gising kana, please."

Nakatulog ako sa pagbabantay kay Heath, paggising ko nagsulat lang ako ng ibang scene sa kwento ko. Nakakamiss talaga 'to palagi. Konti na lang matatapos ko na rin 'to. Konti nalang.

Hindi pa rin nawawala sa isip ko na isang araw magkikita ulit kami ni Kuya Juls. Oo mahal ko si KR, sobra! Pero gusto ko pa ring makita si Kuya Juls. Gusto ko lang. Gusto ko lang malaman kung ano nang nangyari sa kanya.

Please, stay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon