PS33: Mababaliw

24 4 0
                                        

Nakahiga ako sa kama ko habang nag-iisip.

Mukang maraming mata si Mama sakin sa school.

Pero hindi ko na kayang hindi pa rin kausapin si KR. Atsyaka isa pa ayoko nang pahirapan pa ang mga sarili namin.

Kailangan kong maka-isip ng paraan para maging kagaya pa rin kami ng dati ni KR nang hindi nahuhuli ni Mommy.

Nanliit ang mga mata ko.

Isip maliit kong utak! Isip!

Mahal mo diba? Umiisip ka ng paraan para makasama mo.

Huminga ako ng malalim at..

-

-

-

TING!

Alas onse na ng gabi ng maisipan kong lumabas ng bahay at puntahan si KR.

ALAM KO NA! ALAM KO NA ANG GAGAWIN KO!

Bilis bilis akong lumabas ng bahay. Syempre walang nakaka-alam na umalis ako kahit si Heather pa.

Mabuti nalang at hindi pa umuuwi si Daddy kaya walang makakahuli sakin. Yun kasi ang madalas na makahuli sakin.

Nag-taxi ako dahil takot akong mag-jeep lalo na't maghahating gabi na.

Pagdating ko sa dorm ni KR madilim doon. Bampira talaga ang isang ito.

Kumatok ako ng kumatok pero walang nagbubukas. Nakakahiya namang mag-ingay dahil may mga katabi din itong apartments.

Tinawagan ko si KR sa cellphone nya pero hindi nya sinasagot. Naririnig ko lang na tumutunog iyon mula sa loob ng apartment nya.

Hanggang sa napagod na rin ako sa kakakatok. Siguro ayaw nya talaga akong maka-usap. Pero hindi ako susuko. Kahit intayin ko sya magdamag gagawin ko.

Tumagal tagal pa ay nakakaramdam na ako ng antok kaya umupo nalang ako sa tapat ng pintuan nya.

Papikit-pikit na ako pero pinipigilan ko lang. Hanggang sa hindi ko na nga napigilan.

Nagising ako nang may marinig akong kaluskos sa hagdan.

Nasa second floor kasi ang apartment ni KR.

@#$%&!!! May multo ata. &%#@! Mas takot pa ako sa multo kaysa sa tao e.

Hindi nga ako sasaktan, papatayin naman ako sa takot! &%$#@!!!

Tumayo ako at mabilis na nagkakakatok sa pintuan ni KR.

&%$#@! Nagising ako e!

Nung marinig kong malapit nang maka-akyat ang multo nagsisisigaw na ako.

WALA NA AKONG PAKE KUNG MAGISING ANG BUONG BARANGAY! &%$#@ KR PAGBUKSAN MO NA AKO!!!

"KR! &%$#@ KR ANDYAN NA! BUKSAN MO NA PLEASE! &%$#@! MAMAMATAY AKO DITO!" Sabi ko habang kumakatok ng nakapikit.

Ramdam ko malapit na sya! Naiiyak na ako sa takot.

Hanggang sa may nagbukas ng pinto. Pero pagmulat ko hindi pinto ni KR ang nakabukas.

Kundi pinto ng kapitbahay nya.

"Hoy Miss! Hindi mo ba alam na alas tres na ng madaling araw! Kung ayaw kang pagbuksan, &%$#@ umuwi ka na! Hindi yung nambubulabog ka ng mga taong tulog!" Sabi nung lalaking kapitbahay ni KR.

Pagsara nya ng pinto may dalawang anino akong nakita. Napapikit ako at napadasal ng 10 ama namin.

"Mcxyn?" Pabulong na sabi ng multo.

Please, stay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon