Pumasok ako sa kwarto ko na tulala padin.
I can't believe what I just say.
Tyaka. Bakit ako sasama?
Bakit nya ako niyaya?
Anong gagawin ko dun?
Ipapakilala nya ako sa pamilya nya?
Bakit? Para saan?
Diba, hindi naman kami?!
Diba, hindi naman sya nanliligaw?!
Nilagay ko nalang sa ilalim ng unan ang ulo ko.
Eto nanaman ako e! Halo halo nanaman ang iniisip ko!
Yung lalaking yun talaga, lagi nalang ako binibigyan ng ikalilito ko!
Dumating ang exams and I passed all of it!
Yipeeee! Thanks to that guy!
Miss ko na sya! Last day na ng pasok hindi ko manlang sya nakasama kasi sa sobrang busy namin pareho!
May exams din sya at practice.
Tournament kasi nila pagkatapos ng sembreak.
Mygoodness! Sembreak na!
Nagsabi pa naman ako dun na sasama ako sa kanya!
Ni hindi pa ako nakakapag-paalam kay Mama at Papa.
Sure naman akong papayag si Papa kaso si Mama, malabo pa sa sabaw ng dinuguan yun!
Juicecolored!
Problemado ako sa loob ng kwarto ko kung ano at pano ako magpapa-alam. I'm doomed!
Nagsulat muna ako ng story para medyo maligaw ang isip ko. Hindi ko parin kasi alam kung pano ako magpapa-alam e.
"Mcxyn!"
Napatalon ako ng marinig kong sumisigaw nanaman si Heather sa labas ng pintuan ko.
Pinagbuksan ko sya ng nakakunot noo at sinalubong naman nya ako ng malalapad nyang ngiti.
"Ano nanaman?"
Hinawi nya ang kamay kong nakahawak sa pinto at pumasok sya sa kwarto ko at umupo sa kama ko.
"Siguro naman ngayon you'll have nothing to excuse para hindi tayo makapag-bar hopping." Tinaasan nya ako ng kilay habang nakangiti.
Nakuu! Nakapagsabi nga rin pala ako dito.
Pano na to? Ayokong may mabigo sa kanila pareho.
Umupo ako sa tabi nya, napabuntong hininga ako at tinakpan ko ng mga palad ko ang aking muka.
"Is there something wrong, Mcx?"
"Uhm.. Niyaya kasi ako ni KR sumama sa kanya sa kanila sa Puerto Galera-"
"WHAT?!"
Napapikit ako sa gulat sa pagsigaw nya.
Patay na!
"Uy. Sorry. Sorry talaga. Hindi pa naman ako sigurado kung makakasama ako e. Tyaka alam ko naman na nauna ka mag-yaya. Tyaka hindi pa naman ako nakakapag-paalam. Kaya hind-"
"ARE YOU KIDDING ME?! It will be fun! Puerto Galera?! Beaches?! Bars?! OH MY GOD! OH MY GOD! OMG!!!"
Nagtatatalon na sya sa harap ko at kulang nalang e magteleport sa Mindoro.
Tiningnan ko sya ng nanlalaki ang mata.
"Wait. Ummm. Can we come?"
Kumunot ang noo ko.
BINABASA MO ANG
Please, stay.
Lãng mạn"Please, stay." Masarap pakinggan lalo na pag mula sa taong sobrang mahal mo at ayaw mong iwanan. Pero paano kung yung taong yun ay masyado nang nakakasakal? Will you still stay?