PS40: Namiss

15 4 0
                                        

Nalaman ni Mama at Papa na gusto nga makipagkita ni Savino kay Heather, at kagaya ko nagtaka rin sila kung bakit gusto makipagkita ng isang iyon sa pinsan ko gayung ang laki laki ng atraso ni Heather sa kanya.

Ayaw pa pumayag ni Mama dahil ayaw nyang masaktan si Heather pero nangulit talaga si Savino na magkita sila ni Heather, kaya wala na rin kaming nagawa kundi pumayag. Kaya rin hindi muna pumunta si Heather sa Canada dahil agad nyang ngang sinabi kay Papa at Mama na gusto syang maka-usap ni Savino.

Si Mama ang kasama namin ni Heather na makipagkita kay Savino. Subukan nya lang may gawin sa pinsan kong masama at sabihan nya ng masama ay aahitin talaga namin lahat ng balahibo nya sa katawan gamit ang electric tape!

"Okay ba tong hood ko? Hindi ba tayo halata dito, Mcxyn?" Tanong ni Mama habang sinisiksik nya ang muka nya sa loob ng kanyang hood.

"Oo, Ma. Basta wag ka lang masyadong magulo at mapaghahalataan na tayo ni Savino." Sabi ko at nilingon sila Heather.

Nag-uusap sila Heather at Savino sa kabilang table samantalang nasa kabilang table naman kami ni Mama.

Napagdesisyunan namin wag muna magpakita kay Savino dahil baka matakot sya kay Mama at hindi masabi ang gustong sabihin.

Natutuwa kami ni Heather na lumalapit na ang loob ni Mama sa amin, siguro bumabawi sya? Siguro nga. At napakasaya ko dahil nararamdaman ko nang may nanay nga ako.

Dumiretsyo ako ng upo nang makita si Savino na papalapit sa table namin.

"Ma, wag ka muna lumingon." Nagpaikot-ikot ako ng tingin maiwasan lang ang tingin ni Savino sa amin. "Ha? Bakit?" nalilitong tanong ni Mama hanggang sa nakalapit na nga si Savino.

"Ma'am? May gusto lang po sana akong sabihin." Sabi ni Savino nang makalapit sa table namin. Nagkukunwari parin si Mama na walang naririnig kaya sinenyasan ko na sya kaya naman lumingon na rin sya kay Savino.

"Yes? What is it?" Medyo mataray pa nyang tanong. "Gusto ko po sanang hingin ang kamay ni Heather sa inyo." Sabi ni Savino na agad namin ikinagulat ni Mama, hinawakan naman nya ang kamay ng pinsan ko.

Whuuuutttt? Ano daw? Kasal? Totoo ba ito?!

"Papakasalan mo ang pinsan ko? Alam mo naman diba ang totoo? O baka naman gusto mo lang syang isahan at gantihan?" Agad kong inilayo si Heather sa pagkakahawak nya.

Ano yun? Ganun kadali? Okay na agad sa kanya ang lahat ng ginawa ni Heather? Ang bilis naman nyang magpatawad. Ano sya santo? Imposible! Sino namang tanga ang papakasalan ang babaeng niloko sya?

"Hindi ko po yun gagawin kay Heather, pangako ko po yun."

Nakakunot lang ang noo ko. You're too imposible Savino! Tiningnan ko naman ang pinsan ko na mukang masaya, ano kaya ang pinag-usapan ng dalawang ito at pumayag ang Savino na iyan na pakasalan sya.

"Okay, if that's really true, dalhin mo ang pamilya mo sa bahay namin at mamanhikan ka ng seryoso. Para rin malaman ito ng personal ng Tiyo ni Heather. Naiintindihan mo, bumbay?" matapang na sabi ni Mama, intense din ang isang ito e.

Hindi pa rin ako makapaniwala na ikakasal ang pinsan ko sa taong niloko nya! Loves moves in mysterious ways ika nga! Pero hindi ako mapakali kaya kinausap ko si Heather.

"Heath, can I talk to you for a second?" tanong ko pagkabukas nya ng pinto ng kwarto nya. Ngumiti sya at pinapasok ako doon.

Tiningnan ko syang maigi, I know her too well alam kong gustong-gusto nya ang nangyari. And why the hell did she want that?

"Sigurado kang pakakasalan mo si Sav?" agad kong tanong pagka-upo sa kama nya habang tinutupi nya ang mga pinamili nila ni Savino na mga damit ng bata. Oo namili agad sila kanina at kasama ako doon dahil si Mama ay pumunta na sa opisina nya, adwang-adwa nga ako sa harutan nila kanina. Naaadwa ako sa Savino'ng iyon dahil sa pagpapaasa nya sa pinsan ko.

Please, stay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon