PS11: Ayoko na sayo

30 7 0
                                        

Pagpasok ko nakita ko agad si KR.

"KR!"

Lumingon sya pero blangko lang ang ekspresyon nya.

"Bakit hindi mo ako nirereplayan tyaka hindi mo sinasagot tawag ko? Tyaka nasan ka nung gabing yun tyaka bakit hindi ka ata umu--"

"May pupuntahan lang ako Mcxyn.. mamaya nalang tayo mag-usap."

Bigla nalang nya akong tinalikuran na alam kong wala naman talaga balak na kausapin ako. Hinayaan ko lang sya kasi baka mas importante yung pupuntahan nya.

Paglabas ko sa klase sinilip ko sya baka iniintay nyang lumabas ako ng klase ko, pero wala sya.

Hinanap ko sya sa cafeteria, pero wala sya. Pumunta ako sa Library para lang makita kung nandun sya pero wala.. wala rin sya sa bench na tinatambayan namin. Pumunta rin ako sa soccer field pero mga kagrupo nya lang ang nandun.

Asan naman kaya yung lalaking yun.

Pauwi na ako at pasakay na sana ng kotse na pinasundo sakin ni Papa nang makita ko si KR naglalakad.

Naka-headset sya, nakapamulsa at seryosong naglalakad.

"Manong, tigilan nyo po yang lalaking matangkad na yan."

"KR!"

Lumingon sya sakin na hindi ko parin maintindihan yung expression na pinapakita sakin.

"Sakay ka na.." Nginitian ko sya pero nag-aalala ako sa kanya.

"Hindi na.." Iling nya.

"Ha? Bakit naman? Gusto mo bababa nalang ako, mamasyal tayo.. ah Manong pas--"

"Wag na Mcxyn, may gagawin pa kasi ako."

Bumaba ako ng kotse.

"Ah.. umm.. tutulungan kita sa gagawin mo.. sasamahan kita. Promise tahimik lang ako." Pinipilit kong tagpuin ang mata nya pero naiwas sya.

"Wag na. Umuwi ka nalang... sige.. bye." Tumalikod na sya at hinigit ko yung kamay nya.

"Ah! Wait.. diba sabi mo mag-uusap tayo?"

"Next time nalang. Sige." Nagheadset na ulit sya at naglakad na ng tuluyan.

"Ano kayang problema nun?" Bigla ko nalang napabulalas nang makalayo na sya.

Nakakapagtaka na kasi. Siguro dahil sa ginawa ni Mama yun.

"Iniiwasan ka nun Ma'am." Sabi ng driver ko pagsakay ko ulit ng kotse.

Bakit pati ako nadamay sa inis nya kay Mama?

Nung pumasok ako sa Calculus, kaya lang ako pumasok dahil sa kanya..

Nakipag-palit ako ng upuan kay Ericka kahit na nagmamaktol sya, kasi yun na nga lang daw yung time na katabi nya si KR, aagaw pa daw ako. Pero sabi ko nga, ako batas dito kaya ako nasunod! Charot!

Pinagpatuloy ko nalang ang pagsusulat ko ng kwento. Namiss ko din tong si Kuya Juls. Kung siguro eto ngayon ang nanliligaw sakin papayag si Mama, dahil mayaman ang pamilya ni Kuya Juls. Kaya kahit na hindi naman ako ang gusto ay ipipilit parin..

Sabay pasok ni KR na muka namang nagulat sa nakita nyang ako ang katabi nya.
"Good morning, KR! Amm.. turuan mo naman ako." Malaking ngiti ang pinakita ko sa kanya.

"May rereviewhin pa kasi akong iba."

Ano?!

"Ah ganun ba.. sige pagmamasdan nalang kita."

"Naiilang ako.. balik ka nalang sa upuan mo. Baka masita ka lang."

Nakakasakit na tong si KR ah!

Please, stay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon