KR: Good morning, mahal! Ipagluluto kita mamaya ah. Excited na ako.
Yan ang nakuha kong text pagka-gising ko kanina.
Mcxyn: PATAY KA SAKIN MAMAYA. Reply ko sa kanya.
Kunwari hindi ako kinilig sa text nya pero naalala ko mahihirapan ako pumasok mamaya dahil alam ko ako nanaman ang tampulan ng usapan ng mga estudyante.
KR: Talaga? Gusto ko yan!
Aba! Ang galeng! Natuwa pa ang walangya!
Lunch time ng lapitan ko ang kaibigan ni Heather na si Lani.
Napa-angat sya ng tingin sa akin habang nakain sya mag-isa.
"Hi Lani! I'm Mcxyn. Yung pinsan ni Heather na tumawag sayo. Yung magpapatutor sayo."
Nginitian nya ako at agad na inubos ang laman ng bibig nya.
She's cute and kinda nerdy, the look of a scholar na ine-expect ko. Hindi yung muka ni KR.
Agad nyang inilahad ang kamay nya sa harapan ko, "Nice to meet you. Umm. Anong gusto mong unahin nating subject?"
Nginitian ko sya at umupo sa katapat nyang upuan.
Natawa pa ako bago magsalita, "Mamaya na natin pag-usapan, kumain ka muna." Sabi ko.
Tumawa sya saka nagpatuloy ulit sa pagkain.
Sa totoo lang kailangan ko din talaga tong si Lani para gumanda ganda naman ang grades ko. Kapag kasi si KR ang magtuturo sa akin wala akong matututunan. Puro kalokohan lang ang sasabihin sa akin nun. O kung turuan man nya ako ng seryoso ay hindi rin ako matututo dahil tititigan ko lang sya buong panahon ng pagtuturo nya sa akin.
Anyway. Hindi naman talaga ako nakipagkasundo kay Lani para turuan nya ako kundi para sa kalokohan namin ni KR.
Nang matapos sya ay agad na nya akong niyaya sa place na wala masyadong tao, yun bang masarap matulog para sa mga estudyanteng tamad at masarap naman mag-aral para sa mga competitive na student.
Para sakin, dito masarap mag-date! Charosss! Para pala ako sa mga estudyanteng mahilig magmomol! Jokee! Hahaha!
"Dito mo ba hilig mag-aral?" Tanong ko sa kanya na busy na agad ilabas ang mga librong hiniram nya sa library o kanya yata talaga. Ang dami! Hindi kaya sya makuba nito? Iba pa yung bitbit nya kaysa sa nasa bagpack nya.
Plano yata nito makapasok sa Seoul University. Kahit college na sya. Malay ko ba kung bet nya pala mag-aral forever.
"Ah oo minsan. Kapag walang nagsusmoothching na mag-boyfriend." Sagot nya na kita sa muka ang pagkarindi pero natatawa din.
Nahiya naman ako bes!
"Diba si Heather mahilig din sa ganun?" Sabi ko.
Tumawa muna sya saka nagsalita, "Oo, kaya kapag sinabi nyang sasama sa study namin yung boyfriend nya ay humihiwalay ako. Focus naman talaga si Heather. Pag wala nga lang ang boyfriend nya."
Tumpak! Ewan ko rin ba sa babaeng iyon!
"Anong first subject ang gusto mo?"
Umupo ako ng maayos para sabihin ang talagang pakay ko.
"Hindi ko talaga balak magpa-tutor sayo Lani. Gusto ko lang talaga bayaran ka to pretend with me."
Kumunot ang noo nya. Halatang may malaking question mark sa taas ng bunbunan nya.
Kwinento ko na sa kanya ang arrangements na gusto ko.
"Willing ka talagang magbayad ng ganung pera para lang makasama mo ang boyfriend mo?"

BINABASA MO ANG
Please, stay.
Romance"Please, stay." Masarap pakinggan lalo na pag mula sa taong sobrang mahal mo at ayaw mong iwanan. Pero paano kung yung taong yun ay masyado nang nakakasakal? Will you still stay?