PS14: Narinig

22 5 0
                                        

Nang makalabas na kami sa mall na tulala akey! Syempre para sakin ang drama na nung kanina. Mababaw kaligayahan ko e.

"S-sa-saan tayo... pupunta?" Nauutal na Mcxyn nanaman ang kausap nya.

"Lalakad tayo dun." Ngumuso sya dun sa may lake view.

Kamusta naman yung ilang years na akong naninirahan dito sa Manila, ngayon lang ako makakapag-lakad dito.

What a life!

"Tapos?" Tanong ko ulit.

"Hanggang dulo nyan."

Ha? Hanggang dulo? Saan ang dulo nun?

Sabagay. Lahat naman ng bagay sa simula ka man magsimula o sa gitna. May hangganan at dulo parin ang lahat! Kumeme!

Habang naglalakad kami. Hindi nawawala ang pamumula ng pisngi ko.

Para kaming mga kagaya nitong nakakasalubong namin mga tao.

Sweet couples. Can I call us a couple?

Inalis nya bigla ang naka-akbay nyang kamay at kinuha nanaman ang kamay ko at ikinabit iyon sa kamay nya ng hindi tinitingnan, finifeel lang.

Ako ang tumingin nun and it's like.. made perfectly for him!

Lalong namula ang pisngi ko. Para ngang nag-uusok na. Now. Can I assume that we are already a couple?

Sinagot ko nanaman sya diba? Kaso hindi naman sya naniwala. Hindi ko na rin naman inulit.

Uulitin ko ba? Nahihiya ako!

Anong sasabihin ko? KR? Tayo na ba?

Ugh! What a damn question. Diba dapat ako ang nakaka-alam nun?

Did I really meant what I said that night?!

Or am I ready for a commitment with him?

What if, it turned out to be not perfect saliwa sa gusto ng Mom ko?

Pano kung ano?

Ano ba yan! Puro pano! Puro pano!

"Pagod ka na ba? Gusto mo upo muna tayo?" tanong nya.

Nginitian ko lang ang sweet at seryoso nyang muka.

Sya ang unang humakbang dun sa helera na pwede namin upuan saka nya ako inalalayan pag-taas.

Naka-upo lang kami. Wala kaming imikan. Ano?! Sasabihin ko na ba?!

Pero hindi sya naniwala nung sinabi kong sinasagot ko na sya.

E tanga Mcxyn! Lasing ka kaya nun! Sino maniniwala sayo?

E pano kung ayaw pa pala nya ng commitment?

Gusto lang nya yung ganito?

Ganito lang.

Diba sabi nya sakin nung lasing ako liligawan daw nya ako ULIT kapag may ipagmamalaki na sya.

Ulit! Ibig sabihin tumigil sya. Hindi sya nanliligaw ngayon.

Tyaka wala pa naman yung sinasabi nyang ipagmamalaki diba? Hindi pa naman kami tapos mag-aral.

Pero ano yung Babe? Tawagan lang yun ng mag-boyfriend diba?

Tatawagin mo bang Babe ang kaibigan mong Babae?

Pero baka nga kaibigan lang muna kami ngayon. Special lang.

Pero gusto ko na syang sagutin.

Gusto ko may maitawag na ako sa relasyon namin.

Please, stay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon