Gabi na ng makauwi ako.
Nagulat naman si Heather sa sala na malamang galing ako sa labas.
"Ano oras ka lumabas?" Tanong nya.
"Huh? Nasa duyan lang ako sa may pool side. Di pa nga ako naliligo. Pano ako lalabas." Sabi ko saka tumawa.
Nalito naman sya sa mga pinagsasabi ko.
Pero hinayaan ko nalang sya at nagpatuloy na sa pag-akyat papuntang kwarto ko.
Kinagabihan nang dumating si Daddy saka lang nya nalaman ang lahat.
Nadissappoint sya kay Heather pero hindi naman sya ganun nagalit. Wala na daw namang magagawa kapag nagalit pa sya.
Next week na ang alis ni Heather kaya kinausap ko sya at dun ako natulog sa kwarto nya.
"Hi Dyosa." Sabi ko pagpasok ng kwarto nya.
She's always beautiful. Kahit na tumatakaw na sya ngayon. Hindi naman kasi sya pwedeng mag-diet dahil kailangan nila pareho ng baby nya ng nutrients.
Nginitian nya ako at excited na tabihan sya.
Nanonood sya ng mga cartoons na hindi naman nya kahit kailan naging hilig, habang kumakain ng kung ano ano.
Siguro kasi para may maikwento sya sa baby nya.
"Ang laki na ni Baby ah."
Tumawa sya at hinimas ang tyan nya.
"Oo nga. Ang bigat na nga nya."
Nilapit ko ang tenga ko sa tyan nya kaya natawa ulit si Heather, "Para ka talagang bata Mcxyn."
Ngumiti ako. Wala lang, instinct ko nalang talaga na kapag may buntis ay pakinggan ang tyan nya.
Baka mamaya magsalita diba. Edi ako agad naka-alam kung anong sinabi.
Atyaka natutuwa ako sa mga taong buntis, hindi ko maimagine na magiging ganun din ako sa susunod. Ano kayang feeling ng may bata sya tyan? Mabigat kaya yun o magaan lang? Nakukuha kaya nya ang power ng nanay nya?
Tulala ako sa TV pero hindi talaga ako nanonood kundi nag-iisip ako.
Nung makabalik ang utak ko sa pangyayari nakita kong naubos na ni Heather lahat ng pagkain na dala nya kanina.
Tawang-tawa sya ngayon kay Gumball at Darwin (from The Amazing World of Gumball)
"Umm. Heath? Anong pangalan ni Baby?" bigla ko nalang napatanong sa kanya.
Lumingon sya sakin, "Ano nga ba? Wala pa akong maisip. Ni hindi ko pa nga alam gender nya."
"Bakit hindi mo alamin ang gender nya para malaman natin kung ano ipapangalan natin. Gusto ko kasi bago ka umalis ako magbigay ng name sa kanya."
Natawa sya sa pag-nguso ko.
"Gusto ko kasi surprise, Mcxyn eh." Sabi nya sabay ngiti.
Masaya naman ako at natutuwa na sya sa baby nya. At naeexcite na sya. Sana magtuloy tuloy na ang saya ni Heather at wag na nya maalala yung mga kalokohang ginawa nya.
"Okay. Basta mag-iisip ako ng pangalan ng baby mo either kung girl sya or boy, ha?"
Ngumiti sya at umoo. Maaga syang natulog dahil yun ang kailangan. Samantalang ako mulat pa rin.
Naaalala ko pa rin yung kanina sa bahay ni KR. Naloloka talaga ako pag nandun ako. Naeevolve ang lola nyo! Pero bakit lagi naman akong dinadala ng mga paa ko dun?
Sana gumana yung naisip kong way. Medyo mahihirapan nga lang ako kasi pabalik balik ako pero atleast diba masaya ako. Masaya kami.
Nag-aayos na ako ng sarili ko para sa pagpasok sa school nang makita ko ang text ni KR sa akin.
BINABASA MO ANG
Please, stay.
Romantizm"Please, stay." Masarap pakinggan lalo na pag mula sa taong sobrang mahal mo at ayaw mong iwanan. Pero paano kung yung taong yun ay masyado nang nakakasakal? Will you still stay?