And the game day begins...
Late na akong nakarating sa soccer field at as usual punong-puno nanaman ito ng mga manonood.
Dun ako umupo sa hindi masyadong pansinin ng mga tao. Baka may gawin nanamang kalokohan si KR. Baka mag-sayaw naman sya. Nakakatakot baka ang sayawin na nya ngayon ay sailormoon.
Kilala ko yun, tungekngek din ang isang yun.
Medyo mahirap ang kalaban nila kaya ang tagal ng laro. Pati ako natetense na din. Jusko!
Mainit na ang pwet ko sa kinauupuan ko. Para bang gusto ko ako na ang sumipa nung bola.
"DOON KASI! ANO BA YAN! HINDI DYAN KR! DUN DAPAT SA KABILA! AYAN MAKAKAPUNTOS NANAMAN SILA! URGH! NAKAKAINIS NAMAN! PERO OKAY LANG YAN! BAWI BAWI! KAYA NYO YAN!!!" Napatayo na ako sa kinauupuan ko at nagsisisigaw na ako dun. Naghahand gesture na din ako sa mga nangyayari.
Narealize ko lang yung ginagawa ko nung mapalitan ng muka ko yung malaking screen sa loob ng soccer field.
Nireplay nila ng paulit ulit yung pagsigaw sigaw ko dun at yung ginawa kong pagwawala.
@#$$%! Ang panget ko!
Oh! O tingnan nyo! Muka akong tanga nakakainis!
Pinapakita talaga doon ang reaksyon ng mga taong manonood kaso ako yung most favorite dahil sa kapangitan ko. Wasak ang muka bes! Mukang hindi matae!
Hiyang-hiyang nanaman ako. Sana nangangain nalang ng panget etong stadium!
Pinagtatawanan ako ng mga tao pati etong mga katabi ko. Jusko! Akala mo naman e kadyodyosa at kagagwapo nila! Mahiya naman kayo sa mga balat nyong libagin!
Maya-maya ay si KR naman ang pinakita sa screen nang nakangiti ng kanyang one sided smile nanaman. Ang pogi talaga ng lokong 'to! Kahit na mukang nang-aasar nanaman yung ngiti nya.
Gusto rin talaga ng isang ito ang napapahiya ako e.
Napatingin sa sa nag-iritan na mga nasa unahan ko ng lumabas ang muka nya sa screen. Sipain ko kaya ang mga 'to?
Naging mas mahirap ang laro.
Hindi na ako nagreact pa dahil baka i-broadcast nanaman ang pagmumuka ko.
Natalo ang grupo nila KR ngayon. Pero sa itsura ni KR muka namang hindi masama ang loob nya.
Bakit kaya?
Hanggang sa unti-unti nang naglabasan ang mga estudyante. Ako iintayin ko nalang sya dito sa kinauupuan ko. Para kasing hinigop na ng upuan yung pwet ko katatago ko sa mga tao kanina.
Okay na upuan. Tama na.
Bigla nanamang may lumabas sa screen.
YUNG MUKA KO NANAMAN KANINA! #@#@ naman!
Naka-caption ito ng "Okay lang talo kami, panalo naman ang expression mo! Iloveyou Baby! -KR"
NAKAKALOKA! Hindi ko alam kung ikaiinis ko ba yun o ikatutuwa ko! Pero sa kabila ng pagiging jungetnget ko sa picture na yun ay ipinagmalaki pa nyang girlfriend nya ako! Kalokaaaaaa! Kenekeleg nenemen se eke!
Nagsipag tuksuhan naman ang mga estudyanteng hindi pa nakakalabas ng stadium.
Ee ne! Teme ne! Kinikilig na nga ako e. Enebe!!
HAHAHAHA.
Nangingisay ngisay pa sa kilig ang mga estudyanteng palabas ng soccer field.. Ako eto. Nanigas na sa kilig! Hindi maalis ang ngiti sa labi ko. Nangangawit na ako.
BINABASA MO ANG
Please, stay.
Romance"Please, stay." Masarap pakinggan lalo na pag mula sa taong sobrang mahal mo at ayaw mong iwanan. Pero paano kung yung taong yun ay masyado nang nakakasakal? Will you still stay?