PS37: She's the boss

24 4 0
                                    

Pag-uwi ko agad akong inusisa ni Heather tungkol sa unang araw ng kalokohan ko.

Tuwang-tuwa sya at pumayag sa ganung set up si Lani. Alam nya kasing walang karomance romance ang best friend nya sa katawan.

Kilig na kilig naman akong nagkwento tungkol sa nangyari kanina sa bahay ni KR.

Tinuktukan naman ako ng pinsan kong bundat na.

"Luka luka! Praning ka kasi e! Wala namang issue may pag-iinarte ka agad dyang nalalaman." Sabi nya habang nakaupo ng magkahiwalay ang hita at na kitang-kita ang cute na cute na nyang tyan.

Malaki laki na rin ito at sya rin malusog na. Mabochog na ang pisngi nya at doble na ang baba nya, but she's still gorgeous.

Bigla namang nag-iba ang mood nya.

"O bakit?" tanong ko, ano nanaman kaya ang nasa isip ng magandang ito?

Ngumiwi muna sya pero kita kong nagtutwinkle ang mata nya. Yung itsura na kunwari wala lang pero gustong-gusto.

"Bakit nga?" Naiinip ko ng tanong.

"Si ano kasi. Si ano." Hindi sya makatingin sa akin.

Lintek! Sino si ano?!

"Ano nga yon?!" Magkasalubong na kilay kong tanong sa kanya.

"Si Savino tinawagan ako kanina. Gusto daw nyang makipagkita sakin kung kalian ako pwede." Dire-diretsyo nyang sabi sakin.

Hindi muna ako sumagot at tiningnan ang reaksyon nya.

Alam na alam ko, kilalang-kilala ko si Heather. Alam na alam kong kinikilig sya, jusko! Bakit bigla nalang nakipag-communicate ng isang iyon kay Heather? Para saan? Hindi ba sya nasaktan sa ginawa ng pinsan ko?

"O anong sinabi mo?"

Tinantya muna nya kung magsasabi ba sya ng totoo sakin o magkukunwari syang hindi pumayag na makipagkita.

"Tinanong ko sya kung bakit." Sagot nya habang pinipindot pindot ang ilong ng teddy bear nya.

Nanliit ang mga mata ko. "Tapos?"

"Gusto nya lang daw akong kamustahin pati ang baby ko. Nasa isip ko lang. Bakit nya kami gusto kamustahin? E diba halos isumpa nya ako sa ginawa ko sa kanya. Akala ko nga hindi ko na talaga sya makikita at makakausap pero.... bakit ngayon gusto nya ako makita?"

Kitang-kita ko ang mga tanong sa ibabaw ng ulo nya. Mga tanong na gustong-gusto nyang malaman. Hindi ko rin alam Heath. Si Savino lang ang makakasagot sayo nyan.

Ayoko syang pigilan. Bakit? Anong karapatan ko diba? Pero ayoko rin syang hayaan. Kasi natatakot akong umiyak nanaman sya. Kasi baka kung ano nanaman ang gawin nya at isa pa hindi nalang sarili nya ang dapat nyang isipin. Tao na ang nasa tyan nya, dapat alam na rin nya ang dapat at hindi nya dapat gawin.

"Sige. Makipagkita ka. Pero sasamahan ka namin."

Kumunot ang noo nya.

"Namin?" Tanong nya.

"Isasama ko si KR. Nakakatakot na baka iharass nya tayo."

Tumawa sya.

Hindi ko naman isasama si KR dahil ayokong maging third wheel. Nakakatakot lang baka bigla nyang saktan si Heather para makaganti sya or baka tuktukan nya ako dahil hadlang ako sa binabalak nya.

Nagpaulit-ulit lang ang ganung usapan namin ni KR tuwing Tuesday at Thursdays at sa pagkaswerte swerte at sa pagka-ingat ingat namin ay hindi pa kami nahuhuli ni Mama at sa tingin ko naman ay walang nakakapagsumbong sa kanya na nagkikita at kami pa rin ni KR.

Please, stay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon