PS4: Date

34 7 2
                                    

Nang makalabas na kami sa soccer field, nanakbo na kami ni Heather. Ay actually ako lang talaga nananakbo, kasi hinihigit ko lang sya.

"Why are you in a hurry ba? Diba you have a date? Bakit ako hinihigit mo! You're escaping from him no!" sabi nya habang hinihigit ko sya.

"Hindi sya ang tinatakasan ko, kundi yung mga chismosa sa loob na kanina pa ako nilalait."

Kumunot ang noo nya saka nagsalita.

"Mga inggitera lang yun. Ano ka ba. Pano na date nyo ni KR?"

"Sa sabado pa."

Nanlaki mga mata nya.

"Really? Oh my God! Where?!"

Napa-isip ako bigla habang nasa tapat na kami ng kotse na susundo sa amin.

Saan nga ba? Ano nga ba sabi nya?

Niyugyog nako ng niyugyog ni Heather.

"Uy! Tell me na. Hindi naman ako mag-spy sa inyong dalawa e. I just want to know."

Alam ko na! "Sa sinehan daw sa Mall."

"Huh? Sinehan? Really? Hindi sa isang restaurant mga ganun?" tanong nya pagka-upo sa loob ng kotse.

"Hindi. Sine lang. Okay na yun para madali lang, walang ilangan masyado. Nood nood lang."

"Well. I guess you will have fun naman din sa sine. Atleast you're with him. Ihhhh! I'm so kilig!"

Talandi tong pinsan ko! Sya nalang kaya makipag-date.

"Ewan. Siguro."

Nagpahatid na kami sa mall. Para bumili ng lipstick ng babaeng to! Hindi parin pala sapat yung panonood namin ng laro, kailangan pa talaga namin bumili ng lipstick.

"O ayan. Nakabawi nako. Uwi na tayo ah."

Sumimangot sya tyaka ngumuso.

"Let's go sa sinehan. Tingnan natin mga possible na pwede nyong mapanood ni KR para naman ready ka kung sakali." Sya naman ngayon ang humigit sa braso ko.

F*ck the whuuut? Ha? Diko magets. Kailangan ba talagang ihanda ang sarili sa panonood lang ng sine?

Pero wala kong nagawa kundi sumama sa kanya sa sinehan.

"I think.... it should be..... oh my God! Here, Mcx!" Tawag nya sakin dahil sya lang naman ang lumapit sa mga post don kung ano ang mga showing.

Lumapit agad ako dahil alam kong mag-iingay lang ang babaeng to kapag hindi agad ako lumapit.

"Sa tingin ko itong Me Before You ang papanoorin nyo. Para romantic. Hahaha! What do you think?"

Okay lang. Muka namang nakakakilig yung palabas.

"Ewan. Siguro. Baka."

Sinamaan ako ng tingin ni Heather at kinaladkad nya nako paalis doon.

"Pag nag-date kayo ni KR, don't be like that. Ang boring mong kasama e. Tyaka wag kang killjoy."

Ha? Excuse me. I'm not a killjoy! Most of all, not boring. I just. I don't feel better about that guy again. Parang bumalik yung inis ko.

Nakasimangot lang ako hanggang sa maka-uwi kami. Hindi naman ako kinakausap ni Heather kasi bukod sa mukang badtrip sya sakin, e busyng busy sya dun sa mga bagong lipstick nya.

Pag-uwi namin hindi na ako kumain at wala kong gana. Kaya naman nagsulat nalang ulit ako.

Ibang-iba talaga si Kuya Juls ko at si KR. Kuya Juls won't do anything like what KR's do. I like the type of Kuya Juls. I like Kuya Juls very much kaya ako naiinis.

Please, stay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon