PS38: Broadcast

17 4 0
                                    

"May match kami sa Singapore next month."

Naka-upo sya sa sahig at ako naman sa sofa, nasa pagitanan sya ng mga hita ko at hawak nya ang dalawang kamay ko na nasa dibdib nya habang nanonood kami ngayon dito sa apartment nya.

"Ha? Ilang linggo ka dun?"

Lumingon sya at umupo sa sofa, "Isang buwan lang." Sabi nya.

Ganun? Ganun kita katagal mamimiss?

Ngumuso ako, "Bakit naman isang buwan. Hindi ba pwedeng dito na lang kayo mag-practice sa school?"

Ngumiti sya, "Hindi pwede, Babe."

Wala naman ako magagawa.

Ngumiti lang din ako pabalik at tinitigan nya akong mabuti.

"Bakit?" Tanong ko na nagtataka.

"Wala. Isang buwan ko kasing hindi makikita ang muka mo."

Sus! Ene be!

Para namang ang tagal ng isang buwan. Wag mo nga ako tingnan masyado Mr. Aquino! Baka matunaw ako nyan e!

Nabigla ako nang bigla nyang halikan ng mabilis ang labi ko. Ano ba! Wag nga!

Isa pa! Hahahaha!

Napangiti ako kaya hinigit nya ako papalapit sa kanya.

Binalot nya ako ng mga binti nya at niyakap ako sa may bewang.

Pinupog nya ng halik ang muka ko.

Tama na, KR! Baka kung san pa tayo umabot! Baka maka-iskor ka pa bago umalis.

"Kelan alis mo?" Tanong habang ganun pa rin ang pwesto namin.

"Next week."

Agad?! Ang bilis naman!

"Alis na din ni Heather next week. Wala na akong makaka-usap. Tapos hindi pa rin move on sa break-up natin "kunwari" yung mga students sa school ganun pa rin mga tingin nila sakin." Napatungo ako pagkatapos yun sabihin.

Tiyak na mas lalo nila akong pag-uusapan ngayon dahil wala si KR sa paligid.

Inangat nya yung ulo ko at nginitian lang ako.

Wag ka nalang umalis KR, please!

Pauwi ako saka ko lang naisip na dapat pala nanghingi ako ng baon pang mas maraming ngiti mula sa kanya.

To KR: Goodluck sa match. I love you. Have a safe trip. Miss na agad kita.

Pagdating ko sa bahay saka ko lang nakita ang reply nya.

From KR: Tingnan mo yung album mo sa phone.

Ano kaya ang pinagsasabi ng lalaking ito?

Syempre uto uto nga ako tiningnan ko agad ang album sa phone ko at may nakita akong recent video lang.

Nakita ko yung video nya na ngumunguso tapos ngingiti ng one sided smile tapos ngunguso ulit tapos ngingiti nanaman. Mabilis ang galaw ng video at paulit-ulit pero ang cute nyaaaaaaa, sobra!

Yung mga kalokohan talaga ng lalaking yun ay kakaiba! At hindi sya nagfafail na pasayahin ako! Kakaasar!

"Okay ka lang? Pangiti-ngiti ka nanaman dyan." Nagulat ako ng sitahin ako ni Papa.

Agad kong inangat ang tingin ko sa kanya at inilagay agad sa bulsa ang cellphone ko.

"Ah. Wala po. Natawa lang po ako sa GIF na natanggap ko."

Please, stay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon