PS1: Julian Javier

230 15 9
                                    

Gumagawa ako ng kwento base sa isang lalaking nakilala ko noong Grade VI ako. Hinalintulad ko ang karakter na lalaki sa kwento ko base sa ugali at katauhan ni Kuya Julian Javier.

"Mcx! Anong magandang kulay ng matte lipstick dito?" sabi ng pinsan kong si Heather.

Sinasabi nya yun habang nagbubuklat ng brochure sa may table dito sa kwarto ko.

Dito sya nakatira samin dahil pareho nang patay ang mga magulang nya simula palang Grade II sya. Piloto ang Papa nya at stewardess ang Mama nya (Oh? Iniisip nyo plane crash? HINDI! Naaksidente sa kotse ang parents nya noong nasa ibang bansa sila.)

"Mcx, ano?" Patuloy parin nyang tanong samantalang ako ay nakahiga lang at patuloy na pinapantasya ang lalaking nilikha ng isipan ko.

"Mxcyn, ano sa tingin mo mas bagay sakin?" Ulit nanaman nya at sa pagkakataong ito ay nakatingin na sya sakin at pilit ipinapakita yung brochure.

"Okay lang kahit ano." Maiksing sabi ko habang nakahiga sa kama ko at nagsusulat.

"Tingnan mo muna kasi, dali na!" Medyo may pagka-spoiled ang pinsan kong ito, nakalimutan kong sabihin.

"Ayan okay na yan." Sandaling tingin ko at balik sa pag-iisip ng isusunod kong eksena sa ginagawang istorya na syempre ang bida ay si Kuya Juls.

"This one?" Sabay turo. "So you think mas better sya dito sa isa?" Ulit pa nya at tinitingnan mabuti at sinusuri kung anong lipstick ang bibilhin nya.

"Oo.... ge..." Sabi ko pa.

"Mcxyn! Pakinggan mo muna kasi ako!" Sabay nito at ibinaba nya yung notebook kung saan ako nagsusulat ng tungkol kay Juls Javier na nakaharap sa mukha ko.

"Namili na ako ah, kahit ano naman bagay sayo." Totoo naman din. Sa sobrang dyosa ng pinsan kong 'to, naku! Bagay sa kanya lahat!

"How would you know na bagay sakin pareho 'to?" Really? Kailangan pa ba ng paliwanag dun?

Tiningnan ko sya na parang nagtatanong ng..... FOR REAL?

"Heather Cortez! Ang dyosa dyosa mo! Biruin mo yung isa ka sa magaganda at popular sa Doston mula pa lang elementary tayo hanggang ngayon! Sa tingin ko nga yung mga lipstick at damit ang mag-aadjust para sayo e! Kahit panget gaganda kapag suot mo." Pagpapaliwanag ko para tumigil na sya.

"So, what's with this two na nga? Bloody red or Ruby red?" WTF! Ano ba kasing pinagka-iba nun? E pareho lang namang red yun!

"Bilhin mo na pareho." Sinabi ko yun para matapos na sya sa pangungulit sa pareho namang red.

"Oh... great idea....... I'll just buy them both! Thanks cous!" sabi nya sabay sarado nung brochure.

"Yeah, yeah. No prob." Sabi ko nang hindi sya tinitingnan at busy parin sa kwentong sinusulat ko.

Akala ko tuluyan na syang lalabas sa kwarto ko pero napansin kong lumapit nanaman sya sakin kahit na palabas na sya ng pinto kanina.

"You seem so busy.." sabay higit sa notebook ko at naiwan akong nakataas ang kamay sa ere dahil sa paghigit nyang iyon.

"Eto again? Really Mcx? Since when pa ba ito? Sobrang adik ka na dito ah-ah ka." Tiningnan nyang mabuti ang nakasulat doon pati na ang itsura ng luma kong notebook.

"Huy akin na nga yan.." Aagawin ko na sana yung notebook ko. Grabe na kasi nyang laitin e. Pero totoo naka-ilang ayos na nga itong notebook ko. Burara kasi ako, pasensya na! Pag kinikilig kasi ako naihahagis ko.. minsan nga naihagis ko sa school habang nagkaklase sa History, nakaka-antok kasi... nung maihagis ko, nagising lahat ng kaklase kong nagpapanggap na gising. Ayon nalintikan ako! Pero kinikilig parin ako kahit na pinalabas ako ng klase!

Please, stay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon