Nang makauwi ako nakaisip nanaman ako ng bagong scene sa sinusulat kong fictional character na kagayang-kagaya ni Kuya Juls.
Habang nagsusulat ako pumasok sa isip ko yung deal namin.
"Shit that game! God! I hope they lose this time!"
Alam kong masamang isiping dapat matalo ang Doston ngayon sa soccer game nila, kasi syempre karangalan din ng school pag nanalo sila pero kapag naaalala ko yung deal namin ni KR parang wala kong pake kahit may karangalan pa silang dadalhin sa school!
Buong gabi ko na inisip yung tungkol sa lintik na game na yun.
"Relax Mcxyn! Be confident.. he can't even touch that ball with his feet.. lalo na ang maka-goal. Nagpapanggap lang yun." Buntong hininga ng malalim na malamin.
Hindi ako pumasok sa Calculus ng dalawang meeting dahil kotang-kota na ako sa kahihiyan.. ayokong magka-star!
Tuwing oras ng Calculus nagsusulat ako sa isang bench sa grounds ng school.. I can't get over Kuya Juls and the character I'm making. Sobra ko nang miss si Kuya Juls. How is he na kaya? May girfriend na kaya sya?
"Bakit hindi ka nanaman pumasok?" Tanong ng lalaking tumabi sakin. Paglingon ko si KR!
"Pake mo?" Sabay balik sa sinusulat.
"Inuubos mo lagi oras mo sa pagsusulat dyan. Ganun ka ba katalino sa Calculus?"
HINDI LANG SYA HAMBOG! Pakialamero pa!
"Wala kang pake..." sabi ko ng hindi sya tinitingnan.
Bakit ba nagiging concern ang lalaking ito ngayon? No! Hindi sya concern, Mcxyn, pinagtritripan ka na naman nya!
Tiningnan nya ng malapitan yung notebook ko at inilayo ko agad yun. Baka kunin nanaman nya! Mahirap na... Mahirap tumingkayad ulit!
"Juls Javier?" Bilis magbasa ah. Nakita agad?
"Ano naman yan? Fangirl ka?" Natatawa pa nyang sabi.
"Mind your own business." Sinabi ko yun nang hindi sya tinitingnan at tuloy parin sa pagsusulat. Ngayon tinatakpan ko na yung sinusulat ko.
"Ano? Stalker ka? Gumagawa ka ng diary mo sa lalaking kinahuhumalingan mo?"
E ano ngayon? Nangingialam ka?!
"Ikaw? Wala ka bang kinahuhumalingang babae?" Tanong ko at tumingin sa kanya.
"Bakit interisado ka?" Nanliit ang mata nyang tiningnan ako ng malapitan at ngumiti ng kanyang evil smile.
No! I'm not interested! Gusto ko lang malaman kung bakit ako ang hilig mong pagtripan?
"Hindi ah! Wala nalang talaga ako matanong sayo." Tiningnan ko sya at ngumiti nanaman sya ng nang-aasar.
"Ah talaga.. hahaha! Akala ko kasi crush mo ako." Pangisi-ngisi nanaman.
Yabang talaga ng lalaking to! Ang kapal din e, no?
"Huy ang kapaaaal!" Bigla namang namula yung pisngi ko at tawa na sya ng tawa.
"Namumula ka nanaman, kinikilig ka lang ata sakin e."
"Nye-nye.. feelingero!"
Tahimik lang syang natatawa at maya-maya pa ay umalis na rin. Laging ganun yun, kakausapin at kukulitin ako tapos lalayasan ako.
Ay? Nag-eexpect ng kwentuhan Mcxyn?
Lagi kaming nagkikita sa school. Medyo nawawala na yung badtrip ko sa kanya kasi hindi narin naman nya ako masyadong inaasar siguro ay dahil busy rin sya sa paprapractice nila.

BINABASA MO ANG
Please, stay.
Romance"Please, stay." Masarap pakinggan lalo na pag mula sa taong sobrang mahal mo at ayaw mong iwanan. Pero paano kung yung taong yun ay masyado nang nakakasakal? Will you still stay?