Umuwi ako para kausapin si Mama. Hindi dahil gusto ko. Kundi dahil naki-usap si Papa sakin.
Sabi ni Papa, handa na daw makinig si Mama sa sasabihin ko, at handa na din naman akong intindihin sya.
Inintay ko si Mama sa office nya dito sa bahay.
Tulaley lang ako dito.
May mga pictures pala kami dito sa office ni Mama. May picture ko din.
Bigla naman akong nakonsensya sa ipaglalaban ko kay Mama ngayong gabi.
Talaga bang ipaglalaban ko si KR? Worth it nga ba sya?
Nag-eemote nako ng biglang tumunog ang cellphone ko.
Natawag si KR! Sign ba to na oo? Dapat ipaglaban ko sya?
Napindot ko na ang cellphone ko para sagutin sya ng biglang pumasok si Mama sa office nya. Kaya naipasok ko agad ang cellphone sa bulsa ko. Sabay tayo ko.
Tiningnan ako ni Mama mula ulo hanggang paa. At sinenyasan akong umupo. Umupo rin sya sa table nya kaya ngayon magkatapat kami.
Para akong makikipag-usap sa Principal at may violation ako.
"Kayo na ba?"
Biglang tingin ko sa kanya dahil nakatungo ako.
"Hindi pa po."
"Buntis ka ba?"
Nanlaki lalo ang mata ko at, "Hindi po. Wala po nangyari samin."
"E bakit ganyan mo nalang sya ipaglaban sakin? Dahil ba mas malapit ang loob mo sa kanya at saking mismong nanay mo ay hindi?"
Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Mama.
"Ma hindi... mahal ko po kayo... kaya nga po gusto ko intindihin yung side nyo.." napatungo ako.
"Mcxyn.. alam mo naman kung bakit ayaw ko diba?"
Tumingin ako ulit sa kanya, "Dahil ba mahirap sya, Ma?"
"I want the best for you."
"What if he's the best for me?"
"No." madiin nyang sagot.
"How would you know, Ma? Ni hindi mo nga sya kilala. Nakita nyo lang sya at nalaman ang stado ng buhay nya, ayaw nyo na agad sa kanya."
"Dahil ayoko na mapunta ka sa ganung sitwasyon." Madiin ulit nyang sabi sa akin.
"Bakit? Pano nyo naman masisiguro na kahit magpakasal ako sa mayaman ay hindi magkakaganun ang buhay ko? Pano nyo nasabi na kapag pinakasalan ko sya ay hindi na magbabago ang stado ng buhay nya? Ma.. matalino si KR.... kaya nyang iangat ang sarili nya dahil sa talino nya. Nakakapag-aral sya ngayon dahil sa scholarship nya. Yun po ang hindi ko maintindihan sa inyo e.. iniisip nyo agad na kapag mahirap ay mahirap na habambuhay. Hindi nyo ba naiisip na nag-aaral sya ngayon, pano kung pagka-graduate nya maging maswerte sya. Hindi man maging kasing yaman natin pero pwedeng umangat ang buhay nya. And last, Ma.. si Dad.. hindi naman sya mayaman diba? Pero dahil sa talino nya.. ayan ngayon.. malago ang mga firm nya... Please Ma.. wag mo munang husgahan si KR kung ano sya ngayon..." Umiiyak ako. Hindi ko alam kung bakit.
Siguro kasi sigurado yung puso ko sa sinasabi ko pero parang mali na ginaganito ko si Mama. Naiiyak din ako dahil sa pangmamaliit ni Mama kay KR.
Inangat nya ang ulo nya at umayos ng upo na kanina ay halos sumalubong na sa muka ko, "Make sure it will turn out to be perfect." Simple at matigas nyang sabi.
"Hindi kailangan maging perfect Ma.. ang kailangan lang maging masaya at kuntento..." Umiwas ng tingin si Mama at lumabas na ako ng opisina nya.
Paglabas ko andun naman si Papa.
BINABASA MO ANG
Please, stay.
Romance"Please, stay." Masarap pakinggan lalo na pag mula sa taong sobrang mahal mo at ayaw mong iwanan. Pero paano kung yung taong yun ay masyado nang nakakasakal? Will you still stay?