PS43: Long time

54 5 4
                                        

Halos tatlong taon na kaming magkasama ni KR sa bahay masaya kami pareho sa isa't-isa pero merong pa ring hindi pagkakaunawaan kasi syempre hindi naman kami sanay na magkasama sa bahay talaga, tyaka magkaibang tao kami natural lang na magkaiba ang gusto namin.

Kahit sa maliliit na bagay minsan pinagtatalunan pa namin. "Babe, isara mo yung ilaw please." Sabi nya sa akin. E hindi naman ako nakakatulog ng sarado ang ilaw. "Babe, hindi ako makatulog e." Sabi ko sa kanya. "Okay." Sabi nya at nagtalukbong ng unan. "Bakit ka nagtatalukbong?!" inis kong sita sa kanya. "E babe hindi talaga ako makakatulog mapupuyat ako. Diba kaya nga madilim sa apartment ko e." Sagot nya na kinairita ko kaya lumabas ako ng kwarto at sinara ang ilaw.

Pumunta ako sa couch at nanood nalang muna ng movie. Hanggang sa lumabas sya ng kwarto at tumabi sa akin. "Oh ano? Bakit hindi ka pa natutulog?" matabang kong tanong nang hindi sya tinitingnan. "Hindi ako makatulog wala ka sa tabi ko. Okay na sakin buksan yung ilaw, basta katabi kita, hmmm?" nilingon ko sya at nakapuppy eyes syang nakatingin sa akin. Buong gabi nga bukas ang ilaw at kinabukasan kita kong napuyat sya.

"Babe, okay ka lang? Sorry napuyat ka ah." Sabi ko sa kanya. Ngumiti lang sya at hinalikan ako.

Habang inaayos ko ang mga damit ko nakita ko ang mga damit ni KR. "Babe?" Tawag ko sa kanya na nasa sala. Agad syang pumasok sa kwarto kung nasan ako. "Babe, ano yun?"

"Babe, dapat seperate mo yung pants and shorts tapos sando at t-shirts." Sabi ko sa kanya nung makita kong magkakasama yung mga damit nya. Dapat organize yun e.. "Babe, okay lang naman sakin magkakasama e." Sabi nya. "E babe, ang panget tingnan." Sabi ko at tinuro sa kanya yung mga damit nya.

Wala na syang nagawa kaya pinaghiwahiwalay na nya. "Ganun din Babe sa shoes ah, hiwalay dapat ang rubber shoes sa black shoes at slippers. Okay?" sabi ko sabay ngiti. Ngumiti din sya at pinupog ako ng halik. "Babe, ayusin mo muna yan." Saway ko sa kanya. Tumawa sya at ginawa ang sinabi ko.

Minsan kumakain kami, napansin kong hinihiwalay nya ang atay at sabaw lang ang kinakain nya. "Babe, kainin mo 'to." Sabi ko sa kanya sabay abot ng atay sa kanya. "Babe, hindi ako nakain nyan." Sabi nya. "No! Maganda yan sa katawan. Kainin mo yan ha." Kahit mukang nasusuka sya kinain nya pa rin.

Habang namimili kami ng grocery. "Babe ayun oh!" sinamaan ko sya ng tingin nang ituro nya ang deodorant. "Ayoko nyan Babe, nakakaitim yan ng kilikili. Eto na lang." Sabi ko sabay kuha sa dati ko nang ginagamit na deodorant. Ngumuso sya kaya napikon ako at kinuha ang deodorant na gusto nya. "Hindi Babe, okay lang yung pinili mo nalang. Syempre mas sensitive ang balat mo." Sinamaan ko ulit sya ng tingin. "Wag na! Ayan na e!" sabi ko. Habang namimili ako ng iba pang mga bibilhin at sya ang may hawak ng stroller ay binunggo nya ako ng kaonti nun. Nilingon ko sya.

Pangiti-ngiti sya sakin. Naglakad sya hanggang sa makatabi sya sakin. Nilapit nya ang muka nya sa may tenga ko. "I love you." Bulong nya atsaka pinakita sakin ang deodorant na gusto ko. "O diba ayaw mo nyan?" tanong ko iniiwas ko ang hindi malaman na kilig ko sa sinabi nya. Ang galing galing nya talagang suyuin ako. Lumakad syang kaunti saka lumingon sakin, "Lahat ng gusto mo, yun ang masusunod syempre." At ngumiti sya na nakakakilig. Parang gusto kong maglulupasay dito sa mall sa sobrang kilig.

Habang nagmamall kami ay nakakita ako ng magandang damit para sa kanya.
"Babe, dapat lagi ka nang naka-long sleeves sa work tutal junior manager ka na." Sabi ko at pinakita sa kanya ang magandang blue na long sleeves. "Babe, alam mo namang pawisin ako, mas komportable pati ako sa polo shirt." Ngumiwi ako sa sinabi nya. "Polo shirt? Babe naman eto na gamitin mo, trust me mas popogi ka dito." Hindi ko na sya hinayaan pang pigilan ako at yun na ang binili namin. Nang makarating kami sa bahay, "Sigurado ka bang popogi ako dito?" Tanong nya habang tinitingnan ang long sleeves. "Yes. Dali, suot mo na." Excited kong sabi kaya naman hinubad nya agad ang t-shirt nya kaya natulala nanaman ako. Kailan kaya ako masasanay na naghuhubad ang gwapong nilalang na ito sa harapan ko?

Please, stay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon