Dumating na ang pasukan pero hindi pa rin tumatawag o nagtetext manlang sakin si KR.
"Meron pala ulit laro ang Doston Soccer no?"
"Talaga? Kelan? Kelan?"
Buong umaga ko naririnig ang tungkol sa bagong game ng Soccer team nila KR.
Kung excited sila dun. Ano pa ako? Excited na rin ako makita si KR no! Nobyo ko kaya yon! Asan ka na ba kasi KR?
Mag-isa akong kumakain nang biglang may umupo sa tapat ko.
Di ba alam ng isang to na mainit ang ulo ko ha?
Tinitingnan nya pa ako na akala mo'y may utang akong kwento sa kanya or what.
"Yes?" Kunot noo kong tanong dahil mukang ako talaga ang iniintay nyang magsalita na una.
"Tama ba? Buntis nga si Heather?" Sabi ng lalaking to. Hindi pala lalaki. Bading pala.
Okay lang naman maging bading e. Ang masama yung chismosong bading.
"Are you a friend of my cousin? Or just some schoolmate na gustong kumuha ng balita para ipagkalat at siraan ang pinsan ko?" Sabi ko sayo e. Mainit ulo ko. Kaya wag ngayon, please.
Tiningnan nya ako na uma-attitude! Alam nyo yung parang masama pa yung sinabi ko.
Hindi kaya sya nangangamusta! Humahanap sya ng ichichismis yun ang kutob ko! Oh no Sister! Don't you daaaarrrreeee!
Umalis sya na bwisit na bwisit sakin. Wala akong pake!
Nagpatuloy lang ako sa pagkain nang may umupo nanaman sa tapat ko.
"Ano! Chismis din hanap mo? Bakit hindi yung mga dakilang chismosa ang tropahin mo?!" Wala pa syang sinasabi yun na agad ang bungad ko.
Tinitigan nya lang ako ng nagtataka.
Lalaki rin sya pero macho. Yun tipong hindi chismis ang kailangan.
Kakahiya. Baka nakikiupo lang 'to e kung ano ano na ang sinasabi ko sa kanya. Bigla akong nagtakip ng isang kamay ko sa muka at nagpatuloy sa pagkain.
"You're the cousin of Heather, right?"
Ayoko nang magalit. Umalis nalang ako at baka masapak ko lang ang isang ito.
Hinabol nya ako at hinawakan sa braso.
Whut the!
Sinamaan ko sya ng tingin paglingon ko.
"Kailangan kita makausap."
Creepy!
"Kung chichismis ka lang pwede wag ngayon. Wala ko sa wisyo!"
Pag siguro ihaharap mo sakin ngayon si KR, ikukwento ko ang lahat!
Choooossss!
"Kapatid ko si Savino."
Agad namang namilog ang bibig ko, "Nasan ang kapatid mong siraulo ha?!!!"
Pagkatapos kong sumigaw sa cafeteria lumingon lingon ako. Saka ko narealize na ang ingay ko pala, ang daming tao.
"Nasan ang kapatid mong siraulo?" Pabulong kong sabi sa kanya.
"Sumama ka sakin, dun tayo sa labas mag-usap."
Sumama ako sa kanya. Syempre kahit hindi ko 'to kilala pag tungkol na sa concern sa pinsan ko. Naku, at isa pa kamuka naman talaga nya ang bumbay na iyon.
Sa isang coffee shop kami pumunta. Galeng! Coffee shop talaga ah.
"So nasan na nga ang kapatid mo?" Seryoso na ako this time.

BINABASA MO ANG
Please, stay.
Romance"Please, stay." Masarap pakinggan lalo na pag mula sa taong sobrang mahal mo at ayaw mong iwanan. Pero paano kung yung taong yun ay masyado nang nakakasakal? Will you still stay?