PS19: Kiss

17 5 0
                                    

Pumunta ako doon at rinig na rinig ko ang kantahan nila gamit ang isang machine na karaoke o videoke, sa ngayon si Heather ang kumakanta.

Na-excite ata sya sa local beer kaya yan at mukang may tama na.

At kelan pa nito nalaman ang kanta ng Aegis na Halik.

"Mcx! Halika kanta ka!" Hinigit nya ako at binigay ang mike sa akin.

Natatawa lang ako sa itsura nya. Mapula na ang mga pisngi nya.

"Ilan na nainom mo?" nag-aalalang tanong ko.

Tumawa sya at kumanta na. Hinanap ko agad si Savino pero wala sya.

"KR, asan yung boyfriend nyan?"

"Huh? Hindi ko alam. Hindi ko napansin."

Umupo ako sa gitna ni KR at Heather.

"Ah. Umm. Mcx. Papakilala kita sa kanila." Bulong ni KR sa kaliwang tenga ko at pinulupot ang kanang kamay sa baywang ko.

Ngumiti ako at tiningnan sila isa-isa. Nagtatawanan sila at kung ano ano ang pinagkukwentuhan.

"Yun si Papa. Yung nasa center. Tapos yung tatlo na nasa bandang kanan nya ay mga pinsan ko, naka-blue si Riko, yung ugok na walang tshirt si Shade na kaninang nakared nung dumating tayo tapos yung nakatshirt si Aldred. Yang nasa tabi ni Aldred na dalawa ay mga Tito ko sa father side, si Tito Luis at Tito Rodel. Yung nasa katabi ni Papa sa kaliwa si KV kapatid ko. Tapos yung katabi nya si Toby, Keith. Mga kasama ko sa soccer nung high school halos kapatid na din turing ko sa kanila. Tapos yun si Kuya Jed, yan yung seaman."

Ahhhhhh! Yun pala yon! Yung mga pinsan nya at Tiyo nya ay halos magkakahawig, mga moreno rin sila at mapupula. Ang gagwapo nila. Gwapo rin itong mga kaibigan nya, mga moreno rin sila, siguro dahil sa kakalaro ng soccer o kaya dahil taga dito talaga sila.

Napansin ko namang tingin ng tingin yung Aldred sa pinsan ko.

Aba-aba! Ang alindog talaga ng pinsan kong ito!

"Kamukang kamuka mo Papa mo tyaka si KV."

Natawa sya at hindi pa rin tinatanggal ang kamay sa likuran ko. Nauubusan na yata ako ng dugo doon at napunta na lahat sa ulo ko.

"O! Mcxyn! Shot ka na!" Sabi nung isa sa mga Tito nya.

Ngumiti ako at tinanggap ang shot na binigay nila.

Ohh! Ganto pala lasa nito! Sheyms.

Nagtawanan sila sa itsura kong parang tanga lang.

"O Mcxyn! Kamusta namang boyfriend ang anak ko?" Sabi ng Papa nya na mapula na ang pisngi.

Namumula na ako. Nahihiya ako!

Nakakapit parin si KR sa kanang braso ko at nasa kaliwa ko sya.

"PA!" Saway ni KR sa tatay nya.

"H-hindi pa po kami.."

Ang Papa nya lang at si KV ang nagulat. Kasi kanina naman nasabi ko na sa kanila na hindi pa kami ni KR.

"Aba! Bakit? Basted na ba, K?"

Tumawa lang si KR at ininom ang isang shot.

Ngumiti ako at umiling.

"O! Yun naman pala e. Hindi ka naman pala basted K." Sabi ng isang Tito nya.

Tinatapik tapik naman sya ng katabi nya na kaibigan nya.

"E pano namang manliligaw si KR? Sweet ba?" Sabi nung isang pinsan nya na si Riko.

"Sweet ba yan?!" Sabi ni Shade.

Please, stay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon