"Heather!" Sabi ko at agad syang niyakap nang makita kong gising na sya.
"Okay ka na? Totoo? Gising kana? Hindi ba 'to panaginip nanaman?" Sunod-sunod kong tanong.
Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan ko una si Papa at sinabi nya pupunta agad sya, kasunod kong tinawagan si Mama pero hindi nya sinasagot ang tawag ko kaya nagtext na lang ako.
Maya-maya pa ay pumasok na si Nurse Judith.
"Nurse, kanina pa pala gising si Heather, di mo agad ako tinawagan tyaka sila Papa?" Sita ko sa Nurse.
"E Ma'am kinausap po kasi ako ni Doc. Balak ko naman po agad kayong tawagan kaso ang dami nyang sinabi." Paliwanag nya.
"Okay na. Sige okay lang. Ano nga pala sabi ng Doktor." Tanong ko ulit.
"May mga kukunin pa daw pong ibang mga tests kay Ma'am Heather. At normal lang na hindi po sya agad makapagsalita, dahil syempre po nandun parin yung depression na naging dahilan ng pagsusuicide nya."
Nilingon ko si Heather na tulala lang na nakaupo sa kama.
Biglang pasok naman ni Dad sa pinto.
Kinausap agad sya ni Nurse Judith at nilapitan ko naman si Heather.
"Heath. Alam ko, depress ka pa. Handa kaming intayin kung kelan ka magiging handa para magkwento samin." Sabi ko at hinawakan ang kamay nya.
Hinawakan ni Papa ang balikat ko at nilingon ko sya, "Tinawagan mo na ba ang Mama mo?" Tanong nya.
"Hindi po sya sumasagot. Baka nasa meeting pa. Tyaka tinext ko nanaman po sya."
Tumango-tango lang si Papa at hinawakan ang kamay ni Heather.
"Makakayanan mo ang lahat ng to, Heath. Wag kang mag-alala."
Hindi pa rin umimik at nagbigay ng reaksyon si Heather.
Matagal bago dumating si Mama. At pagdating nya agad agad syang pumasok at inintindi agad si Heather.
Napatingin na lang ako at napaiwas ng tingin, hindi ko maiwasang hindi mainggit sa pinapakitang pagpapahalaga ni Mama kay Heather.
"Heather! What the hell did you do?!" Niyugyog yugyog agad nya si Heather at pinigilan naman sya ni Papa.
"Patricia, pwede ba tigilan mo yan! Kagigising lang ni Heather. She's still in shocked! My God!" Sabi ni Papa.
"And you!" Gulat ako ng biglang si Nurse Judith naman ang pagtripan nya.
"Why didn't you call me?! You suppose to call me!" Sigaw nya kay Nurse Judith.
"Ma'am kasi po-" Hindi pa tapos magpaliwanag si Nurse Judith nang sumabat ulit sya, "Don't make excuses!" Sigaw ni Mama.
Tumayo ako at agad na lumapit sa kanila para masabi ang dahilan ni "Ma, kasi tina-" Hindi pa ako tapos ng ako naman ang putulin nya sa pagsasalita.
"I'm not talking to you!" Sabi nya at tinitigan nya ako ng masama.
"Patricia! Kaya hindi ka nya tinawagan dahil tinawagan ka na ni Mcxyn, tapos hindi mo naman sinasagot kaya tinext ka nalang nya. Pano mo ba nalaman na okay na si Heather?" Paliwanag ni Papa.
"I can't reach Judith's phone, so I called to the Lobby and ask them anong balita ang meron sa Room 75 tapos sinabi nila kaya nalaman ko."
"Pano ka nakatawag sa Lobby ng hindi chinicheck ang text sayo ng anak mo?" Tanong ulit ni Papa.
"I used my phone. Hindi ko lang talaga naopen ang text ni Mcxyn dahil inaabangan ko ang text ni Judith."
"You should check first your phone at hayaan mo muna sila magpaliwanag hindi yung sisigawan mo lahat ng tao dito."
Natahimik lahat kami dito nang pumasok ang Doktor.
Okay lang ako. Wala lang sakin yun. Naawa lang ako kay Nurse Judith. Ako naman. Sanay naman ako e.
Kinabukasan pinayagan na kaming iuwi si Heather.
Ngayon ko lang nakita si Mama na mag-asikaso sa kanya. Take note ah sa kanya lang.
Never nya akong inasikaso nang ganyan.
Pinagluto, pati pinggan at kutsara inasikaso. Yung gatas at iba pang mga kakainin.
Alam ko naman na kaya ganyan ang asikaso nya dahil galing sa coma si Heather at isa pa buntis ito at kailangan ng matinding pag-aalaga. Pero diba, pwede naman gawin ng yaya yun.
*Ay nako! Erase! Erase erase Mcxyn.* Niyugyog ko ang ulo ko para maalis ang kung ano anong naiisip ko.
Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad sa hallway papunta sa room ko.
Nang biglang may umakbay sakin at nang lingunin ko ay si KR ito.
"Sorry ganda, nalate ako." Sabi nya at binigyan ako ng nakakagaan ng pakiramdam na ngiti.
Yung ngiti ng KR ko talaga yung nakakapagpagaan ng pakiramdam ko ngayon. Dati si Kuya Juls, napapalitan din pala.
Ginantihan ko din sya ng ngiti, tahimik lang kami hanggang sa makapunta sa classroom ko.
Papasok na ako sa classroom nang hawakan ni KR ang kamay ko kaya napatingin agad ako sa kanya.
"May practice nga pala kami mamaya. Baka gabihin nanaman kami kaya hindi kita ulit mahahatid sa inyo." Hawak nya yung dalawang kamay ko at nakatungo sa akin, tinitingnan nya rin ang mga mata ko na talaga namang kikiligin ka at para bang yung tono ng boses nya ay may gustong itanong sakin.
Kung okay lang ako?
Hindi ko na rin alam, KR.
"Okay lang. Sige K, punta ka na sa classroom mo." Sabi ko sabay talikod sa kanya.
"Anong sinasabi mo? Magkaklase tayo ngayon ah." Tumawa sya at hinila na papuntang upuan namin.
Oo nga pala. Calculus nanaman. Urgh!
Nang matapos na ang klase mabilis na umalis si KR sa classroom nang hindi manlang nagpapaalam sa akin.
Ganun ba sya ka-excited sa practice? Nakakainis ah.
Kung gano kabilis si KR sa pagalis ganun naman ako kabagal sa pag-aayos ng gamit ko.
Paglabas ko ng classroom napalingon agad ako sa lalaking nasa gilid ng pinto, "Ang tagal mo naman lumabas. Tunaw na tong ice cream oh." Sabi nya sabay abot ng natutunaw na nga na ice cream.
Agad ko namang nilabas ang panyo ko sa bulsa at pinunasan ang kamay nya na natuluan ng ice cream. Seryoso lang ang muka ko pero natouch ako sa ginawa nya. Akala ko talagang iniwan na nya ako. Habang pinupusan ko ang kamay nya ay bigla nalang nya akong hinalikan sa labi.
Smack lang pero matamis. Lasang ice cream. Nagulat ako at napatingin ako sa kanya.
Nginitian nya ako saka nagsalita, "Magkaiba kasi ng flavor yung ice cream natin, dalawa lang yung kamay ko kaya hindi kita nabilhan pa ng isa. Kaya pinatikim ko nalang sayo. Anong lasa? Sarap ba?" Ngumiti nanaman sya ng nakakaloko.
Halos pumutok nanaman sa init ang pisngi ko. Kahit talaga masama ang loob ko kapag etong lalaking 'to ang nakakasama ko nawawala ang lungkot ko.
"Ma-may t-toyo ka talaga."
Ngumiti sya at inabot na sa akin ang ice cream ko.
Nang maubos ko ang ice cream ay may sinabi nanaman ang loko.
"Pwede bang patikim din ako ng ice cream mo?" Sabi nya at akmang hahalikan nanaman ako.
Lumayo ako at tutuktukan ko sana sya pero nakailag sya at tuloy sa pagtawa.
Para tuloy ang bastos na ng ice cream. Siraulo talaga 'to.
"Akala ko ba may practice ka?" Tanong ko nang patuloy pa rin kami sa paglalakad sa labas ng campus.
Inakbayan nya ako at sinabing, "May girlfriend din kasi ako." Agad naman akong napalingon sa kanya at nginitian nya ako sabay kurot sa ilong ko.
"Girlfriend na tampuhin." Pulang pula ang ilong ko pagkatapos nyang kurutin.
Ngumiti lang ako at patuloy na kaming lumabas ng Campus. Hindi mawala ang kilig na bumabalot sa buong puso ko. Sobra akong masaya na andyan si KR para sa akin, sana hindi sya mawala, hindi ko ata kakayanin.
![](https://img.wattpad.com/cover/139509386-288-k579783.jpg)
BINABASA MO ANG
Please, stay.
Romance"Please, stay." Masarap pakinggan lalo na pag mula sa taong sobrang mahal mo at ayaw mong iwanan. Pero paano kung yung taong yun ay masyado nang nakakasakal? Will you still stay?