Pagpasok ko may nakalagay na Blue rose sa ibabaw ng desk ko.
Napangiti naman ako bigla. Parang kasing ganda ko yung rosas na nasa tapat ko ngayon.
"You think you're so pretty?"
Tiningnan ko naman ang bruhildang nagsalita sa harapan ko.
"Nah, I think I'm gorgeous." Mataray kong sagot.
Wag me. Aktong sasabunutan ako!
"Don't even dare. Diba nandito ka sa Doston.. an exclusive school for an exclusive people.. Try to act like one Kayla."
Ako pa talaga?! Hindi ako makikipag-sabunutan pero ipaglalaban ko ang karapatan kong kiligin.
Hindi naman sya kilala ni KR.. Higit sa lahat hindi sila.. kaya wag nya akong paandaran.
Hindi na sya nagsalita pa. Naiinis ako sa mga ganitong tao. Yung mahilig umepal. Nakakasira ng moment e.
Mag-isa lang ako kumakain sa cafeteria ngayon kasi absent ang pinsan kong dyosa. Nilalabnat daw sya.
Bawat subo ko tinitingnan lang ako ng mga tao, nagbubulungan, nagtatawanan.
Halos bawat lunok ko pahirapan.
Hinahanapan nila ako ng pintas e marami pa naman silang makikita sakin. Wala akong pake! Lalo ko silang ininis kasi pinuno ko ng pagkain yung bibig ko!
Ang sarap maging p-shooter at ibaril sa kanila tong laman ng bibig ko. Muka pa naman silang mga zombies. Urgh!
"Ayan ka nanaman, hindi mo nanaman nginunguya yung kinakain mo." Nagulat ako kaya nasamid na. Umubo na ako ng umubo.
"O! Ayan kasi e! O uminom ka muna." Iniabot nya sakin ang dalang tubig.
Ay sorry ah! Tanga lang.
"Ikaw naman kashi." Sabi ko na medyo puno parin ang bibig.
"Hindi ka ba naturuan ng manners na bawal magsalita kapag may laman ang bibig? Naturingang galing sa mayamang pamilya, walang manners."
#@#@#@ to!
Yabang nanaman!
May mga araw talaga na ganyan yang hambog na yan.
"Ang yabang mo nanaman."
Tumawa sya, "Ang cute mo.. naaasar ka nanaman kasi." Ngingiti ngiti nyang sabi.
Kumunot noo lang ako at ngumuso.
Tumawa sya ulit, " Mcxyn may sasabihin ako sayo."
"Ano nanaman?" Nakakunot noo kong tanong habang patuloy sa pagkain.
Pinapalapit nya ako sa kanya.
"Ikaw lumapit ikaw tong may sasabihin e."
"Ikaw na dali."
At dahil uto-uto ako. Ako na ang lumapit.
Nasa tapat ko kasi sya.. inilapit ko yung muka ko sa muka nya.
Bumulong sya at...
"Famous ka na.." sabay halik sa pisngi ko!
Lalong lumakas ang bulong bulungan ng mga tao sa paligid.
Pinalo ko sya bigla sa braso at tumingin sa mga tao sa paligid ko.
Kanya-kanya na silang irapan sakin.
"Ayan ka nanaman. Lagi mo akong pinapahamak." Sumimangot ako.
"Hahahahaha! Ang ganda mo kasi." He smirked.
![](https://img.wattpad.com/cover/139509386-288-k579783.jpg)
BINABASA MO ANG
Please, stay.
Roman d'amour"Please, stay." Masarap pakinggan lalo na pag mula sa taong sobrang mahal mo at ayaw mong iwanan. Pero paano kung yung taong yun ay masyado nang nakakasakal? Will you still stay?