PS24: Comatose

27 4 0
                                    

Agad kong nilapitan si Heather.

Wala syang malay kahit sampal sampalin ko sya.

Agad namang binuhat ni KR si Heather.

"Dalhin natin sya sa pinaka-malapit na ospital dito. Tawagan mo ang boyfriend nya."

Hindi agad ako nakagalaw.

Nagbuhusan agad ang luha ko.

Anong nangyari?! Hindi sya pwedeng mawala! Hindi pwede!

Nilingon ako ni KR saka sya sumigaw.

"MCXYN! Wag ka mataranta. Gawin mo na yung sinasabi ko. Halika na!"

Sigaw nya na agad na nagpagalaw sakin.

Nanginginig akong hinahanap ang cellphone ni Heather kasi wala naman akong number ni Savino.

Nauna na si KR dala si Heather papunta sa sinasabi nyang Hospital.

"#@#@#! Nasan na yung #@#@#ng cellphone na yon! At yung #@#@#@# nyang boyfriend!"

Sabi ko habang hanap parin ng hanap.

Napa-upo ako sa sobrang panghihina ko sa pangyayari.

"#@#@#! I don't know what to do." Sabi ko at bumuhos na ang luha ko.

Biglang tumunog ang cellphone ko.

At pagkita ko si KR ang natawag.

Nanginginig ako habang hawak ang cellphone. Parang ayaw kong sagutin yung tawag!

#@#@#@#@#! Ano bang nangyayari!?

*H-e.

*Mcx. Nasan ka na?

*A-an..

*Sunduin kita dyan?

Nag-aalala ang boses ni KR.

*No. I'm fine. I.. I just can't find. Her. Phone.

*Tawagan mo para mag-ring.

Sa sobrang gulo ng utak ko. Hindi ko naisip yon.

Pagkaputol ng tawag ni KR. Ginawa ko agad ang sinabi nya. Kahit malabo ang mata ko dahil sa mga luha ay tinitingnan ko parin kung nasan ang cellphone nya.

Maya-maya e tumunog na ang cellphone nya at nakita kong nakataob 'to malapit sa pinto ng cr at agad ko tong kinuha.

Dali dali ako sa paglabas. Naglalakad ako habang hinahanap ang numero ni Savino sa cellphone ni Heather.

Imposibleng wala yon dito! Dapat agad agad ko tong makikita.

Inuna ko muna magtanong sa isang driver ng taxi dito kung nasan ang ospital na tinext ni KR sakin at magpapahatid ako.

Hindi ko talaga mahanap yung number ni Savino!

Mabilis akong nagtanong sa nurse kung nasan si Heather ng..

Hinawakan ni KR ang kamay ko.

Pagtingin ko sa muka nya kitang-kita ko ang pag-aalala at lungkot sa mata nya kaya napa-iyak na ako ng sobra sobra!

Niyakap nya ako agad. Mahigpit.

Buti nalang andito si KR. Kundi hindi ko talaga alam ang gagawin ko.

Baka nahimatay na rin ako. O baka mabaliw ako.

Tulala kami parehas ni KR. Naka-akbay sya sakin.

Pugtong-pugto na ang mata ko. Si KR basang basa na ang t-shirt dahil sa paghagulgol ko kanina.

May araw na ng lumabas ang doktor sa ER. Agad akong napatayo at napalapit.

Please, stay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon