PS18: Aquino's

17 5 0
                                    

Nakalipas na ang isa't kalahating oras ng bumaba si Biel sa tapat ng isang bahay. Parang hindi nya kami kilala. Dire-diretsyo syang lumabas at pumasok dun sa bahay.

Pagkaliko ng jeep ay tumigil ito sa isang hindi malaki at hindi rin ganun kaliit na bahay. Maingay doon at may nagkakantahan at nagtatawanan.

"Dito na tayo." Bumaba si KR sa jeep at tinulungan nanaman si Savino na bitbitin ang bagahe nitong si Heather. Pagkababa nun ay kinuha nya sa kamay ko yung bag ko.

"No. Kaya ko bitbitin 'to." Sabay hawi ko sa kamay nyang nakahawak sa bag ko.

Tiningnan nya ako, " Ako na. Mabigat."

"Hindi. Ako na! Nadala ko 'to kanina, madadala ko ngayon." Nauna na ako sa paglakad.

Hindi na nya pinagpilitan at sinundan nalang nya ako ng tingin. Nakita ko sa mata nyang malungkot ng itinanggi kong bitbitin nya yung bag ko.

Ayoko sanang magsuplada ngayon andito ako sa kanila. Masaya naman talaga dapat ako. Gustong-gusto ko nga pati ako bitbitin nya. Hindi nga ako makatulog kanina sa sobrang excited, diba. Kahit na inaantok ako.

Kaso kasi sino ba yung babaeng yun! Bakit sya ganun at bakit sya nagalit nung nalamang nililigawan ako ni KR. Bakit ganun sya kung makakapit kay KR. Yung tinginan nila! Yung mga naging reaksyon nya!

Pagkapasok namin ng gate...

"K!" Sabi nung isang lalaking nakapula.

Ngumiti lang si KR at itinaas ang kamay para sa pagbati.

Kung bibilangin ko ay walo silang nandun kasama yung lalaking kumakanta. Prinsesa ni Daniel Padilla ang kinakanta nung isang lalaking bigay na bigay.

Natatawa naman yung tatlo sa bawat pagpiyok nung nakanta, yung dalawa ay parehong nakatingin sakin. At yung isa yun yung tumawag kay KR, yung isa ay nagbibigay ng shot kay KR at yung isa naman ay nakatingin sa palinga-linga kong pinsan.

Lahat sila may mga itsura. Para silang mga modelo ng bench at mga anak ni Adonis lahat! Walang tulak kabigin. Walang itatapon!

Ganito ba talaga tong mga taga Puerto? Mga hot sizzling sisig?

Bigla kong naramdaman ang buong kamay ni KR sa balikat ko.

"Si Mcxyn." Ngiti nya sa mga kaibigan nya at sabay tingin nya saking nakangiti rin.

Ano ba 'to! Konting ngiti naalis agad ang mga iniisip kong kinaiinisan kanina.

"Girlfriend mo, tol?"

Nanlaki ang mga mata ko. At si KR naman ngayon ang tiningnan ko.

Nakangiti sya. Ang yabang talaga nito.

"Haha." Kinagat nanaman nya yung ibabang parte ng labi nya at hinawakan ang batok na parang nahihiya pang ewan. Hinayupak! Kitang-kita ko pa naman ang pamatay nyang biceps na lumitaw sa sikip ng puti nyang t-shirt. ANO BA YAN, MCXYN!

Inalis ko ang kung ano ano nanamang kalokohan sa isip ko at, "No. I'm not his girlfriend. I'm just.. a..."

A what? Ano nga ba ako sa kanya?

"Friend." Sabi ko at tinanggal ang kamay nya sa balikat ko.

Nagtawanan naman ang buong barkada nya at may sinenyas sya.

'HAHA?!' Ang sweet sweet sa Manila, may 'pakilala kita sa Nanay ko', sa Manila tapos ngayon 'HAHA' lang ang sagot nya?!

Patalikod na ako nang may nagtanong ulit.

"Mcxyn diba? Pinapatanong nitong torpe kong katabi kung sino daw yung kasama mo?"

Tumaas ang kilay ko at nilingon si Heather na busy namang nag-iiikot ng tingin habang nakakapit kay Savino at ang boyfriend naman ay busy sa kanyang cellphone.

Please, stay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon