Pagkatapos ni Savino sumunod na agad ako.
Pagkatapos ko magbihis nakasakay na sila Savino at Heather sa jeep.
Si KR nasa pinto, "Akin na." Sabi nya sabay kuha ng bag ko.
"K, wag na sa Talipanan o sa Haligi. Dun nalang tayo sa ibang mas maganda." Sabi ko sabay tingin sa mga mata nya.
Nakakunot ang noo nya, "Bakit? Kasi kanila Agatha yun? Wala na naman kami. Dun na tayo." Patalikod na sya nang nagsalita ulit ako.
"Bakit gusto mo dun?" Tanong ko.
Lumingon syang lalong nakasimangot, "Ano? Diba kayo may gusto nun?"
"Ayaw na nga namin e. Sa iba na." sabi ko.
"Dahil nga kay Agatha? Wala na nga kami nun Mcxyn." Tumataas na ang boses nya.
"Pero diba hindi ka pa nakakamove on sa kanya. Pano kung kausapin ka nya dun? Tapos yayain ka nyang kumain, mag-date o ka-"
Masama na ang lagay nya, "Anong sinasabi mo? Kahit pa kausapin nya ako isasama kita. Hindi kita iiwan."
"Bakit mo ako niligawan kung hindi ka pa pala nakaka-move on sa kanya?" lumabas na rin kusa sa bibig ko ang lahat ng gusto kong itanong.
Lalong kumunot ang noo nya.
"Yan ba iniisip mo? Oo Mcx, hindi pa ako nakakamove on sa kanya. Kaya kita niligawan kasi gusto kita."
Natawa ako, "Talaga? Pwede pala yun? Gusto mo ako tapos hindi ka ba get over sa kanya?"
"Ano ba Mcxyn!" Binitawan nya yung gamit ko.
Tumulo na yung luha ko. Nanginginig na ako. Ramdam ko ding nakatingin na ang family nya sa amin.
Nanginig akong nagsalita, "R-rebound la-lang ako KR, diba?"
"Sino nagsabi sayong rebound ka?!" lalong lumakas ang boses nya at masama na ang tingin nya sa akin.
"Kasi nga diba! Hindi ka pa nakakamove on sa kanya, galit ka pa sa pagbabalewala nya sayo at sa mga ginawa mo. Nasasaktan ka pa diba? Kaya hindi ka makamove on kasi mahal mo pa sya! Tapos nililigawan mo ako? Para ano? Para ipakita sa kanya na may iba ka na? Na maipagmalaki mo na kaya mo syang palitan ng ganun ganun lang?! Diba? KR?! Tama ako diba?"
"#@#@#@#!"
Napapikit ako sa pagmumura nya.
"KR!" Narinig kong saway ng Papa nya sa kanya.
Lalo akong umiyak. Hindi ko na mapigilan.
Lumapit ang Papa nya sa amin, kinuha nya ang bag ko.
"Ako na maghahatid sa inyo Mcxyn." Sabi ng Papa nya.
Tiningnan ko si KR na nag-iwas ng tingin sakin at nang-gigigil parin ang panga nya.
Sumunod na ako sa Papa nya pasakay sa jeep at panay ang punas sa mga luha kong ayaw tumigil sa pagtulo.
Ni hindi nya ako nilingon. Hindi ko alam kung bakit!
Kung bakit gusto ko parin syang lumingon sakin kahit na galit ako sa kanya.
"What happened?" Tanong ng nag-aalalang si Heather.
Pinunasan ko ang luha ko. Umiling lang ako ng umiling.
Hinatid parin kami ni Tito Kevin sa Talipanan.
Pagbaba nila Heather, nag-thank you sila. Ako lumapit muna kay Tito.
"Umm. I'm so sorry po. Nakipag-away pa po ako kay KR sa bahay nyo." Sabi ko at tumungo pa sa sobrang hiya.
"Dapat ako ang mag-sorry dahil ganun ang inasta ni KR sayo. Hayaan mo kakausapin ko sya." Sabi nya at tinapik ang balikat ko.
BINABASA MO ANG
Please, stay.
Romance"Please, stay." Masarap pakinggan lalo na pag mula sa taong sobrang mahal mo at ayaw mong iwanan. Pero paano kung yung taong yun ay masyado nang nakakasakal? Will you still stay?