PS20: Rebound

24 5 0
                                        

Maaga akong nagising at nakita kong tulog pa si Heather. Ginising ko sya kasi nakakahiya kung mahuhuli kami sa pag-gising.

"Heath. Gising na."

Napahawak sya sa ulo nya nang magising.

"Same effect." Natatawa nyang sinabi na tinutukoy ang pag-inom ng beer kagabi.

"Tara labas na tayo."

Paglabas namin nagulat kami pareho ng makitang nagkalat ang mga Tito, kaibigan at pinsan, si KV at Papa ni KR sa sala. May mga nakahiga sa sofa, mas maraming nasa sahig, naka-upo at nakahiga.

Plakda sila! Hahaha!

"O ang aga nyo naman magising." Sabi ng Mama ni KR na nagluluto pa.

"Oo nga po e. Ang aga mang-gising ni Mcxy." Reklamo ni Heather na pakusot-kusot pa ng mata na umuupo sa dining area nila.

Natawa ang Mama ni KR sa sinabi ni Heather. Sinamaan ko naman sya ng tingin. Luka-luka 'to ah!

"Tita, sadya po bang ganyan sila." Sabay tingin ko sa mga tao sa sala nila.

"Hay nako! Ganyan lagi yang mga yan. Si KR lang ang nakakarating sa kwarto nya. Tsk tsk tsk." Pailing-iling sya habang nakaharap sa niluluto nya.

Napangiti naman ako.

Nakakatuwa ang family nila. Ang kukulit.

"O magkape kayo dyan. May ininit na akong tubig at may kape dyan." Tinuro ni Tita ang kape at mainit na tubig.

Kaloka, eto dapat katabi ko ang painumin nito e.

"Ngayon ko lang po nakita ng maayos yung house nyo Tita, it's so cute. Napaka-artistic po ng gumawa nito. Amazing." Sabi ng medyo nahimasmasan na si Heather habang paikot-ikot ang mata sa buong bahay.

Tiningnan ko din ang buong bahay. It's made from Bamboo pero hindi mo maiisip na mahuna eto. Maganda tyaka medyo malaki. Simple pero mukang mahal ang bili nila dito. Masyadong effort ang bawat gawa ng bahay na 'to. Pati upuan, lamesa gawa sa bamboo. Ang galing! Akala ko applicable lang to sa mga cottages, pero maganda rin pala kapag bahay talaga. Malamig.

Umupo si Tita sa center ng table nila.

Medyo natawa sya bago nagsalita, "Gawa ito ng Papa ni KR. Maliit lang 'to nung una kasi hindi naman namin kaya na malaki agad, ayon nung nakatapos si Kamille at tumulong ang asawa nya pati si Agatha. Napalaki namin."

Ano? Agatha nanaman?! Nanaman?!

Ngumiti lang ako. Wala na akong gustong sabihin.

"Who's Agatha, Tita?" Nakakunot noong tanong ni Heath.

Hindi rin naman nya kilala si Ate Kamille dahil tulog na sya kagabi kailangan talaga yung Agatha na yun ang itanong?

"Ah. Yun yung naging girlfriend ni KR."

Ah! Aray ah!

Nakita ko namang sinilip ako ni Heather kasi nakatalikod ako sa kanya pero nakaupo din ako sa dining at nakaharap ako sa Mama ni KR.

"Really Tita? How long? Mukang sobrang close sya sa family nyo ah."

Heather! Hindi porket pinsan kita hindi na kita masasakal!

"Umm. 3 years naging sila. Nagbreak sila nung bago mag-aral si KR sa Maynila."

3 years?! Tagal din nun ah! Shet!

Tama na po! Kailangang harap-harapang saksakan?!

Oo! Hindi pa kami! No need to discuss this infront of me! I'm breaking, you know!

Please, stay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon