PS8: Kumapy

35 6 0
                                    

For the first time in my human life existense ngayon lang ako na-excite pumasok kahit na wala manlang akong tulog.

Alam nyo na kung bakit.

Syempre ngayon lang may nag-appreciate sakin na hindi ko naman kapamilya. Yung nagpaparamdam sakin na maganda ako kahit hindi naman. Yung ihhh! Basta! Yung kagaya ni KR sa buhay ko ngayon!

Kaya habang naglalakad ako ngayon, feeling ko ang ganda ganda ko. Para ako lumulutang. Kahit pa mas marami sa paligid ko ngayon ang kontra sa love life ko.

Kung tingnan naman ako ng mga babeng to akala mo naman may mga history sila ni KR. Para bang mang-aagaw ang tingin nila sakin. Ni hindi nga sila tinatapunan manlang ng tingin o ngiti ni KR.

Sorry kayo! Maganda kasi ako!

#@#@#@ joke lang po! Kakahiyaaa!

Pero seryoso.. si KR minsan wala syang pakialam sa mga fans nya, o kaya sa mga babaeng harap harapan syang nginingitian, iniiritan. Minsan nga nakita ko syang nilapitan ng isang babae maganda naman, actually mas maganda nga sakin.. Ay maypag-mas?! Akala mo naman ang ganda ko talaga e no!

Ayon na nga edi nilapitan sya para magpapicture. Hindi manlang sya nagpapicture, kasi nakita na nya ako nun! Sereh ne! Ang ganda ko lang talaga! Chos!

Pero minsan naman masipag yun. Masipag ngitian, magpapicture sa mga fans nya.. napaka-moody kasi talaga ng hambog na yun.

Minsan ang yabang yabang nya, minsan cool lang. Minsan din naman ang bait nya, gentlemen, sweet.. haaaay! Inlavey ang lola nyo!

Nung makarating ako sa room sa klase ng Calculus! Yehey! For the first time nanaman pumasok ako ditey!

Teka.. bakit parang walang chismisan ngayon ah.

Bakit lahat nakasubsob tong mga to?

Tyaka... umm. Wala pa si lover boy!

Late ata yun dahil inumaga na sya sa amin.

"Ahh.. ummm.. Pete, bakit kayo ganyan.. anong meron?"

"Ha? Lutang ka ba Mcxyn?" nakakunot ang noo nya sa akin at binalikan na ng tingin ang notebook nya.

Ako pa lutang ngayon sila tong mga weird.

"Ano nga?"

Kumunot noo lang sya at hindi na ako pinansin. Sanay na ako sa mga ganyang approach.

Ganyan talaga ang napapala ng hindi naman kagandahan. Hindi masyadong pinagpapansin. Tss. Kaya ayokong nakikipag-usap sa mga to.

Hinayaan ko nalang sila at nagsulat nalang ako ng hindi ko matapos tapos na kwento ko, as usual.

Buti nga to. Tahimik sila. Baka nalintikan last meeting kaya mga subsob sa pag-aaral.

Hanggang sa dumating na si Ma'am, kasunod din nyang dumating si KR.

Napatitig lang ako sa paglakad ni KR. Nakabody bag sya na may tatak na Herschel. Nakakapogi lalo sa kanya, messy hair na parang bagong gising lang, parang puyat na puyat pa lalo yung mata nyang mapupungay, ang pula ng labi nyang kissable (Ay juskolord!) tapos naka-headset sya at simple white t-shirt na hindi masyadong fit pero kita yung hugis ng katawan nya at denim ripped pants.

Tulo laway na si Madrigal Mcxyn!

Bigla namang nagsalita si Ma'am. Naalis tuloy ang tingin ko kay KR.

"Okay class. Ready for your major exam?"

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang mga katagang sinabi ni Ma'am.

Please, stay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon