Hindi sya agad umimik.
Tinitigan nya lang ako ng may halong inis at halong parang lungkot at sabik.
Hindi ko alam. Hindi ko nanaman sya maintindihan.
"Ano KR? Si.. Si- Ag-Agatha na ba ulit?" namumuo nanaman ang mga luha ko.
"Hindi."
Bigla akong kinabahan dahil natutuwa ako sa narinig ko sa kanya.
Shet! Hindi si Agatha! So ako? Ako ba KR?!
"Nasaktan ako kay Agatha. Oo totoo yun. Hindi sya basta mawawala sa buhay ko kasi parte na sya nito. Pero..."
Lumapit sya sakin.
Tiningnan nya ako sa mga mata halos malusaw ako, "Pero hindi ibig sabihin nun sya na ulit. Diba alam mo naman na ikaw."
"Pano kung pag nagtagal din tayo, gawin mo rin sakin yung ginawa mo sa kanya?"
Kumunot ang noo nya.
Ay tae! Hindi nga pala nya alam na kwinento sakin yun.
"Hindi ko babae yung nakita ni Agatha nun. Hindi nya ako hinayaang magpaliwanag ng maayos. Hindi sya naniniwala sakin."
Tumawa nanaman ako, sinungaling, "Talaga lang ha?"
Kumunot nanaman ang noo nya.
Moody talaga tong batang 'to!
"Hindi ka rin naniniwala sakin?"
"Sino yung babaeng yun?" tanong ko.
"Kaklase ko yun, lasing sya kaya ganun nalang sya kung makalapit. Ni hindi ko nga sya pinapansin sa school, nagkita lang talaga kami sa bar." Paliwanag nya.
Tinaasan ko sya ng kilay, "Hindi ako hinayaang magpaliwanag ni Agatha. Hindi ko nga alam kung bakit ko sya sinuyo e wala naman talaga akong kasalanan."
May ugali talaga ang isang ito!
Gusto ko sanang tanungin kung anong pinag-usapan nila, kaso ayoko kasi private na yun masyado tyaka sa kanila nalang yun ni Agatha.
"E yung Biel? Sino yun?" wow ha, Mcxyn! Kayo na?! Kailangan mang-urirat?
Tumawa sya, "Masyado ka namang selosa."
Bumitaw ako sa pagkakahawak nya kaya lalo syang natawa at tiningnan lang ako. "Sexy ka ngayon ah." Sabi nya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Napansin ko namang naka bikini bra lang ako at maiksing shorts. Sinamaan ko agad sya ng tingin at hahampasin n asana nang higitin nya ako palapit sa kanya. Ngayon napaka-lapit na namin sa isa't-isa!
"Tayo na?" tanong nya at tiningnan ako ng malagkit. Ano ba!
AGAD?!
SIGE BA! Chos lamang!
"Hmmmm." Tinaasan ko sya ng kilay.
"Sino nga si Biel sayo?" ulit kong tanong kahit na napaka-lapit na ng muka nya sa muka ko. Hinawakan nya ang pareho kong pisngi, "Best friend ko si Biel, kababata eventually nagkagusto sya sakin pero matagal ko nang nilinaw na magkaibigan lang talaga kami, wag ka masyadong selosa, ha?" sabi nya saka ako hinalikan sa ilong.
"Huy ang kapal mo!" sabi ko at agad syang natawa.
"Hindi ba totoo?"
TOTOO! IKAW NAMAN! Malamang totoo!
"Tayo na nga?" tanong nya ulit.
Tumango-tango ako habang hawak pa rin nya ang magkabilang pisngi ko.
BINABASA MO ANG
Please, stay.
Romance"Please, stay." Masarap pakinggan lalo na pag mula sa taong sobrang mahal mo at ayaw mong iwanan. Pero paano kung yung taong yun ay masyado nang nakakasakal? Will you still stay?