PS39: Pumayag

15 3 0
                                    

Pagbalik ko sa classroom tinitigan ko ng mabuti si Ma'am terror Herrera.

Totoo ba ni? Gusto mo ba si KR ko kaya ka nagkakaganyan? Kaya ako ang pinagtritripan mo?

Wow! Ang husay husay!

Inintay ko syang tawagin ako pero hanggang matapos ang klase hindi na nya tinawag ang pangalan ko.

So it's true.. soooo true!

To KR: Thanks sa sinabi mo kanina sa speaker, medyo nilayuan na nila ako!

May mga tumitingin tingin pa rin sakin. May masama pero may mga sorry face din.

Okay lang. I cannot judge you guys. Gusto ko nga yung ganun. Yung makarating kay Mama na wala na kami ni KR.

Kinabukasan papasok ako ng building nang may tumawag sa akin.

Napalingon agad ako sa hindi pamilyar sakin na boses.

Ngayon lang may tumawag sa pangalan ko na may excited na tono bukod kay KR at Heather. Kaya interisado agad akong malaman kung sino tong lalaking 'to na may dalang life size na teddy bear.

"Hi, Mc-mcxyn." Hinihingal pa sya pagkalapit nya sa akin.

"Hi." Sagot ko at nginitian sya.

Nagpakita sya ng malaki nyang ngiti, "May gusto lang sana ako ibigay sayo."

"Ha? Ano yun?"

Inabot nya sa akin ang isang sulat at yung mas matangkad pa sakin na bear. Nagmuka tuloy ako lalong pandak.

Napangiti naman nya ako ng malaki.

"Salamat."

Ngumiti sya saka tumungo. Cute din naman ang isang 'to. Baby face. Mukang napaka-inosente pa.

Pano kaya ako napansin ng cute na ito?

Inangat nya ulit yung tingin nya sa akin.

"Ako nga pala si Quince."

Hahawakan na sana nya ang kamay ko nang biglang may nagtakip ng mata ko at inurong ako palayo kay Quince.

"Wag mo syang hawakan."

Narinig ko agad ang malalim at madiing boses ni KR.

Tinggal ko ang kamay nyang nakatakip sa muka ko.

Kanina ay nasa ilalim ako ng kaliwa nyang kilikili at nakatakip sa muka ko ang kaliwa nyang kamay. Nakatuon ang kanang kamay ni KR sa dibdib ni Quince.

Nakita ko ring sumimangot si Quince at nakipagtinginan kay KR ng masama.

Tinaboy nya ang kamay ni KR.

"What's your problem, dude?" Maangas na tanong ni Quince.

"Just don't touch her." Madiin na sagot ni KR.

Natawa pa si Quince, siguro ay dahil sa pinapakitang pag-uugali ni KR ngayon, "Bakit? Hindi nanaman kayo diba?"

"At sinong naman nagsabi sayo nun?"

Lumingon ako sa paligid at dahil sa alitan nilang yun marami na silang nakuhang atensyon.

"Ah, Hehehehe. Pasensya ka na Quince dito sa ex-boyfriend ko ah." Sabi ko atsaka hinawakan si KR sa braso para ialis doon pero parang matigas na bato si KR dahil hindi ko sya maitulak.

Tumawa sya na yung tawang asar at, "Hah. Ex-boyfriend?"

Kapag pinayagan ko pa syang magsalita pa, lagot na! Kilala ko si KR hindi ko mapipigilan ang bibig nya.

Please, stay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon