PS6: Rides

46 9 3
                                    

Tuwing vacant lagi lang ako nadun sa favorite kong inuupuan na bench. Nagsusulat as usual ng tungkol sa ginagawa kong story.

Masaya ako sa ipinakita sakin ni KR na side nya. Kasi ang lagi ko lang napapansin ay yung pagka-hambog nya, pero may insecurities din pala yung mayabang na yun.

Sa totoo lang, hindi naman dapat ika-insecure yung kalagayan nya. Kasi kahit na hindi sila kayamanan, buo yung pamilya nila, masaya kahit simple lang.. matalino sya, may itsura sya tyaka may talent pa sya sa sport. Kung titingnan ng iba si KR, ng mga taong hindi sya kilala, alam ko namang sasabihin nilang almost perfect yung taong yun. Kasi nasa kanya na ang lahat.. sa talino nyang yun.. kaya nyang maging kasing yaman ng kahit na sinong mayayaman dyan. Meron syang gift na magpapa-angat sa buhay nya.. hindi pa lang sya aware dun kasi hindi naman nya iniisip na pwede pala syang dalhin ng mga pangarap nya at ng kakayanan nya sa mundong gusto nya....

Teka! Tungkol kay Kuya Juls ang sinusulat ko bakit si KR ang nasa isip ko?

Naprepre-occupied yung utak ko e..

Hindi naman pala masamang magka-gusto sa taong hindi mo pinapangarap o malayo sa gusto mo. Ay! Ano! What I mean is... Uhh! Hindi naman pala masamang matuwa...? Oo matuwa sa ibang tao!

"Kain."

Inilahad sakin ang pagkain may bilog na may sauce at may pantusok. Ano nanaman kaya to?!

"Ano nanaman yan?" Sabi ko sa kanya paka-angat ko ng tingin.

Nasilaw pa ako at nakita ko ang mala-hunks na nilalang na ito na nasisinagan pa ng araw. Hulog ata ito ng langit e!

"Wag ka mag-alala, masarap yan."

Kinuha ko agad. Mabilis naman ako kausap e!

"Baka mamaya may tae nanaman to ah." Sabi ko habang tinutusok tusok ang pagkaing binigay nya.

"Huy wala! FSavball yan. Tyaka di naman totoong may tae yung isaw, gusto lang talaga kita asarin nun."

FSavball?! Eto pala yun! Awesome!

"Huy! Hinay-hinay naman sa pagkain, nguyain mo naman." Sita nya sakin nang lantakan ko agad yung fSavball.

Ay sorry! Masiba lang!

"Ay shori.." sabi ko nang may laman pa ang bibig.

"Grabe, ang takaw mo naman."

"Shh.. Hindi naman." Puno parin ang bibig ng pagkain..

"Kumain ka muna, ang daldal mo na agad."

Ay sorry naman..

Nagulat ako at walang nagawa nang bigla nanaman nyang hinigit yung notebook ko. Laging si higit to!

"Adik ka dito no. Ni minsan hindi kita nakitang hindi hawak to.. sabihin mo nga sakin.. ano bang meron sa sinusulat mo na to at kinababaliw mo?"

Ayoko sanang ikwento si Kuya Juls kasi.. ewan ayaw ko lang.

"Tungkol lang yan sa isang perfect boy na karapat dapat sa isa ring perfect girl."

Kumunot ang noo nya, "May ganun ba?"

"Oo naman." Agad kong sagot. Kasi si Kuya Juls perfect sya. Kaya worth nya ding magkaroon ng perfect partner.

"Saan? Dyan sa kwento mo?"

Interview?!

"No! Totoo sya in real life! He's existing!"

Nagulat sya sa reaksyon ko.

"Ahhhh. Kaya sa tingin mo yang Juls Javier na yan ay bagay sa iba at hindi sayo?"

Kumunot ang noo ko. What is he trying to say?

Please, stay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon